Ang laki ng naging epekto ng pag-accept ko sa friend request ni Pio. Bukod sa nalaman kong ako lang lahat ang laman ng account niya, nabunyag din ang lahat ng mga sikreto ko. Umalingasaw ang lahat ng baho ko. 'Pag sinabing baho, ang tinutukoy ko, 'yong lahat ng kaasiman ko noong bata pa ako.
Dumaan din ako sa jejemon era. Sino bang hindi?
Limot ko na sana eh. Pero, ang loko, hinalungkat pala ang mga litrato kong matatagpuan sa pinaka-ilalim ng deep web. Kaya naman pala nangingiti siya mula pa kanina. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hagdan pababa sa apartment building. At habang nakaakbay siya sa 'kin, ramdam ko ang panginginig ng kaniyang braso.
"From now on, I'll call you Bhosxz Aaron Mapagmahal," sambit niya habang ipinapakita ang litrato kong in-edit sa PiZap na ginawa niyang lock screen sa cellphone.
'Tang inang mukha 'yan. Kadiri amputa. Ano bang naisipan ko no'ng Grade 5 ako at nag-picture ako sa harap ng webcam sa isang computer shop habang nakahawak sa sumbrerong suot patagilid, pinasingkit ang mata, nakadila sa labi, may digital na alahas sa leeg at braso (kumikinang-kinang), may glowing caption sa mismong litrato na: BhOsxZ 4Ar0N?
"Hoy, gago, ano 'yan?" Tinangka kong hablutin ang cellphone mula sa kaniyang kamay, pero masyado siyang mabilis at masyadong mahaba ang kaniyang braso, kaya hindi ko agad ito naagaw. "Burahin mo 'yan!"
"W-Why?" natatawa niyang sabi. "You're so cute in this pic."
"Inang 'yan!" medyo natatawa ko ring sabi. "Huwag 'yan!"
Kumanta siya habang umiindak na parang tanga, "It really hurts ang magmahal nang ganito. Kung sino pang pinili ko hindi makuha nang bu—ugh!" Hinampas ko siya sa tiyan.
"Baliw ka!" Tinangka ko pa ring hablutin ang cellphone mula sa kaniyang kamay pero isinilid niya na ito ngayon sa bulsa ng kaniyang pants. "'Pag ako nakahanap ng picture mo na jejemon, lagot ka sa 'kin."
Kung makahanap. Eh ako lang naman ang laman ng account niya. At isang account lang ang meron siya.
"I don't have one," sambit niya. Unti-unti nang natitigilan ang galawgaw niyang katawan.
"Ha?" taka ko. "Bakit?"
Ah, dahil siguro mayaman siya. Malamang.
Kumalma na ang kaniyang kilay at bibig, maging ang kaniyang boses. "I never really had good memories from my childhood. I never got to experience all these things. I wish I had." Mapait siyang ngumiti. "I wish I grew up normal like other kids."
Tumawa ako nang pilit at mahina. "Bakit? Normal ka naman ah?"
Mas lalo pang sumeryoso ang mukha niya, kaya agad kong pinutol ang aking pagtawa at pinagdikit ang aking mga labi, sandaling nanahimik.
"I'm not normal, Aaron." Parang may gustong sabihin ang mga mata niya na hindi masambit ng kaniyang bibig. "I'm messed up."
Kumunot ang noo ko. "Ba't naman?"
"Nothing." Umiwas siya ng tingin.
Marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa kaniya. At mas lalo ko pa siyang gustong kilalanin, intindihin, at mahalin. Maghihintay ako hanggang sa handa na siyang magbukas sa 'kin.
***
Nagbago na ang morning routine ko, pero 'yong kay Bona, hindi pa rin. Pagdaan kasi namin sa kanto ng J.A.M.A.—sa babaan ng tricyle—ay nakita ko siyang matiyagang naghihintay. Ang may pagkasingkit niyang mga mata ay may hinahanap-hanap mula sa mga bumababang pasahero ng tricycle. Hanggang sa makita niya akong nakaangkas sa motor ni Pio.
"Aaron, my lab!" sigaw niya nang malampasan namin siya. Ang talas ng mata niya dahil agad niya akong nakilala kahit may suot na helmet.
Napapreno si Pio sa gilid ng kalsada dahil sa kaniyang narinig, lumingon sa pinanggalingan ng boses na tumawag ng 'my lab' sa kaniyang boyfriend—ako. "What the—?"
BINABASA MO ANG
The Playboy Next Door (Next Door Series #1)
Storie d'amoreNagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apa...