PROLOGUE
"Go go ate! " Rinig kong sigaw ng aking nakababatang kapatid na si Timothy. Kasama niya sa kumpulan ng mga tao ang aming Ina my beautiful mother , si mama Tanya they're my treasure.
"And the winner for binibining San Diego is none other than , Candidate number 3 , Amara Gayle Isabella Serrano, congratulations" naestatwa ako sa narinig na sinabi noong host, halos magwala ang kapatid at mga kaibigan ko , Nakita ko si mama na maluha luha kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya ka proud sa akin , at iyon ang tunay na korona para sa akin. Mabilis na inilapat sa aking ulo ang korona at ibinigay na sa akin ang Isang bouquet ng bulaklak saka iniabot sa akin iyong cash prize , na siyang dahilan ng pagsali ko sa patimpalak na ito medyo malaki laki naman ang premyo kaya inaya ko na kumain sa labas ang aking pamilya kasama ang aking dalawang kaibigan.
"Alam mo Mara , una palang talaga ramdam na namin na Ikaw ang mananalo , talent portion palang lengwak na ang nga kalaban mo mas Lalo na sa q&a " puna ni zoey . Ganyan talaga katabil ang bunganga niyan sanay naman na kami , natawa naman si mama sa sinabi ni zoey .
"Well mara , zoey is right unang patalbugan palang suso lang nila ang tumalbog , ay pati rin pala ang utak nila tumalbog palabas sa ulo nila " si Astrid . Isa pa yan , hindi yan ganiyan dati nahawa lang kay zoey black sheep talaga iyang si zoey.
" Ay perfect oh , Parang wala tayong kasamang bata noh" may bakas ng sarkastikong sabi ko. Hindi man lang nila naisip na may bata kaming kasama.
"Hay nako kayo talaga , magsi-tigil na nga kayo at nasa harap kayo ng pagkain" saway sa amin ni mama na agad naman naming sinunod. Napatuloy kami sa pagkain natutuwa ko namang pinapanood ang bunso kong kapatid na masiglang kumakain , hangga't maaari ay gagawin ko ang lahat sa para bunso kong kapatid ayaw kong maranasan niya na may kulang sakanya , dahil hanggat maaari ay gusto kong punan lahat ng sa tingin niya ay kulang , ako siya at si mama lang ay sapat na , Hindi namin kailangan ng Isang ama na takot sa responsibilidad, Hindi namin kailangan ng lalaki na takot sa responsibilidad sa buhay namin.
"Nak , napakagaling mo kanina alam ko na sa kagandahan ay sa akin ka nagmana pero pag dating sa talino , sa tingin ko ay mana ka sa ama mo pero mas matalino ka sakanya " sambit ni mama ng naiwan kami sa aming maliit na sala si tim ay natutulog na dahil sa pagod at kabusugan.
"Edi siya yung mana sa akin ma" pagbibiro ko pa natawa naman si mama. Kahit sa ka-cornyhan sasamahan ako ni mama kaya mahal na mahal ko itong si boss Tanya.
"Sobrang proud ako anak , nagpapasalamat talaga ako sa diyos dahil malas man ako sa lalaki sinuwerte naman ako sa anak, napakabait mong bata kahit na minsan ay lumalabas ang pagiging maldita mo na Hindi ko alam saan mo minana " natatawa ngunit kita ko ang pangingilid ng luha ni mama.
" Kahit hindi niyo naman sabihin ay nararamdaman ko naman pero masarap pa rin pala talaga pakinggan , thank you sa lahat lahat ma , kapag naging successful ako igagala ko kayo sa buong mundo, bibilhin ko lahat ng kung anong gusto ninyo , ititira ko kayo sa magandang bahay, Basta promise mo ma wag ka munang magpapasundo sa best friend mo ha " sabi ko kahit na nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko. Namatay kasi ang Kaisa-isang best friend ni mama si tita Inah. Those are my bonding with my mother , paminsan minsan nagkakatampuhan , Hindi ko naman kasi siya pinagbabawalan mag labada pero ang sa akin lang wag niyang abusuhin ang katawan niya na lagi niyang ginagawa , ayaw ko g dumating agad Yung araw na sisingilen na siya ng mismong katawan niya , Hindi ko kaya iyon ay.
"Ma alis na po kami ni tim , mag-ingat ho kayo Dito ha" sigaw ko sapat lamang para narinig niya agad na lumabas si mama galing kusina agad niyang iniabot sa amin ni Tim ang aming mga baon, nagngitian kami ni mama. Hinalikan ni mama ang noo naming magkapatid. Saka kami nagmartsa paalis , naglakad lang kami para tipid maaga pa naman kaya may Oras pa kaming naglakad tawid lang ng school nila ang university na pinapasukan ko , kaya nauna ko siyang ihatid.
