Alam ko ay hindi ito ang unang beses na narinig ko ang pangalang binanggit ni Sweety. Nabanggit na rin yata 'to ni Jonas no'ng Orientation Day. At meron pang isang beses na narinig ko ito... Pero ang labo... Ang labo na ng memorya ko... 'Di ko na maalala...
"Mona?" ulit ko. "S-Sino ho siya?"
"Oo!" sagot naman ni Sweety. "Siya 'yong-!"
"Sweety!" Biglang pumagitna sa 'min si Pio kaya natanggal ang pagkakahawak ni Sweety sa 'king mukha. "Ano... do'n tayo..." At hinila niya si Sweety palayo sa 'kin.
"P-Pero..." ani Sweety, nakaturo pa sa direksyon ko.
Habang hinihila ni Pio si Sweety ay lumingon siya sa 'kin at sinabing, "Upo ka muna diyan, p're."
Litong-lito na ako sa mga nangyayari. Sino nga ba si Mona? At anong kinalaman niya sa 'kin? Kay Pio?
Dahil kanina pa nananakit ang mga binti ko ay naisipan ko nang umupo sa gitnang swivel chair sa may kanan. Kunwari ay pinagmamasdan ko ang magulo kong buhok sa salamin, pero ang totoo ay sumisilip-silip ako kina Pio at Sweety sa may cashier desk, at pinakikinggan ang usapan nila sa abot ng aking makakaya.
"Huwag na, Sweety... 'Di niya naman kailangang malaman... 'Di na importante 'yon..."
"Loko ka talaga, Papa P..."
"Nga pala, tawag ka na ng maggugupit. Baka inip na inip na 'yong kasama ko..."
"Oo na, oo na..." Lumapit si Sweety sa nakasarang pinto sa dulo. Pagbukas niya rito ay biglang nagkaroon ng ingay-ingay na nanggaling sa loob ng tila isang kuwarto. Mukhang may extension room ang salon na 'to. Samot-saring ingay ang maririnig sa loob-pinaghalong ingay ng boses ng mga bading at ng tugtog na pang-party. Kaya pala walang tao pagpasok namin, karamihan pala sa kanila ay nasa loob ng kuwarto. Si Sweety lang ang tanging bantay sa cashier desk. Hindi ko alam kung ilang sangkabaklaan ang nasa loob dahil sa dami ng boses na naririnig ko, pero hula ko ay mga nasa anim. "Customer!" sigaw ni Sweety.
"O, customer daw!" sabi ng isang boses sa loob.
"Sino nang taya?" sabi naman ng isa pa.
"It's your turn, Summer!" at isa pa.
"Ano ba 'yan, di pa nga ako tapos lumafang!" at sabi ng tila bading na tinawag nilang Summer.
"G mo na 'yan, tapos balik ka na lang ditey."
"Go, Summer! Para sa ekonomiya! Pak, ganern!"
Lumabas na ng kuwarto ang baklang tinawag ng mga ito na Summer. "Asan ba?" tanong nito kay Sweety, napakamot sa mukha.
Itinuro ako ng mahabang nguso ni Sweety. "There oh."
"Ay, lalake pala. Mabilis lang 'to," ani Summer. Naglakad na ito papunta sa direksyon ko. Nakasuot ito ng kulay dilaw na T-shirt at pekpek shorts. Mahaba rin ang buhok nito tulad ng kay Sweety, pero ang kaniya ay naka-double ponytail samantalang nakalugay naman ang kay Sweety. Mas magaspang din ang tekstura ng mukha nito at maitim ang kulay 'di tulad ni Sweety na mukhang lumaklak ng Glutathione.
Habang nakaharang na naglalakad si Summer ay sinubukan ko pa ring silipin sina Pio sa may likuran nito.
"Sige na, Papa P, pasok ka na sa loob..."
"Okay na 'ko, Sweety. Katatapos ko lang kanina..."
"Minsan lang naman eh, ito naman..."
"Masakit na tiyan ko eh, 'di na yata kaya..."
"Sige na, Papa P, pagbigyan mo na kami..."
Mukhang napatingin si Pio sa direksyon ko, pero hindi ko nakitang mabuti dahil nakaharang ang payat na katawan ni Summer.
BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
RomanceNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...