Chapter 14

611 25 3
                                    

Summer month when I got a job in a grocery store where we buy our stuffs. Sa harap ng park. Nagkataon lang na nagbakasyon ang owner at ang natira ay ang manager at isang staff. Yung isang staff din kasi ay umuwi sa probinsya nila para magbakasyon kaya naghanap lang muna ng pamalit.

At nagkataon lang na bumibili ako kasama si mama at nakita namin yung sign ng hiring sa labas nito na naghahanap ng isang staff para mag-part-time.

Pero may nightshift sa grocery store at hindi ako pumayag sa gabi kasi hindi ko pa kayang magpapuyat kasi hindi din ako magkakaroon ng oras kay Conan kapag sa gabi ako magtrabaho. Kahit busy siya at busy din ako ay at least may nakalaan pa'rin na oras para sa kanya.

While I'm at this job, pinaghahandaan ko na'rin yung pag-aaral ko sa college. May university na akong napili at medyo malayo yun sa Mercedes. Pero si Conan ay gusto niyang mag-aral sa Monte Rico dahil ang ganda daw ng offer doon.

May natanggap daw siyang scholarship sa isang school doon pero mag-iisip pa siya kung anong program ang maganda.

Magiging busy din kami sa mga panahon na yun pero sisiguraduhin ko na hindi yun magiging hadlang para sa aming dalawa. Long distance relationship could last if the two people who are in that relationship pass the wall that trying to block their relationship with honest or loyalty, sincerity, genuine love, and faith to each other.

Kaya kong malayo kay Conan at kung mahal niya ako ay hindi siya titingin sa iba. Ang dami ng nakalampas sa long distance relationship and they're still going strong.

Kaya pagsisikapan kong mag-aral at maging faithful sa kanya kahit malayo man kami sa isa't-isa.

"Narra."

Napalingon ako kay Ava, yung matagal ng employee dito sa grocery store.

"Bakit?" Binalik ko ulit ang tingin sa screen, may customer akong inaasiko nang tawagin niya ako.

"Sa banyo muna ako ha. Mabilis lang 'to." bulong niya.

May hinabol pa siya sa'kin na magbabawas daw siya. Kung ano man ang babawasin niya sa banyo ay wala na akong pakialam kasi yung customer ko ang inaasiko ko. Tumango nalang ako sa kanya saka nagproceed na ako sa paglagay ng mga pinamili ng customer sa plastic bag.

"Salamat po." sabi ko nang ibigay ko yung pinamili ko sa kanya.

I let out a huge sigh as I wipe the sweat tingling on my forehead with tissue paper.

Umupo ako sa harap ng monitor habang nagpupunas ng pawis. Hindi naman boring ang pagtratrabaho ko dito. Minsan kasi ay umuupo lang ako sa tabi ng bintana at nakatingin sa may park habang naghihintay ng customer.

Kapag gumagamit ng banyo o lunch break ang kasama ko ay hindi ko iniiwan ang counter kasi yun ang bilin sa akin. Hindi kami sabay kumain sa staff room kasi everytime na may pumapasok na customer ay kailangan talagang asikasohin.

At kapag iwan ang grocery store na hindi nakalock yung pinto at nasa staff room kami ay baka may pumasok na magnanakaw. Nakakatakot mangyari yun pero hinihiling ko talaga na walang may mangyari.

Tinapon ko ang ginamit na tissue paper sa trash can sa ilalim ng lamesa at sakto naman na may lumitaw na dalawang cup ng ice cream—na paborito ko. Pag-angat ko ng tingin ay agad akong sinaniban ng init nang makita si Conan na nakangisi sa harap ko.

Tumayo ako para kwentahan ang kanyang binili.

"Hundred four pesos." anunsyo ko, I'm still smiling like an idiot.

Kumuha siya ng bill at coins sa kanyang bulsa.

"Nasaan ang kasama mo?" tanong niya.

"Nasa banyo pa."

Color of Hate (School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon