Chapter 08

687 40 5
                                    

It's like the time stops and leaves only just the two of us, staring each other. Our face are facing closely—inches apart, but that doesn't mean we're not that close, anyway. Our breaths are clasping and I can smell his mint and fresh citrus flavored mouthwash.

I blink.

He also blinks.

I look away and he does the same too.

Binitawan niya ang kamay ko at kinuyom niya ang kanyang kamay tapos ay umayos ako ng upo habang nakakuyom ang panyo.

"Sorry." he mutters.

I nod and just mumble it's okay. "Uh... sorry din." Yun lang ang sabi ko kahit wala naman dapat akong ipagsorry pa.

Kinuha ko yung natirang burger ko at pinagpatuloy yung pagkain ko. Yumuko nalang ako habang kumakain. Inabala ko lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa labas at sa pagkain habang iniisip ko kung ano ang maaari kong pag-usapan namin ni Conan.

Tahimik lang din siyang kumakain. Unlike me, he's so calm while masking his face from bloopers we hit a while ago. Magaling lang yata siyang itago ng pagkahiya. I'm wary and awkward. So awkward.

Pagkatapos naming kumain ay tinapon namin sa basura yung can at bottled water niya. Lumabas kami ng canteen at inisip kung pupunta ba ako sa main hallway para makita yung pinost sa announcement board o hindi nalang, malalaman ko nalang yun bukas kapag nagpractice kami.

"Hindi ka pa ba sumilip doon sa pinost sa announcement board?" Nagulat ako nang unahan ako ni Conan.

Tumingala ako sa kanya saka umiling. "Hindi pa. Hindi na importante yun, malalaman ko nalang kung kapag nagpractice tayo bukas para sa graduation ceremony."

"Hindi ako makakapagpractice bukas."

Kumunot ang noo ko at sabay tanong. "Bakit?"

"May last na laban kami bukas kaya hindi ako makaka-attend. Kapag manalo ako ibig sabihin pasok na ako sa championship ngayong summer. Kailangan kong manalo kasi doon nakasalalay ang scholarship ko."

My lips get parted a little. "Uh... good luck?"

He smirks. "Ba't patanong?"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko. Pero good luck. Sana manalo ka."

Lumapad ang ngiti niya. "Thank you. It means so much to me."

"Yung good luck ko?"

He nods.

Napansin ko na wala siyang suot na piercing sa magkabilang tenga. Ang linis ng kanyang tenga na walang piercings. Pero kahit mayroon pa man ay talagang bagay sa kanya. Lalo na kapag yung dalawang hilaw na bilog na kulay silver ang isinuot niya, ang cool tignan. Parang bad boy in disguise si Conan.

"Narra."

"Nasa pasok ka sa top ten."

"Ha?" Gulat kong sabi.

Nakangiti siyang inanunsyo sa'kin kung pang-ilan ako. "Nasa top five ka. Tabi lang tayo dahil nasa top four ako."

Unti-unting lumaki ang siwang ng bibig ko habang nakatingin sa kanya. Tinampal ko siya sa braso. "Ba't nauna ka kaysa sa'kin?!"

Napahawak naman siya sa braso niya na tinampal ko pero imbes na masaktan ay natawa lang siya. Nawala yung mga mata niya nang tumawa siya.

"Syempre mas matalino ako kaysa sayo kaya nasa top four ako. Malas mo dahil naungasan kita."

"Hays!" Tinampal ko ulit siya na may sama ng tingin pero yung puso ko ay gumaan dahil akala ko kasi ay baka nalaglag ako sa top ten.

Okay lang talaga sa'kin kahit pangsampu ako basta pasok sa top ten. Ang hirap kasing makapasok sa top ten dahil ang daming matatalino.

Color of Hate (School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon