Trigger Warning: The following chapter includes detailed descriptions of trauma and emotional distress. If you are currently experiencing any emotional challenges, it may be best to pause reading and take care of yourself. Reader discretion is advised.
────────────
Habang bumibiyahe kami, damang-dama ang katahimikan sa loob ng kotse. Walang ibang maririnig kundi ang kulob na tunog ng makina. Bawat isa ay nalulunod sa sariling pag-iisip. Alam kong napatawad na ni Pio ang mga magulang niya, pero hanggang salita lang. Halata naman dahil hindi pa rin sila nagkikibuan. Panakip-butas nga lang talaga ang ginawa niya para hindi masira ang relasyon namin.
Ginawa ko rin naman ang lahat para manatili kaming matibay. Pinili kong pagtakpan ang mga butas na alam kong maaaring makasira sa amin. Isinantabi ko kung ano talaga ang dapat kong maramdaman. Sa huli, naipon ito nang naipon, hanggang sa bumuhos nang isang bagsakan. At ngayon, ito ang kinahinatnan.
"Um..." pagbasag ni Mama sa katahimikan. May pamamalat pa sa boses niya gawa ng nangyari kanina lang. "K-Kayo ho ba ang mga magulang ni Pio?"
Napukaw ang natutulog na diwa ng bawat isa at natuon ang atensyon sa kaniya.
"Um, yes, w-we are," sagot ni Tita Annie habang nagmamaneho. Sumilip ito sa rear-view mirror at nagpilit ng ngiti. "And you are Aaron's mother?"
Tumango si Mama. "Opo, Ma'am."
"Oh, no, no, no. Please don't call me 'Ma'am,'" ani Tita Annie. "You can call me Annie." Hinawakan nito ang kamay ni Tito William. "By the way, this is my husband."
"H-Hi." Mula sa front passenger seat, sumilip si Tito William kay Mama at ngumiti. "I'm William."
May kaunting pagkailang na namagitan sa aming lahat. Hindi naman kasi inaasahan na sa ganitong paraan magtatagpo ang mga magulang namin. Sa panahon pa talaga ng gulo... Napakalaking gulo.
"Um, Alisa po," may hiyang pakilala ni Mama sa sarili. Hindi siya matigil sa pagkamot sa pantalon sa may parteng tuhod. Yumuko na rin. "Pasensya na nga po pala sa nangyari... s-sa mga nakita n'yo po... o narinig."
Kasalukuyan akong nakaupo sa gitna ng back seat: si Mama sa kaliwa, si Pio naman sa kanan ko. Hawak ni Pio ang isa kong kamay at ang isa naman ay hindi pa okupado. Gusto kong hawakan ang kamay ni Mama pero parang may kung anong pumipigil sa akin.
"Uh, it's... it's alright," tipid na sagot ni Tita Annie.
Pagkatapos ay muling nanaig ang katahimikan sa loob na nagtagal nang ilang mga sandali.
"Aaron, are you feeling better now?" usisa ni Tito William sa kawalan.
Nagising ako mula sa pagkatulala sa hangin dahil lang sa narinig ko ang aking pangalan.
"Po?" sabi ko pa para masigurong ako nga ang tinutukoy nito.
"I-I was just worried about you," anito. "They said you collapsed in the middle of the road."
"Um, y-yes." Mahina akong tumikhim at ibinaba ang tingin. "But I'm fine now."
Sa sinabi ko, naging isa na rin akong sinungaling. Kahit na ayos na ang aking katawan, hindi pa rin mapawi ang sakit na aking nararamdaman.
"Aaron, ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Tita Annie. "Bakit ka nahimatay sa daan?"
At ngayon, muli na namang binabalikan ang lahat...
Parang kutsilyong paulit-ulit na hinuhugot at ibinabaon sa dibdib ko ang sakit tuwing naaalala ang nakaraan.
Hindi ko matanggap. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong takbuhan. Sa dalawang taong malapit sa akin, pakiramdam ko, tuluyan na akong napalayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/367552132-288-k28562.jpg)
BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
RomanceNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...