Nag-loading saglit ang utak ko. Nang naramdaman kong mas lalo pang lumalaki at tila mas humahaba ang bagay na hawak ko ay saka lang nag-register ang lahat. Tinanggal ko na ang palad na nakatakip sa 'king mata at dahan-dahang lumingon patalikod, animo'y nasa horror movie.
Sabi niya nang nakapikit pa rin, "I-I think you're holding my d—"
Huli na nang sabihin niya ito.
"Ba't ngayon mo lang sinabi?" pasigaw kong sambit.
Para akong nasilaw sa kaniyang galit na galit na alaga. Agad ko itong binitiwan at saka humiyaw.
"Shet, shet, shet!" Kinuskos ko ang aking kamay na pinanghawak sa kaniya. "Ang bastos mo, ang bastos mo, ang bastos mo!"
"W-Why?" aniya. "I told you I can't see."
"Sinadya mo!"
"H-Hindi ah."
Hindi raw pero parang nangingiti siya.
Nagkunwari ulit siyang napapadaing sa sakit. Hinawakan niya ang kaniyang nakapikit na mga mata. "My eyes... Aaron, I need water."
"Wala!" Muli ay umiwas ako ng tingin. "Bastos ka eh!"
"Hindi ko nga sinadya," diin niya. "Please, Aaron, mabubulag na ako. Hindi na kita makikita kahit kailan."
Ang dramatic ampotek.
"T-Tumalikod ka..." utos ko. "Ayokong makita ang ano mo."
"Ang ano ko?" Pumintig ang alaga niya. "Hindi ba nakita mo na 'to nang ilang beses?"
Suminghap ako. "K-Kahit na..."
"Sabi sa 'yo mahahawakan mo rin 'to eh." Humagikgik siya.
"At tuwang-tuwa ka pa talaga!" Kinusot ko ang aking mga matang masyado nang maraming nakita. "Lumabas ka na nga!"
Tumigil na siya sa paghagikgik. "Sorry, sorry." Nagtaas siya ng kamay, akala mo'y nahuli ng police. "Ito na nga, boss." At tumalikod na siya. "N-Nakatalikod na ba ako?"
Ngayon ay ang matambok niya namang puwet ang siyang tumambad sa 'kin.
"'Y-Yan." Umiwas pa rin ako ng tingin. "Ganiyan ka lang."
"Okay."
Tumalikod din ako sa kaniya at naglakad nang paatras. Nang masilip kong malapit na ako sa kaniya ay inunat ko patalikod ang magkabila kong braso. Pagkatapos ay inalok ko ang aking mga kamay.
"H-Hawak ka ulit," utos ko. "Nasa likod mo ang kamay ko."
"Where?"
Kakasabi ko lang na nasa likod.
"Nasa likod nga!" ulit ko.
"Oh, okay."
Parang ang tagal niyang hanapin ang kamay ko. Magkalapit na nga kami lahat-lahat.
"Ano na?"
"I'm sorry... I'm trying."
Maya-maya pa ay may bigla siyang nakapa.
"Is this it?" tanong niya.
"Hoy!" sigaw ko. "Puwet ko yan!"
"What?" aniya, at pinisil pa nga ang kaniyang hawak.
Agad kong kinuha ang kaniyang magkabilang kamay. At ngayon ay sigurado na akong mga kamay nga ang hawak ko dahil sa bilang ng mga daliri na naramdaman ko. "Sumunod ka na lang!"
Nagsimula na kaming maglakad—ako paabante; siya paatras.
"I didn't know you were undressed," sabi niya.

BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
RomanceNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...