Trigger Warning: Sexual Assault, Violence
Walang pag-aatubiling sumugod si Pio kay Briones. Gamit ang mahaba niyang binti ay tinadyakan niya si Briones sa tagiliran kaya tumilapon ito sa basang sahig maging ang hawak nitong kutsilyo. Malakas ang naging pagkakabagsak nito sa madulas na sahig—napainda nga ito sa sobrang sakit—kaya hindi agad na nakabangon. Habang nakatihaya at nakahawak sa nanakit na tagiliran ay napapasukan ng tubig-ulan ang bibig nitong nakanganga. Ang maliit nitong pagkalalake ay nakalitaw pa rin at nanlambot na.
Agad namang pinakawalan ni Castro ang aking mga braso. Humiyaw siya at sumugod na kay Pio pagkatapos bunutin ang kutsilyo sa bulsa ng kaniyang kapote. "Ina!" Akma niyang sinaksak si Pio, ngunit mabilis din itong nakailag, kaya hangin lang ang nasaktan sa nangyari.
Nang makakuha ng tamang anggulo ay sinikmuraan ni Pio si Castro, dahilan para malaglag ang hawak nitong kutsilyo sa sahig, at napahawak ito sa malaking tiyan na nanakit. Sinipa na ni Pio ang kutsilyo palayo, at saktong napunta ito sa direksyon ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko alam kung paano reresponde. Nangiral na lang sa 'kin ang kagustuhang tulungan si Pio kaya agad kong kinuha ang kutsilyo sa sahig, sabay atras nang pasandal sa pader at itinago ito sa likuran ko.
"Aaron!" Lalapitan na sana ako ni Pio, kaya lang, sa pagkakataong ito ay si Briones naman ang sunod na sumugod sa kaniya. Nakatago na ulit ang pagkalalake ni Briones ngayon, at hawak na ulit nito ang kutsilyo sa kamay.
"Pio!" pagbigay ko ng babala sa kaniya. Nang lumingon siya sa direksyon ni Briones ay agad siyang nakaatras kaya hindi natusok sa tiyan ng kutsilyo.
"Gago ka!" Nilaro-laro ni Briones ang kutsilyo sa hangin, sinisikap na masaksak si Pio, pero hindi niya magawa. Paatras kasi nang paatras si Pio papunta sa bungad ng eskinita. "May kasalanan ka rin sa 'min! Binasa mo kami no'n sa CR, putang ina mo ka! Akala mo 'di namin alam?"
Maingat na pinagmatyagan ni Pio ang bawat galaw ni Briones. "Pio!" may pag-aalala kong sambit sa ngalan niya sa takot na baka ay mahagip siya ng kutsilyo. Nang mapaatras pa siya ay hindi sinasadyang matapilok siya dahil sa helmet na binitiwan niya kanina. Ngayon ay abot-kamay na siya ni Briones.
"Mamatay ka na!" Muling nilaro ni Briones ang kutsilyo papunta kay Pio—papunta sa mukha nito. Mabilis namang naiatras ni Pio ang kaniyang mukha, ngunit huli na nang madaplisan ang makinis nitong pisngi sa kanan, kaya dumugo ito. Sandaling natigilan si Briones sa paglalaro ng kutsilyo. "Ha! Ano ka ngayon? 'Tang ina ka!" may panginginig-boses nitong sabi.
"Pio!" sigaw ko. Sinikap kong tumayo. Dahil sa adrenaline na rin siguro kaya nakatayo ako kahit lubhang sugatan at nananakit ang tuhod ko dahil sa pagkakadapa kanina. Kaya ko pa naman palang tumayo at maglakad, masyado lang akong pinangungunahan ng takot. Binagtas ko ang eskinita nang paika-ika ang lakad palapit kina Pio habang napapahawak sa pader bilang suporta.
Nang marinig ni Pio ang boses ko ay tila nag-apoy ang mga mata nito at mabilis na nakaisip ng paraan para lumaban. Kinuha nito ang helmet sa tabi ng kaniyang puting pants at malakas na inihagis papunta sa mukha ni Briones. Sapul! Sandaling nawala ang paningin ni Briones at napatakip ito sa mukha gamit ang kamay na may hawak na kutsilyo.
Si Pio naman ang sumugod ngayon kay Briones nang may kasamang hiyaw. Itinulak niya nang malakas si Briones, at muli ay tumilapon ito sa sahig maging ang hawak nitong kutsilyo. Sunod siyang yumukyok at dinaganan ito sa ibabaw—sa may bandang tiyan—gamit ang kaniyang tuhod. Pagkatapos ay hinubad niya ang hoodie ng kapote nito at malakas na pinagsusuntok sa mukha.
Natigilan ako sa paglalakad nang masumpungan ko ang pagbabago sa kaniyang mukha. Ngayon ko lang siya nakita nang ganito. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Nanggigigil at nagtatagis ang kaniyang mga bagang. Hindi na nakatulong pa ang pagtakip ni Briones sa kaniyang mukha gamit ang mga kamay dahil kaliwa't kanan siyang binubugbog ni Pio sa magkabilang pisngi.
![](https://img.wattpad.com/cover/367552132-288-k28562.jpg)
BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
RomanceNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...