Tatlong araw ang nakalipas mula noong araw na hindi nagpakita sa akin si Conan. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil hindi siya nagparamdam at wala akong ideya kung ano na ang ginagawa niya.
Hindi ko siya makuhang bisitahin sa trabaho niya kasi nagdemand yung boss namin na hindi daw kami pwedeng umabsent at sa linggo naman ay wala akong nagawa kundi ang maghintay lang sa loob ng bahay kasi nadischarge din si papa at binantayan namin siya.
Tinulungan ko rin si mama nitong mga nakaraang araw sa pagbebake. Samu't-sari ang tinanggap ni mama na mga orders sa pastries kasi kailangan ay mabigyan namin ng pera yung mga pamilya nang nasawi sa disgrasya.
It's unfortunate to those families who are now grieving of the loss if their loved ones. Umutang din kami sa banko para mabayaran yung pangangailangan nila sa funeral at ang bayad sa sementeryo.
Si papa ay nakakalakad naman pero crutches siyang dala para masuportahan ang kanyang paglalakad. Mayroon lang siyang sugat sa tuhod pero yun lang at wala na siyang ibang sugat.
Pasalamat parin kami dahil buhay siya, yung dalawang nasawi sa aksidente ay hindi talaga sinuwerte na mabuhay pa. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang aking bag para makapasok na sa trabaho. Alas syete y media palang at sakto lang yun para makapasok na ako sa trabaho.
"Ma, 'pa. Alis na po ako." Pagpaalam ko sa kanila.
"Ingat ka Ady. Yung baon mo." sabi ni mama.
"Nandito na sa bag 'ma." sagot ko at kinapa ko pa talaga ang bag ko para makasigurong inilagay ko na yung lunch box ko sa loob ng bag.
Si papa ay nasa loob ng banyo at naliligo kaya hindi na niya ako nakita pang aalis ng bahay namin. Sa harap na ako dumaan kasi nandoon naman palagi yung bike ko, hindi ko na ito inilalagay pa sa likod kasi palagi ko siyang ginagamit.
I breath the fresh morning air. It's finally the last week of summer. Next next week ay pasukan na at sa Montecito ako mag-aaral. Isang oras ang layo nun sa Monte Rico habang isang oras at kalahati naman ang byahe mula dito sa Mercedes hanggang doon.
It's also a big city like Monte Rico. But it's more polluted and the population there is more larger than in Monte Rico. And I'm more excited to be there.
Sa online ako nag-enroll at next week ako pupunta para maayos ko ang dormitory ko at iba pang papel na kailangan pang ipasa sa registrar. Kasi kailangan din nila ng hard copy at okay lang na mapasa ko yung hard copy next week.
"So ito na yung last week mo dito sa groserya. Babalik na'rin ang kasamahan ko galing sa kanilang probinsya at ikaw din, babalik ka na sa pag-aaral mo."
"Oo nga eh. Pero kapag may time ako at kapag si mama ang mag-utos sa akin na bumili ako dito ay talagang makakadalaw na'rin ako dito kahit papaano. Pero next week ay sa Montecito ako pupunta dahil doon ako mag-aaral."
"Wow. Ano nga pala ang kukunin mong programa?"
"Accountancy yung programa."
"Well, pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil para sa future mo yan. Huwag mo akong kakalimutan kung CPA ka na ah."
"Oo ba." sagot ko.
Mayroon nalang akong ilang araw sa pagtratrabaho dito sa groserya at talagang mamimiss ko ang pagtratrabaho kahit minsan ay boring dahil walang customer na gustong bumili.
Kapag nasa Montecito na ako ay mamimiss ko ang buong lugar na'to kahit minsan ay maraming gulo at natatakot ang ibang tao sa mga nagbubuga ng disgrasya. But behind those chaos, living here in my hometown brought peace to me and I have a lots of memories here.
Dito ako nagkaroon ng first real boyfriend at hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko alam kung paano siya hahanapin sa ganitong sitwasyon. Nakakalungkot na hindi siya makita pero sana naman ay dumalaw siya sa akin kahit saglit lang at sabihin sa akin kung ano yung problema niya kasi baka makatulong ako kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Color of Hate (School Series #1)
RomanceSCHOOL SERIES #1 | 18+ Narra Palermo believes boys are only destruction. Aiming to be one of the top students of their school, she rather choose books over boys. Getting higher grades means so much to her that's why she doesn't want destructions. B...