Chapter 13

646 28 3
                                    

Falling in love so easily reminds me of how I'm not scared of risking my love for myself over it. Loving someone is fun, relaxing, joyous, and I consider growing older too with it. Falling in love helps you to grow as someone. We could be bolder and wiser just because we risked ourselves to fall in love.

Kaya naman ay hindi masama ang magmahal kay Conan. Hindi naman siya kinakatakotan kaya wala akong dapat ipagbahala. And I enjoy sharing my love with him.

He's the first guy my heart scream for. Closing my book from my high school life ends this day and this is the first day that I will open another book for my next adventure. With Conan this time.

Pag-uwi namin sa bahay ay saka lang nagluto ng simpleng handaan ang parents ko. Hindi man marami ang pagkain na hinahanda para sa pagtatapos ko ng high school at least sapat na yun para lang ma-icelebrate namin ang pagtapos ko ng high school.

Pero naalala ko si Conan. The roses he gave is in my bedroom. Wala kaming vase sa bahay pero may nakita akong baso na malaki na hindi ginagamit namin kung walang malaking okasyon sa bahay. Ginawa ko yung vase para lahat ng roses ay hindi malanta.

I admire the roses. They're really pretty. Kumuha ako ng isang tangkay ng rosas at inipit sa notebook para may remembrance ako na binigyan niya ako ng bulaklak. Ginupitan ko lang yung stem ng kunti para magkasya sa notebook. Yung notebook ko naman ay hindi ko na nagagamit, drawing notebook ko nalang o di kaya ay kung ano-ano lang ang sinusulat ko roon.

Linagyan ko rin ng petsa kung kailan niya ako binigyan ng bouquet. Iniisip ko kung ano ang ibibigay ko kay Conan. He gave me flowers so I have to give him something in return as a graduation gift.

And I think about baking. Marunong akong magbake pero hindi ako magaling kagaya ni mama. Magpapaturo nalang ako sa kanya kung ano ang dapat gawin sa pagbebake. I badly want to give something for Conan as my graduation gift. Naaawa ako sa kanya dahil wala manlang akong maibigay sa kanya.

Pumunta ako sa kusina at nagtanong kay mama kung mayroon pa siyang natirang ingredients para sa cake.

"Gagawa ka ng cake? Eh may cake naman tayo ah."

"Ireregalo ko lang po sa kaibigan ko 'ma. Wala po akong naibigay sa kanya. Saka yung maliit na cake lang po ang gagawin ko, yung kasing liit lang platito."

Huminto muna siya sa pagstir sa nilulutong caldereta. "Tignan mo diyan sa aparador baka may natitira pang ingredients. Mamaya mo na gawin yan kapag matapos na tayong kumain kasi pauwi na yung papa mo."

Kumunot ang noo ko at hinanap si papa. Wala nga siya sa bahay. Akala ko ay nandito lang kasi kasabay naman namin siyang umuwi.

"Umalis ulit kasi hinahanap niya si Idy. Kinukumusta kung bakit hindi dumalo sa graduation kanina. Dismayado ang papa mo dahil hindi niya nakita ang anak niya, alam mo naman na gusto niyang tumungtong sa stage para sa inyong dalawa."

My face turns bitter when I heard my mother mentioned the name of my half sister.

"Siya naman ang hindi dumalo kaya bakit pa ba hahanapin ni papa yun? Matanda na yun."

"Hayaan mo na ang papa mo Ady. Hindi din naman tayo ginugulo ni Idy saka kung ayaw mo sa kapatid mo ay hayaan mo nalang siya." sagot ni mama.

Napasimangot ako at hindi na nagsalita pa. But still, the hatred towards my half sister is still there. And I don't easily forget how her mother ruined our almost perfect family.

Hinanda ko lang ang mga ingredients para sa pagbebake. Dumating si papa at may dala siyang isang container ng ice cream. Pistachio at vanilla ang flavor. Yung pagkain na nakahain sa lamesa ay yung maliit na cake na kagaya ng planong gawin, caldereta, ice cream, at isang box ng pizza.

Color of Hate (School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon