December 24
Tradisyon na namin na tuwing Bisperas ng Pasko, pumupunta kami sa Anas, isang baranggay sa Masbate na malayo sa city, para magdiwang kasama ang iba naming mga kamag-anak. Sa biyahe, kasabay naming sumakay ng lantsa sina Tito Ronald at Tita Karen, mga magulang ni Harry, pati na rin ang isa pa nilang anak na si Jenny, na meron nang singkong anak sa edad na bente singko.
Sa limang anak, tig-iisa kami ng hawak. Si Tito Ronald sa panganay. Si Tita Karen sa sumunod. Si Mama sa ikatlo. Sa 'kin 'yong pasaway. Kay Pio 'yong isang taon. Habang si Ate Jenny naman, busy sa pagse-cellphone.
Anak-anak pa kasi.
Kung ako inis na inis na sa makulit na batang kandong ko, si Pio naman, tuwang-tuwa sa sanggol na kalong niya sa kaniyang braso.
"Bulaga!" Hindi siya matigil sa paglalaro ng mukha niya para patawanin ang sanggol. "Bah!" Napapabungisngis naman niya ito. "Why so cute?"
Habang pinagmamasdan sila, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Bumabalik na naman 'yong katanungan na matagal ko nang kinalimutan.
Paano kung dumating ang araw na gusto niya na ring magkaanak?
Natigil siya sa ginagawa nang mapansin ang pagkatulala ko. "You okay?" usisa niya.
"Hmm?" Kumurap-kurap ako. "Ah..." Nagpilit ako ng ngiti. "Oo."
Ngumiti siya pabalik, saka nilaro ulit ang baby. Nginungudngod niya ang dulo ng matangos niyang ilong sa maliit nitong kamay.
"Bagay sa 'yo ah," sabi ko habang pinanghahawakan ang pilit na ngiti.
"What?" Bahagyang tumaas ang kilay niya.
Masyadong maingay ang makina ng lantsa kaya medyo hindi kami magkarinigan. Dumagdag pa ang ingay ng ibang mga pasahero na iba't iba ang pinag-uusapan.
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at tinabingi naman niya ang ulo niya para marinig ako. "Sabi ko, bagay sa 'yo maging daddy," ulit ko.
"D-Daddy?" Ngumiti siya. "Really?"
Tumango ako. "Mm."
Kaya ko lang nasasabi 'to kasi gusto kong malaman kung gusto niya ngang magkaanak, nang matapos na 'tong pag-iisip ko ng kung ano-ano.
"Well, bagay rin sa 'yo," sabi niya.
"H-Ha?" Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako ng dinig.
Lumapit pa siya sa 'kin. "Sabi ko, bagay rin sa 'yo maging mommy."
Hindi ito ang in-e-expect kong sagot.
"M-Mommy?" Kumunot ang noo ko. "Ako?"
"Yes," pagkumpirma niya. Hinawakan niya ang kamay ng baby at pinakaway ito sa akin. "Hi, Mommy Nora," sabi niya sa ipit na boses.
"Nora?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "Sinong Nora?"
"Ikaw."
"Ha?"
"Baliktarin mo."
Sandali akong napaisip. Matapos baliktarin ang pangalan, nakuha ko na rin ang punto niya. "Eh dalawa naman 'A' sa pangalan ko."
"Eh 'di Noraa." Muli niyang pinakaway ang baby sa 'kin. "Hi, Mommy Noraa."
Kumukulit na siya. Matapos ang nangyari sa amin sa resort, parang tuluyan na siyang bumabalik sa dati.
Napangiti ako sa sinabi niya, pero naging seryoso nang muling maalala ang isang bagay. "Eh Pio, paano naman ako magiging mommy?"
"It's easy." Bulong niya sa tenga ko, "Would you like to have a baby?"
BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
RomanceNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...