Pinahiram ako ni Ava ng damit pamalit dahil mayroon siyang damit na dinadala kapag gusto niyang magbihis. Nahinto na ako sa pag-iyak pero nakatulala pa'rin ako.
"Pwede kang umuwi kung hindi mo kayang magtrabaho ngayon, Narra. Huwag mo nalang pilitin ang sarili mo na magtrabaho."
Pinahid ko ang luha na tumulo sa aking pisngi at kinalma ang sarili.
Umupo siya sa harap ko. She looks at me with so much concern in her eyes but I don't need it. I just want to talk to Conan.
"Nakipagbreak na siya sa'kin, Ava." usal ko.
Tumango siya. "First heartbreak talaga hindi na'tin 'yan makakalimutan. Pero kumalma ka lang. Maganda ka naman at marami pang mga lalaki diyan. Hindi tayo mauubusan."
Pero siya lang ang gusto ko. Bakit ngayon pa siya kumalas na nahulog na ako sa kanya ng sobra.
"Tinext ko yung kasamahan ko dito na bumalik na siya agad kasi kailangan na siya sa trabaho. Ilang araw nalang naman ang pagpasok mo dito at pwede mo ng makuha ang sweldo mo. Ayos lang talaga Narra na hindi ka na magtrabaho dito kung ayaw mo na."
Hindi ako nagsalita. Bumuntong-hininga siya at kumuha ng tissue paper para ibigay sa'kin. Tahimik siyang umupo sa harap ko. Binaliktad niya yung close sign sa harap ng pinto ng groserya. Ibabalik naman niya ulit yung open sign kapag okay na.
Nasa loob kami ng staff room at pareho kaming tahimik. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang tissue saka yumuko. Nabasa ang damit ko ng ulan dahil hindi ako umalis agad kanina. I thought crying in the rain with a broken heart only happened in the movies but I remember I'm not in a movie, I'm in a reality.
Sa loob ng ilang taon kong pangangalaga sa puso ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang sakit. Nakakatrauma na. Parang ayoko ng magmahal ulit pero gusto kong marinig pa yung paliwanag ni Conan kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin.
"Alam mo, ganyan din ako dati. Nabaliw din ako sa first love ko at iyak din ako ng iyak noong nakipaghiwalay siya sa'kin kasi may nahanap din siyang mas matimbang kaysa sa'kin. Ang tanging maa-advice ko lang sayo Narra ay pangalagaan mo lang ang sarili mo. May mahahanap ka'rin na mas deserving para sayo."
Tinapik ni Ava ang tuhod ko at sinabihan akong iiyak lang ang sama ng loob ko. Saka na siya lumabas ng staff room para hayaan akong mapag-isa. Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking kamay, may luha na namang lumabas rito at nakakainis masyado dahil hindi manlang niya ako kinausap ng maayos.
Parang robot kung gumalaw at magsalita si Conan kanina dahil wala siyang emosyon. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri. At huminga ng malalim.
Siguro nga ay kailangan kong magrelax kasi at palamigin yung ulo ni Conan. Baka nasabi niya lang yun kasi mainit ang ulo niya at baka may kagalit siya kanina na naibagsak sa akin kaya niya nasabing makipaghiwalay ako sa kanya.
Naghilamos ako sa banyo at inayos ulit ang sarili. Akala ko ay mag-uusap kami ni Conan tungkol sa problem niya at kung bakit siya hindi nagpakita sa akin ng ilang araw.
Kinuha ko ang Kleenex na nasa tabi lang ng sink at pinunasan ko ang aking basang mukha. Namumula pa'rin ang mga mata ko at yung tungki ng ilong ko pero all in all, wala akong ibang nakitang mali sa akin maliban yung puso ko na masyadong nasaktan sa biglang pagkalas sa akin ni Conan.
Two months lang pero hindi niya ako binigyan ng chance para mahalin siya ng buo. Kung may pagkukulang man ako ay alam naman niya yun dahil ganun din siya sa'kin. Pero never akong nagreklamo sa pagkabusy niya sa taekwondo at sa summer job niya.
Hindi ako umuwi sa bahay pagkatapos ng off ko sa groserya. Hindi ako umalis dahil nakakahiya sa may-ari ng groserya, ilang araw nalang ako na magtratrabaho at kailangan ay may magandang impression ako sa kanya kahit pa man sa tingin ko ay huling araw ko na yun kanina.
BINABASA MO ANG
Color of Hate (School Series #1)
RomanceSCHOOL SERIES #1 | 18+ Narra Palermo believes boys are only destruction. Aiming to be one of the top students of their school, she rather choose books over boys. Getting higher grades means so much to her that's why she doesn't want destructions. B...