Apat na araw akong nagmukmok sa loob ng bahay. Si Aling Senda lang talaga ang bumibisita sa akin, yung ibang mga kapitbahay namin ay inabandona ako dahil kay mama. Minsan din ay dinadalhan ako ng pagkain ni Idy. Dumadalaw din siya sa bahay kapag gusto niyang dalhan ako ng pagkain.
Nagkakasundo naman kami ni Idy pero nandyan pa'rin yung ilangan dahil simula noong mga bata pa kami ay hindi kami magkasundo, ngayon lang na malalaki na kami at may sariling isip.
It would take us some time to be more close. At yung time na yun ay mukhang hindi pa ngayon. But right now, what's important is that we're okay. We're connecting as siblings.
Yun ang pangarap ni papa. Ang magkasundo ang mga anak niya.
Binisita ko si mama at dinalhan siya ng pagkain. Sinabi ko sa kanya na nagkausap kami ni Idy pero hindi ko sinabi sa kanya na tinangka kong kunin ang buhay ko. Ayokong sisihin niya ang sarili niya kung bakit ako nadepress.
Sinabi niya sa akin na dapat kong pagtuuan ng pansin ang pag-aaral ko. At kung pupwede lang daw ay sa malayong lugar ako mag-aral para mas gumaan ang buhay ko.
And the thoughts of sending myself to somewhere else broke my heart. Ang gusto naman ni mama ay malayo ako at binanggit din ni Idy na pwede kaming magsabay na pumunta sa Montecito kung gugustuhin ko.
Nasa kulungan ako at kaharap ko si mama sa isang lamesa. Nangayat siya at mukhang walang maayos na tulog dahil sa paghihina ng kanyang mga mata.
"May ipon kami ng papa mo anak, hindi yun malaki pero pwede mo yung gastusin kapag sobrang nangangailangan ka na talaga. Dalhin mo yung ATM na tinago ko sa aparador. At huwag mong kakalimutan na tulungan ang kapatid mo kasi para sa inyong dalawa yun. Yung papa mo..." Parang nabibikig siya nang banggitin si papa. Pinilit din niyang hindi maiyak pero nangingilid ang kanyang luha. "Masyadong nagbabad sa trabaho para lang may maipon sa pag-aaral niyo. Tinulungan ko siya na makaipon dahil hindi naman ako madamot kay Idyana. Magtulungan kayo at huwag mong pababayaan ang sarili mo. Huwag mo akong masyadong isipin dito dahil dito lang talaga ako, anak. Hindi ako aalis dito."
Tumulo ulit ang mga luha sa aking mga mata. Sobra akong nasasaktan sa sinabi ni mama. Pero kung yun ang kahilingan niya ay kaya kong gawin para sa kanya at para sa sarili ko.
Tumango ako at yumuko para ihiga ang upper part ko sa lamesa. Nakapatong ang aking ulo sa braso ni mama. Hinaplos niya ang buhok ko.
Pag-uwi ko ay naglinis ako ng bahay. Nilinisan ko ang kwarto nila. Pati sa labas ng bahay namin. Diniligan ko ang mga halaman ni mama. Si Aling Senda ko nalang ito ipapatingin kapag makaalis na ako.
Hanggang umabot ako sa hating-gabi na paglilinis sa bahay namin. Nakatulog lang ako ng alas dos na ng umaga.
Paggising ko ay tanghali na. Naligo ako at nagbihis. Hindi maganda ang pakiramdam ko nang magising ako ng umaga kasi parang nahihilo ako at parang gusto ko nalang ulit matulog.
Pero nilabanan ko yun at uminom ng tubig. Hindi ako mahilig uminom ng gamot kasi ang hirap lunukin. Tubig lang talaga ang gamot ko sa mild na mga sakit.
Pumara ako ng tricycle at nagsabi sa driver na pupunta ako sa may karenderya kung saan nagtratrabaho pa si Idy. Tinatapos niya lang ang last day niya doon saka sa Sabado ay aalis na siya sa Montecito. Napag-empake na rin siya at handa na siyang umalis.
Sa loob ng kainan ako pwesto dahil ang inis sa labas.
"Anong order mo?" tanong ng ale sa akin.
"Arroz Caldo nga po at pancit molo."
"Sige. Maiinom mo?"
"Malamig na tubig nalang po." sabi ko.
Napatango naman ang matanda. Si Idy ay napansin ako na nakaupo sa tabi ng bintana. Mas mahangin din sa tabi ng bintana. Yung kainan ay may malalaking tatlong bintana sa bawat sides at sa harap naman ay dalawa na pinagigitnaan ng pinto. Tapos may ceiling fan pa sa dingding at sa kisame.
BINABASA MO ANG
Color of Hate (School Series #1)
RomanceSCHOOL SERIES #1 | 18+ Narra Palermo believes boys are only destruction. Aiming to be one of the top students of their school, she rather choose books over boys. Getting higher grades means so much to her that's why she doesn't want destructions. B...