Lumipas ang mga araw na nagdaraan ako sa pasilyo na wala nang usok na nalalanghap. Isang malaking pagbabago sa loob lamang ng maikling panahon. Tuwing umuuwi ako galing eskuwela ay nakasanayan ko na ring may lalakeng nakatambay sa tapat ng ikaapat na apartment sa fourth floor. Tahimik lang itong nagmamasid sa 'kin.
Nang muling sumapit ang araw ng Linggo, hindi na ako pinasasama sa mga heavy exercises. Sa halip ay binigyan na lang ako ng paperworks kung saan ako mas magaling. Nakaupo lang ako sa bleachers ng covered gym, may hawak na papel at ballpen, habang pinanonood ang mga kadete na tila naiinggit sa 'kin. Ang 'di nila alam ay naiingit din ako sa kanila dahil gusto ko ring maranasan na magkaroon ng malakas na pangangatawan.
Sa may stage ay kita kong tila malapit nang matapos ang preparasyon para sa paparating na Mr. and Ms. J.A.M.A.. Naging usap-usapan din sa campus kung sino ang mga tatakbong kalahok. Marami ang nadismaya nang malaman na hindi pala sasali si Mona ngayong taon, lalo na ang dalawang asungot na sina Briones at Castro, kahit ang habol lang talaga nila ay makita ang maganda nitong katawan sa swimwear portion. Mayroon din namang ilang natuwa, dahil sa wakas ay may tsansa nang manalo ang ibang babae na walang binatbat sa ganda ni Mona. Pero kung meron mang pinakamainit na pangalan sa campus ngayon, ito ay walang iba kundi ang nag-iisang Piolo McMiller.
Kung hindi pa dahil sa mga die-hard fans niyang malakas na nagtsitsismisan sa canteen ay hindi ko pa malalaman na siya pala ang tinanghal na Mr. J.A.M.A. no'ng nakaraang taon. Silang dalawa ni Mona ang nanalo. At may pasabog na nangyari. Sa mahigit isang taon na panliligaw ni Pio kay Mona ay saka lang siya nito sinagot sa mismong event. Ngunit ang 'di alam ni Mona, dati na palang babaero si Pio. At nagtapos ang kanilang relasyon nang madiskubre ni Mona ang lihim na pagpapapunta ni Pio ng iba't ibang babae sa apartment nito. Lumipas ang isang buwan at humingi ng tawad si Pio at nangakong magbabago. Kaya muli silang nagkabalikan. Pero 'ika nga nila, once a cheater, always a cheater. Hindi pa rin nagbago si Pio. Bumabalik pa rin ito sa dati nitong gawi. Hanggang sa si Mona na mismo ang kusang bumitiw.
Ngayong nakumpirma nang hindi sasali si Mona, si Pio ang inaabangan ng mga tao. Marami ang umaasang sasali ito. At may mga haka-hakang gagawa ito ng paraan para muli silang magkabalikan, sa mismong event din kung saan sila nagkatuluyan. Marami ang naghihintay ng isa pang pasabog.
Usapang pasabog, isang tao ang sigurado akong may gagawin sa paparating na event na tiyak na ikagugulat ng lahat. Si Kuya Jason. Sa araw ng event ay nagpaplano kasi ito na muling mag-propose kay Mona kahit na na-busted ito noon. At humingi ito ng tulong sa 'min ni Jonas para maisakatuparan ang kaniyang plano.
Huwebes—isang araw bago ang event—nang makipagkuntsaba sa 'min si Kuya Jason. Naglalakad kami ni Jonas sa corridor pauwi nang bigla siyang pumagitna sa 'min at sabay kaming inakbayan.
"Musta, mga tsong?" bungad nito sa malalim na boses.
Bahagya akong nagulat dahil sa tangkad niya at laki ng kaniyang katawan. Nabigatan ako sa kaniyang braso.
"Kuya." Ngumiti si Jonas sa kaniyang kuya.
May hiya naman akong yumuko. "Hello po."
"Uwi na kayo?" Hindi tulad ni Jonas ay hindi palangiti si Kuya Jason. "Huwag muna."
"Bakit, 'ya?" tanong ni Jonas.
"Bukas na 'yong event," ani Kuya Jason.
"Oo na, ikaw 'yong susuportahan namin. Nasabi ko na sa kaniya." Tumingin sa 'kin si Jonas. "'Di ba, 'tol?"
Tipid naman akong ngumiti. "O-Opo. Good luck po pala bukas."
"Hindi 'yon." Yumuko siya at idinagan ang kaniyang mabibigat na mga kamay sa 'ming mga balikat kaya natigil kami sa paglalakad. Ang ulo niya ay pumantay sa ulo namin ni Jonas. "Kaya talaga ako sumali dahil kay Mona."

BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
RomanceNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...