Chapter 63

4.2K 167 51
                                    

Mabilis na lumipat sa akin ang tingin ni Mama. Nakita ko sa mga mata niya ang bagay na paulit-ulit niyang itinatanggi. Nakita ko ang katotohanan. At hindi ko alam ang mararamdaman.

"Anak..." Nangatal ang mga labi niya. "Uh..."

Ngayon, sigurado na ako. Kahit hindi niya na sabihin. Kahit muli siyang magsabi ng kasinungalingan. Kahit paulit-ulit niya akong lokohin. Sigurado na ako. Kilala niya si Captain Ramirez.

"Um..." Nang mabaling ang tingin ko kay Captain Ramirez, iba naman ang aking nakita sa mga mata niya—pagtataka. "S-Sorry? Do I know you?" tugon niya kay Mama.

Mukhang hindi niya nga talaga kilala si Mama. Dito na ako nagsimulang magulumihanan.

Muling nangusap ang mga mata ko kay Mama na kasalukuyang hindi makakibo. Tulad niya, wala rin akong ibang masabi. Gusto ko lang namang malaman ang totoo mula mismo sa kaniya. Para matapos na ang paghihirap ko. Para tuluyan na akong mabuo.

Buong buhay ko, isang bagay lang naman ang hinihiling ko, na huwag ipagkait sa akin ang katotohanan. Kahit paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko na kailangang malaman, hindi ko pa rin maiwasang balik-balikan ang tanong. Pakiramdam ko, habambuhay akong hindi matatahimik hangga't hindi ko nalalaman.

"Aaron," tawag sa akin ni Captain Ramirez, "is she your mother?"

Hindi ako makasagot.

Bakit hindi niya kilala si Mama gayong kilala siya nito?

Muli kong sinulyapan si Mama. Nakatuon na ang mga mata niya ngayon kay Captain at unti-unting tumatalim ang paningin. Mas tumindi ang pangangatal ng mga labi niya. Hindi ko na siya nagawang tawagin pa. Hinayaan ko na lang na muling magkonekta ang mga mata nilang dalawa.

"Um, hi," bati pa ni Captain kay Mama na parang ngayon niya lang ito nakita. "I-I heard about your son, so I came to pay a visit." Naglakad siya palapit sa amin. "Ako nga palang ang—"

"Aaron..." ani Mama, pero wala sa akin ang mga mata niya, nakatuon pa rin kay Captain. At alam kong hindi ito ang pangalang madalas niyang itawag sa akin.

Natigilan sa paglalakad si Captain at bahagyang kumunot ang noo. Noong una ay napasulyap pa siya sa akin para kumpirmahing hindi nga nagkakamali ng tinutukoy si Mama. Sabay balik ng tingin dito. "Um... h-how did you know my name?" tanong ni Captain kay Mama. "N-Nagkita na ba tayo dati?"

"Hindi mo ako kilala?" Bumaba si Mama sa kama at tumayo. Namumula na ang mukha niya ngayon. "Pagkatapos ng ginawa mo sa 'kin?" boses niyang may bahid ng poot.

Nadagdagan pa ang mga guhit sa noo ni Captain Ramirez. "I-I don't... I don't understand." Lumunok siya at muling sumulyap sa akin, naghahanap ng sagot na kahit ako rin mismo ay hinahanap, saka muling humingi ng kapaliwanagan kay Mama. "May... May nagawa ba akong mali... sa 'yo?"

"Tinatanong mo... kung may nagawa kang mali... sa 'kin?" Lumalim ang paghinga ni Mama. Nanginginig na ang panga niya. "Pagkatapos mo akong... Pagkatapos mo akong buntisin?" Tumulo ang luha niya. "Pagkatapos mo kaming iwan?"

Unti-unting lumaki ang mga mata ni Captain Ramirez at umawang ang bibig. Gano'n din ako. Lumabas na mula mismo sa bibig ni Mama ang katotohanang matagal ko nang hinihintay, at ngayong nandito na ako sa puntong ito, hindi ko na alam kung paano ko ito tatanggapin.

Nabitiwan ni Captain Ramirez ang hawak niyang basket ng mga prutas. "U-Um..." Nangatal na rin ang mga labi niya at naging mapula ang mga mata nang mapatingin sa akin—sa mukha ko, na kawangis din ng mukha niya. "You mean..." Kumurap-kurap siya. "H-He's my...?" At bumalik ang tingin kay Mama. "But... But how?"

Marahang naglakad si Mama palapit sa kaniya. "Tinatanong mo kung paano?" Humikbi si Mama. "Hindi mo man lang ako nakilala? Samantalang malinaw na malinaw sa akin hanggang ngayon ang mukha mo! Dahil sa ginawa mo!"

The Playboy Next Door (Next Door Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon