Chapter 2

12.1K 367 82
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong parang umiinit na ang mukha ko. Pagmulat ko ay sinalubong ako ng araw na nakasilip sa bintana sa may gilid ng kama ko. Mga ilang segundo rin bago tuluyang luminaw ang paningin ko. Pero malabo pa rin ang alaala ko sa nangyari kagabi.

Marahan kong inilibot ang tingin ko sa 'king maliit na studio type apartment—sa may banyo, papunta sa lababo, hanggang sa lamesa sa kanan ko, at sa pintong nakasara sa kasalukuyan.

Ano nga bang nangyari? Napakamot ako sa ulo.

Bumangon na ako sa higaan at naglakad papunta sa may lamesa. Umupo ako saglit. Pakiramdam ko talaga ay may nangyari kagabi. Kaso hindi pa ako totally gising. Hikab ako nang hikab. Gusto ko pa ngang bumalik sa kama kung hindi lang dahil pakiramdam ko ay may importanteng okasyon ngayong araw. Ano nga ba 'yon?

Nang mahagip ng mga mata ko ang malinis na pinggang nakapatong sa may lamesa, parang mayroon ako biglang naalala. Lalo na nang makita ko ang tinidor katabi ng kutsara.

"Shit!"

Agad na nagising ang diwa ko nang magbalik sa 'kin ang lahat.

Ayon sa makakayang tandaan ng aking memorya, habang kumakain ako kagabi ay nagkamali ng apartment na pinasukan si Pio, imbes na 'yong ikaapat na apartment 'yong puntahan niya ay pinuntahan niya 'yong ikalima—'yong apartment ko. Tapos, lasing na lasing siya, kaya siguro akala niya ay ako si Monica, o Mona, o kung sino mang babaeng 'yon. 'Yon na nga, ninakawan niya ako ng halik, at shit, hinubad niya ang lahat ng suot niya bago niya ako i-trap dito sa lamesa. Tapos 'yong... 'yong ano... 'yong kinakain kong siomai, kinain niya!

Inalog-alog ko ang ulo ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Alam ko pagkatapos no'n ay hinalikan niya ulit ako, pababa nang pababa. At bakit sa alaala ko ay para pa akong nasasarapan? 'Tang inang buhay 'to. Pumayag pa pala akong magpabuhat sa gago. Gano'n na ba ako kadesperado? O gano'n lang talaga siya kagaling?

Lumingon ako sa kama sa may likuran ko at muling nagbalik-tanaw.

Sa init ng mga pangyayari kagabi ay parang kusang nagpaubaya ang katawan ko. Initsa niya ako sa kama at pinaibabawan niya ako. Sa sobrang bigat niya ay nanikip ang dibdib ko, ngunit hindi ko ito inalintana. Matapos ay hinubad niya ang suot kong sando.

Teka, ba't ako tinitigasan sa mga naaalala ko?

Pagkatapos niyang hubarin ang suot ko ay inilagay niya ang dalawa kong kamay sa may ulunan ko at ginapos ito gamit ang dalawa niyang kamay. Ang lapad ng mga palad niya at magaspang, halatang gamit na gamit. Naalala ko para akong sasabog sa nangyari kagabi, higit pa nang muli niyang akong halikan sa may labi at ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Ang mapait na laway niya ay unti-unting naging matamis para sa 'kin sa hindi maipaliwanag. Matapos ay naglakbay siya papunta sa may leeg ko at ubod-lakas itong sinipsip, na parang isa siyang hayop na hayok na hayok. Sa buong buhay ko ay wala pang nagpaungol sa 'kin nang kasinglakas ng ungol ko kagabi.

'Tang ina, nakakahiya. May nakarinig ba sa 'min—sa 'kin kagabi? Sana naman wala. Nasa pinakadulo naman ng 4th floor ang kuwarto ko eh. Wala naman sigurong nakarinig.

Matapos abusuhin ang leeg ko kagabi ay sinunod niyang ikuskos ang labi niya pababa sa kaliwang utong ko. Dahil wala nang damit na pumapagitan ay ramdam na ramdam ko na ang sensasyon. Para akong nasa ibang dimensyon. Tinusok niya ito gamit ang matulis niyang dila at pinaglaruan. Paikot-ikot. Para akong sinasapian dahil napatirik niya ang mga mata ko.

Gago siya. Hindi ko siya mapapatawad.

Sumunod na nangyari—Nga pala, wala na palang kasunod. Matapos paglaruan ang utong ko kagabi ay naramdaman kong parang tumigil siya sa kalagitnaan. Hanggang sa nakarinig ako ng mga hilik. Pagmulat ko nang tuluyan ay nakita ko ang gago na nakatulog na pala sa ibabaw ko. Ginawa pa akong unan. Kung kailan nasa climax na, tinulugan niya ako.

The Playboy Next Door (Next Door Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon