Chapter 40

650 25 8
                                    

Hindi na kami nagkausap ni Conan mula nang magkasagutan kami sa mall. Kapag kinukuha niya si Braden ay sa labas nalang siya naghihintay, sa labas ng gate habang ako ay hanggang sa may pintuan ko nalang naihahatid si Braden kapag umaalis na siya para mamasyal sila ng papa niya.

Hindi nauubusan ng mga listahan si Conan sa mga pinupuntahan nila ni Braden. And based on Braden's expression when he got home from wherever they went, he isn't look disappointed and sad. Palaging maaliwalas ang kanyang mukha kapag umuuwi siya.

And I'm happy for my kid.

That's what the most important for me right now; him, being so happy. Nakakainis lang dahil may point si Ximina na masaya nga si Braden kapag kasama niya si Conan pero masaya naman siya kapag kasama niya ako. It's just that that woman is putting some pressure on my shoulders, kapag magpatalo ako sa kanya ay wala, mapapabayaan ang sarili ko at matatalo ako dahil lang sa sinabi niya.

"Narra."

I look up at Chara who is chirping my name and she got a smile on her face. Isang tingin lang ang ginawad ko sa kanya tapos ay binalik ko ang tingin sa computer.

"Nagtratrabaho po ako so bawal muna ang tsismis." sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.

"I know. May nagpapabigay lang sayo." sambit niya saka may binaba sa lamesa ko.

"Ano 'to." Hinawakan ko yung cup ng kape na binaba niya.

"Kape, obviously."

I frown at her. "I know, obviously. Pero kanino galing ito?"

To my dismay, she shrugs her shoulders. "Lalaki siya tapos gwapo—pero hindi yung baby daddy, kaka-disappoint nga dahil akala ko ay magiging okay kayo pero hindi pala. Pero itong admirer mo ay gwapo. Hindi ko lang nakuha yung pangalan niya kasi nagmamadali eh. Pero feeling ko isa siyang producer kasi narinig ko na may bumisitang TV producer dito sa kompanya na'tin."

I slump my back against my seat as I take a huge deep breath while looking at the coffee in my hand. I turn back my attention to Chara who's now puckering her lips in silent confusion.

"Hindi ako umiinom ng kape. Sayo nalang."

"Sure?" sagot niya na nanlaki pa ang mga mata.

Tumango ako bilang sagot. "Oo. Hindi na'tin alam kung saan galing yan, saka hindi ko rin alam kung kanino galing. Hindi mo nga kilala kung sino ako pa kaya na hindi masyadong nakakausap yung mga tao dito?"

Itong si Chara kasi ay sekretong tsismosa ito. Halos lahat ng mga tao dito sa kompanya ay kilala niya tapos halos lahat ng mga ganap sa workplace namin ay alam niya. Bilib talaga ako sa kakayahan niya. Napapatawa nalang ako sa kanya kapag may naikuwento na siya sa akin. Pero siya yung tsismosang hindi naninira ng tao.

"Subagay. Bigay nalang na'tin kay Bash, matakaw kasi yun."

"Sure. Bigay mo sa kanya. Baka may gayuma yan."

"So siyang itetesting natin kung mayroon nga?" Nakataas kilay niyang sabi na namamangha ang itsura.

I grin and nod. "Oo. Bigay mo nalang sa kanya tapos huwag mong sabihin na galing sa'kin, baka sabihin nun crush ko siya." biro ko.

"Sira. May girlfriend yung tao." she replies, chuckling.

Dinala niya yung kape at binigay kay Bash. Sumilip lang ako mula sa itaas ng cubicle ko at napangisi habang tinitigan sila. Ewan ko kung anong kasinungalingan ang inembento ni Chara at tinanggap ni Bash yung kape. Lumingon lang sa'kin si Chara saka kinindatan ako at lumapad ang ngisi ko tapos binalik ko na yung atensyon ko sa computer.

Color of Hate (School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon