Chapter 18

569 20 1
                                    

Isang linggo na ang nagdaan at nasa buwan ng Hulyo na. The summer is still here but sometimes we could feel the atmosphere teasing us by falling the rain on earth. Ngayong araw ay hindi umulan pero kahapon ay nagkaroon ng bagyo sa ibang lugar kaya nagkaroon ng matinding ulan kahapon. 

Inilayo ko ang sarili mula sa pinto ng tindahan at umupo sa harap ng lamesa habang nakatanaw sa park. Masaya ang mga ibon ngayon dahil maganda ang panahon, at hindi na kasing init nung mga nakaraang buwan. 

"Narra! Pakibantay nga muna dito sa counter, magbabanyo lang ako." sabi ni Ava mula sa counter.

Agad akong sumunod sa sinabi niya at nagbantay sa counter. Five minutes ago ay may pumasok na dalawang customers, nag-assist lang ako sa kanila kasi hindi nila alam kung saan nakalagay yung mga gusto nilang bilhin at si Ava ay siyang nasa counter.

Umupo ako sa isang silya na nandoon at sumandal habang hinihintay ko yung mga susunod na papasok na customer.

Hindi naman nagtagal ay lumabas din si Ava mula sa staff room at umupo sa gilid.

I hear her yawn loudly. "Hay naku! Nakakaantok talaga." she starts.

"Mabuti at hindi ka naboboring sa trabaho dito."

Umiling siya at inaantok na tumingin sa'kin. May luha pa sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa paghikab niya.

"Nasanay na ako dito. Saka wala naman akong ibang choices kundi dito nalang magtrabaho kasi wala akong mahanap na ibang trabaho dati."

"Pero kapag may mahahanap kang trabaho na mas malaki ang sweldo ay magreresign ka?"

"Oo. Hindi sapat yung kinikita ko dito. Pangkain lang at pambayad ng tubig itong kinikita ko, kunti nalang ang natitira para sa akin."

"Ilan ba kayo sa bahay niyo?" tanong ko.

Sinapo niya ang kanyang nakatali na buhok para mas malinis tignan. "Anim. Dalawa kaming nagtratrabaho na magkapatid at yung dalawa ko pang kapatid ay nag-aaral. Yung parents ko ay may mga trabaho pero syempre naghihirap kami dahil sa utang ng parents ko sa pagpaaaral ng dalawa."

Napatango ako at initindi yung sitwasyon niya. Alam kong swerte ako dahil hindi na ako nasundan pa ng isang kapatid dahil yung buhay ngayon ay ang hirap. Mahirap talaga sa mga mahihirap.

Nagkwentuhan lang kami ni Ava tungkol sa buhay naming dalawa bago ulit kami nahinto nang sunod-sunod na pumasok yung mga mamimili.

Ilang weeks palang ako na nagtratrabaho sa groserya ay bumilis yung kilos ko sa paglalagay ng mga bilihin sa plastic bag at sa pagtitipa ng prices sa keyboard para mabilang ang mga pinamili.

Natapos kami ng madilim na dahil mas dumarami kasi ang mga mamimili sa hapon. Yung iba kasi ay napiling sa groserya nalang bumili kaysa pumunta pa sa palengke dahil madaling magsara doon.

"Ingat ka sa pag-uwi, Ava."

"Ikaw din. Bye." tugon niya nang makalabas kaming dalawa para iwan ang grocery store.

May dalawa na kasing nagbabantay doon at yun na yung oras ng pag-uwi namin. Patakbo akong tumawid papunta sa park dahil nandoon na si Conan at naghihintay sa akin.

Hindi pa lang siya matagal na naghihintay sa akin kasi kararating lang niya. Pagtatanggal palang niya nang helmet at agad na akong lumapit sa kanya. Sinalubong naman niya ako ng yakap—mahigpit na yakap.

"I miss you." Sighing on my hair, he says.

"Nagkita palang tayo kaninang umaga." aniya'y humiwalay ako sa kanya.

Yung isang kamay niya ay nakapatong sa balikat ko at nakasimangot siyang nakatingin sa akin.

"But I still missed you a lot. Hindi kita pinarahan kanina dahil papasok ka ng tindahan."

Color of Hate (School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon