Chapter 70

7.2K 259 165
                                    

One year later...

Pagmulat ng mga mata ko, unti-unting naglaho ang panaginip. Parang kanina lang, nandoon pa ako sa tabing-dagat. Ikinakasal sa lalakeng pangarap ko lang noon. At ngayon, nakatitig ako sa larawan naming dalawa mula rin mismo sa tagpong iyon: si Pio na nakasuot ng tuxedo at ako na nakasuot ng vest habang nakahalik kami sa isa't isa. Sa tabi ng picture frame na ito ay may isa pang picture frame kung saan kasama na lahat ng tao sa kasal sa larawan: ang pari, si Jonas, ang mga magulang at kamag-anak ni Pio, at ang mga katrabaho ko. Ang lahat ay nakangiti sa camera.

Sa pagbaliktad ko ng higa sa kama, sunod na bumungad sa magandang umaga ang maamong mukha ni Pio. Sinamantala ko na ang pagkakataon hangga't hindi pa siya nagigising. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, mula sa mga matang nakasara na may mahahabang pilikmata, papunta sa matangos niyang ilong, at higit sa lahat, sa kahalik-halik niyang mga labi.

"Ang sarap naman gumising araw-araw kapag ganitong mukha ang makikita." Maingat ko siyang hinawakan sa pisngi. "Kung puwede lang sanang palagi ka na lang nandito sa lupa."

Mukhang nagising yata siya nang dahil sa ginawa ko, o sa sinabi ko, kahit sobrang hina na nga ng boses ko. Nakarinig kasi ako ng mahinang pagsinghap mula sa kaniya. Sa marahang pagmulat ng mga mata niya, agad kong tinanggal ang aking kamay mula sa kaniyang mukha, saka pumikit at nagkunwaring humihilik.

Maya-maya pa, ako naman ang may naramdamang dumampi sa aking pisngi—ang palad niyang mas ramdam ko pa ang init kaysa sa sikat ng araw na tumatagos sa nakabukas na bintana. Ang haplos niyang palagi kong hinahanap noong nasa ibang bansa pa siya.

"Ang ganda-ganda naman ng asawa ko." Sa sinabi niya ay parang mababasag na ako sa pagkukunwaring tulog. "Kung puwede lang sanang hindi na lang ako sumakay ng barko para lagi kong nakikita ang mukhang 'to."

Mula sa p're, ngayon, asawa na ang tawag.

Hindi naman ako nangingiti.

Hindi naman ako naiihi.

Promise.

"Ah, gising naman na pala." Nahuli niya yata ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. "Asawa ko, round six tayo."

"Gago." Napamulat ako nang wala sa oras. "Kagigising lang natin, aba."

"Nabitin ako kagabi." Umusog pa siya ng higa palapit sa akin. Mula sa mukha ay lumipat ang kamay niya papunta sa aking likod, sabay pinagdikit ang mga katawan naming kumot lang ang bumabalot. "Mukhang kailangan ko pa ng isa."

"Pio, tama na muna." Maingat kong itinulak ang katawan niya palayo sa akin. "Pakiramdam ko, ang luwag-luwag ko na."

"Hindi 'yan." Mahinang napahalikhik ang salarin, sabay lapit ulit sa akin. "Babalik din naman 'yan sa dati pagsakay ko."

Hinalik-halikan niya ako sa leeg. Tumakas ang mahinang tawa mula sa bibig ko nang maramdaman ang makati niyang balbas.

"Ano ba 'yan. Hoy." Idinikit ko ang dulo ng hintuturo ko sa kaniyang noo at inilayo ang ulo niya mula sa aking leeg. "Ayoko niyan."

Napahawak siya sa kaniyang balbas. "This?"

"Oo, makati eh." Sunod kong hinawakan ang kaniyang buhok at itinaas ang ilang hibla nito. "'Tsaka, ang haba na ng buhok mo. Hindi bagay. Mukha ka nang tatay."

"Really?" Kumurap-kurap siya. "I thought you might like it."

"Ah, basta, ayoko." Ibinaba ko na ang buhok niya. "Wala bang naggugupit sa inyo sa barko?"

"Meron naman." Tipid siyang ngumiti. "Kaya lang, parang may gusto sa 'kin 'yon."

"Lalake?" tanong ko kahit obvious naman. Puro lalake lang naman kadalasan ang crew sa barko.

The Playboy Next Door (Next Door Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon