My eyes abruptly open when I hear someone calling my name. I slept again. I sigh and move my head idly to turn my eyes to the person who's calling my name. I recognize it's my sister who's calling me but I just knit my brows at her.
She's outside of the classroom and keeps waiting for me to come out but I'm too lazy to stand up. We have just finished our exams and my brain is dead tired. I could no longer function if something like that happened again.
Tinabi ko ang notebook ko na may string sa lamesa. Inilagay ko lang yun doon atsaka nanghihina akong naglakad papunta sa pinto. Yung mga kaklase ko ay nagbabasa ng notebook, may iba na nagcecellphone pero yung iba ay nasa labas. Our finals week are almost done, and fortunately tapos na kami. Yung ibang department ay hindi pero mabuti nalang at natapos kami.
We're also done checking our test papers and most of the courses I took brought me to peace. Karamihan sa kanila ay hindi maraming mali. The highest point I got was from my major course and I only got two mistakes. Tinatawanan ko lang yung mga mali ko sa exam kasi hindi naman ako genius at minsan ay nakakalimutan ko yung inaaral ko.
Pinupunasan ni Idy yung pawis niya sa noo nang makalabas ako ng classroom. Mula siya sa kabilang building. Tinext ko kasi siya na hihiram lang muna ako ng pera sa kanya para sa pamasahe. Nakalimutan ko yung wallet ko sa apartment namin kaya sa kanya ako hihiram.
Hindi naman na pwede sa iba kasi nakakahiyang umutang at syempre ako pa ang manghihiram ako pa yung naghintay sa kanya na dalhin niya sa akin ang pera.
"Anong oras ka uuwi?"
I shrug my shoulders. "Di ko alam. Maaga pa naman kaya hindi muna ako lalabas ng campus."
"Ikaw na ang bahala doon kapag nakauwi ka na. Baka gabihin ako."
Tumango ako. "Sige."
Yun lang atsaka siya umalis sa harap ng classroom. Idy and I are never infatuated in each other. We're just... cool like any siblings are. Hindi nga lang kami nag-aaway, nag-aasaran lang pero hanggang doon lang yun at tahimik na ulit kami.
But I know that for eight months of living together in one house, we formed a special bond. We mended the hole that kept us distance for a long time and now, we're like friends.
Simula nang tumira kami dito sa Montecito ay nagbago ang buhay namin. At wala kaming ibang pinaghuhugutan ng lakas kundi kami lang dalawa. We're each other's back and that's what holding us. Our strings attached in bones are stronger than before.
Bumalik ako sa pwesto ko at napa-igik nang maramdaman yung sakit sa puson ko. These past few days, sumasakit siya at tingin ko ay malapit na akong maregla. Irregular ang period ko at dahil yun sa hormonal imbalance ko na minana ko pa yata kay mama.
Ilang buwan na akong hindi dinadalaw at nakakapagtaka lang. Pero noong December ay yun ang huli kong period pero kunti lang ang lumabas na dugo at isang araw lang.
Pero base sa nararamdaman ko ay wala naman akong iniindang sakit. Medyo tumaba ako kaya may bilbil na ako, at dala yun ng stress eating dahil sa school. Being a college student is more difficult than being a high schooler. Most instructors here are stricter and have no mercy. Kaya yung iba ay nagrereklamo nalang pero hindi namin sila masisisi. Yung iba oo, nakakaintindi pero yung iba ay hindi.
Idy and I are lucky to be at Montecito University. We're both granted by their generous scholarships. Working student din, kapag hindi kami nasa eskwelahan ay nasa trabaho kami.
Sa eskwelahan kami parehong nagtratrabaho. Yun kasi ang isang program nila para makatulong sa mga estudyante. Ang eskwelahan mismo ang nagswesweldo sa amin mapa-scholar man o hindi basta interesado na magkaroon ng pera. Naglilinis lang kami sa campus pero hindi naman buong facilities ng campus.
BINABASA MO ANG
Color of Hate (School Series #1)
RomanceSCHOOL SERIES #1 | 18+ Narra Palermo believes boys are only destruction. Aiming to be one of the top students of their school, she rather choose books over boys. Getting higher grades means so much to her that's why she doesn't want destructions. B...