Ngayon ay magkahalo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil libre na lang ang pagpapasadya sa mga uniporme at agad ko ring makukuha. O dapat ba akong mandiri. Mandiri sa matandang bading. Mandiri kay Pio. Mandiri sa 'king sarili.
Sa matandang bading, dahil mukha siyang manyakis.
Kay Pio, dahil kung kani-kanino siya pumapatol—kahit sa isang matandang bading.
Sa 'king sarili, dahil hindi ko man lang naisip na baka ay isa lamang ako sa kanila—na baka ang tingin ni Pio sa 'kin ay isang parausan lamang.
Kaya niya ba ako hinalikan nang gabing iyon?
Dahil lang ba 'yon sa tawag ng laman?
O may iba pang dahilan?
'Di bale. Hindi naman na mauulit 'yon.
Matapos kunin ang body measurements ko ng matandang bading ay umalis na kami ni Pio sa Tailor Swift shop—na hindi naman mura at hindi rin mabilis kung ang customer ay hindi kamukha ni Romeo. Iniwan ko na roon ang limang set ng unipormeng pinaglumaan ni Pio. Pina-note ko rin na ayusin ang mga zipper na nilaspag ni Pio. Sabi naman ng matanda ay huwag daw akong bida-bida dahil alam niya na kung anong gagawin kahit hindi ko na sabihin. Edi okay! Ang init ng ulo niya sa 'kin. Sa 'kin lang talaga!
Sinundan ako ni Pio sa paglalakad sa gilid ng highway. Wala yata siyang magawa sa buhay. Binilisan ko na lahat-lahat ang paglalakad ay naabutan niya pa rin ako dahil sa haba ng mga binti niya.
"Wala man lang bang 'Thank you?'" ang sabi niya nang magkapantay na kami habang naglalakad.
"Thank you saan? Nag-enjoy ka rin naman." Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad para maunahan siya.
At muli ay naabutan niya ako. "Nag-enjoy saan?"
Kunwari pa siya. 'Yong totoo, hindi man lang ba siya nandiri sa ginawa niya? Wala ba siyang standards? Bakit niya pinatos 'yong matandang 'yon?
"Wala." Umiwas ako ng tingin, pinagmasdan ang mga kamoteng motorcycle riders na humaharurot sa may bike lane.
"Saan na tayo punta?" tanong niya.
Lumingon ako sa kaniya. "Tayo?" Kumunot ang aking noo. "Walang tayo."
Tinusok niya naman ang tagiliran ko, kaya nakiliti ako nang bahagya. "Well, do you want us to be—?"
"Gago, hindi 'no!" saad ko naman, hinampas ang kamay niya. "Ibig kong sabihin, ako lang may lakad ngayon. Huwag mo nga akong susundan!"
"What if gusto kitang sundan?"
"Edi sisigaw ako."
"Sisigaw ng?"
"Magnanakaw! Magnanakaw!" sigaw ko, itinuro si Pio. "Ninakaw ang wallet ko!"
Nagtinginan sa 'kin ang dalawang babaeng nakasalubong namin at tiningnan ako nang masama.
"May baliw..." sabi ng isang babae.
Sa ginawa ko ay ako pa tuloy ang napahiya. Sino ba naman kasing maniniwala na magnanakaw ang isang makisig at guwapong lalake na animo'y model ng Bench Body na naglalakad sa kalye.
Natawa naman si Pio sa ginawa ko. Inakbayan niya ako at sumigaw din ng, "Yes po, magnanakaw po ako! Ako po ang nagnakaw sa virginity niya!"
Biglang kinilig ang mga babae sa ginawa niya.
"Ang pogi..." dinig kong bulong ng isa sa kanila nang malampasan na namin sila.
"Gago ka?" Siniko ko siya sa may tagiliran. "At paano mo namang nasabing ikaw ang nakauna sa 'kin?"
BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
RomanceNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...