Sa kauna-unahan, tinapos kong pakinggan ang kanta ni Pio—bagay na dapat ay ginawa ko noon. Pero hindi na mahalaga sa 'kin ang nakaraan. Ang mas mahalaga sa 'kin ay ang kasalukuyan... at ang bukas na naghihintay para sa 'min.
Nakayanan namin ang lahat ng pagsubok na dumating noon. Sigurado akong makakayanan din namin ang mga paparating pa lang. At sa ngayon, ang tanging naiisip ko na lang na magiging pagsubok sa pagitan naming dalawa ay ang paglalayo namin sa isa't isa sa susunod na taon.
Kaya sinulit ko talaga ang bawat pagkakataon na magkasama kami nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko lang namalayan na mabilis palang nalagas ang bawat segundo, minuto, oras, araw. At ngayon ay nasa huling buwan na kami ng taon.
"Pio, bakit mo nga pala nasabi 'yon kanina?" tanong ko sa kaniya habang magkatabi kaming nakahiga sa malambot niyang kama. Sa lawak at haba nito ay nagagawa ko pang gumalaw-galaw nang walang pangamba na baka mahulog ako, hindi tulad sa kama namin doon sa apartment na lumalangitngit pa sa bawat galaw.
Mula sa pagkatulala sa puting ceiling ay lumipat ang tingin niya sa akin, habang ang ulo ko ay nakahiga patagilid sa kaniyang bisig. Mayroon namang malambot na unan. Mas komportable lang talaga akong humiga sa matigas niyang bisig.
"Hm?" Kumurap siya.
Hindi niya yata ako narinig.
"Sabi ko, bakit mo nga pala nasabi 'yon kanina? Na sasama ka sa 'kin papunta sa probinsya?"
Sandali siyang natahimik.
"Nagtataka lang ako. Kasi, 'di ba, matagal na nawala ang daddy mo," paliwanag ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Tapos ngayon... 'Di ba dapat sulitin mo na hangga't nandito pa siya?"
Tulad ng ginagawa ko ngayon. Sinusulit ko na hangga't magkasama pa kaming dalawa.
"I..." Lumunok siya at muling kumurap. "I just... I just thought..." Binasa niya ang kaniyang labi. "I just thought I'd miss you a lot when you're gone," sabi niya. "And when I'm gone."
'Yong mga mata niya ay nagsasabi ng kalahating totoo at kalahating hindi.
Bahagyang tumaas ang kilay ko. "'Yon ba talaga?"
Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan.
Tipid siyang ngumiti. "Yes, I would really miss you a lot."
"Saglit lang naman akong mawawala eh."
"I know, I know." Hinawi niya pataas ang iilang piraso ng buhok na sumasayad sa 'king noo. "I just feel like time is running out for me—for us."
Bahagyang lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Akala ko ay ako lang ang nakararamdam nito, siya rin pala. Sa kaniya ako madalas kumukuha ng lakas ng loob, pero ngayon ay nakita ko sa mga mata niyang mukhang siya naman ang nangangailangan nito. Kaya idinampi ko ang aking palad sa makinis niyang pisngi at sinabing...
"Marami pa namang oras."
Kahit ako ay hindi naniniwala sa sinabi ko, dahil ang totoo niya'y bilang na lang ang mga araw na magkasama kami. Sa kabila ng lahat, huminga ako nang malalim at sinikap siyang ngitian.
"Ilang araw lang naman akong mawawala." Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "Babalik din ako agad pagtapos ng pasko. Tapos, magkakasama na ulit tayo. Tatapusin natin ang taon nang magkasama."
Idinampi niya rin ang palad niya sa 'king pisngi. "Pero ako naman ang matagal na mawawala pagtapos ng taon."
Natigil ako sa paghaplos sa pisngi niya. Nang ibaba ko ang aking kamay papunta sa kaniyang dibdib ay nadama ko sa 'king palad ang tibok ng puso niya—mabilis at tila puno ng pangamba.
BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
RomanceNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...