"Mag-aral mabuti ha , wag sasama kung kani-kanino ha " bilin ko sa Kapatid.
"Opo ate ko , bye bye ate ko " malambing na sabi ng kapatid ko he's only 5 years old turning six , for the next 3months.
Hinalikan niya ako sa aking pisngi ganoon din ang ginawa ko sakanya bago siya kumaway at tumakbo na sa loob dahil nakita na siya ng teacher niya. Matalinong bata si Timothy, naglakad na ako patungo sa paaralan na pinapasukan ko , Minsan ako ang nagsusundo kay Timothy kapag early dismissal kami, tinetext ko lang si mama para alam niya.Mabilis akong nakarating sa school at dumiretso na kung saang block ako o room. Nakita ko kaagad si Astrid at zoey as always may ichini-chismis na naman si zoey , sa aming tatlo kasi ay si zoey ang pakpak ng mga balita.
"Sisssssyy!!!" Napatakip nalang ako tenga ko ng marinig ang signature na tili ni zoey napangiwi naman ang katabi niyang si astrid sa pagsigaw na ginawa niya Ewan ko ba Dito napaka OA , May gamot ba para sa OA? Pagiipunan ko gumaling lang ang kaibigan ko any suggestions guys.
"Ano ba zoey ang aga aga mo namang mang gising ng kaluluwa" puna ko ng makalapit ako pero ang babae ay mas lumawak ang ngisi.
"Halika rito dali , sit down sissy bilis may chika ako hot na hot , mainit init pa ito bilis involve ka rito" sabi pa ni zoey , luh dinamay pa nga ako , involve daw ako pero hindi ko man lang alam kung ano iyon , hay ewan. Naupo na ako sa tabi ni zoey sa kabilang side pinagigitnaan namin siya. Inilapag ko na ang bag ko at ang lunch box na pinabaon sa akin ni mama.
" So ayun na nga mara , since ikaw ang mukha ng university na toh at Ikaw rin ang scholar ng mga Dela Vega , Ikaw yata ang mag aaccompany sa anak nila na rito mag-aaral at Balita ko guwapo raw , model rin ." panimula ni zoey. Di ko rin alam kung bakit ako ang naging mukha ng university na ito , oo at ilang beses ng naging champion ang university namin sa bawat contest na nilaban ko , pero mahirap lang ako at Hindi ganoon kaganda maraming mas maganda sa akin , sinasabi nila na kesyo kaibigan ko kasi ang pamangkin ng dean kaya ako ang naging mukha ng university, Jusko naman kasi napakalaki ng mukha ko roon sa gate ng university nakatarpaulin pa nga , , wala naman ang pakealam kung gusto nila na sila ang nakatarpaulin doon , edi magreklamo sila kay dean diba , iba talaga nagagawa ng inggit.
"Babae ba o lalaki?" Tanong ni astrid nakikinig lamang ako.
" Ay Astrid? Minsan ang sarap mo bigwasan , guwapo nga diba? , Yun lang alam ko di ko alam pangalan at kung may girlfriend or anong course" Hindi siguradong sabi ni zoey.
" Ano ba iyan kulang kulang naman impormasiyon mo zoey , waley ka ngayon " panunuya ko pa inirapan naman niya ako natawa nalang ako sa reaksiyon niya, kuwestiyonin niyo na lahat wag lang ang mga balitang nasasagap niya dahil never pa siyang nagkamali.
" I heard it from the faculty, you know pinasa ko yung project natin" sabi niya. "Pero I'm telling the truth mara , magready ka na baka malaglag panty mo , Balita ko kasi sobrang guwapo raw ng anak ng mga DelaVega " sabi pa niya na agad kong tinanguan.
" Don't tell me Hindi ka naniniwala , Ewan ko sayo mara scholar ka nila pero hindi mo kilala anak nila" sabi pa ni zoey.
" Required ba? Gagawin ko lang kapag kasama na sa requirements " sabi ko kaya nakunot ang noo niya si astrid naman ay natatawa na.
"And zoey walang malalaglag na panty dahil wala akong panty" natatawa kong sabi kaya humagalpak ng tawa si astrid at napangiwi naman si zoey. Akala niya siguro ay hindi ko siya sasabayan.
" Iww , don't worry sissy bibilhan kita " sabi pa niya . Gaga talaga.
Alam ko na totoo ang impormasiyon na sinabi ni zoey , pero ayaw kong pangunahan dahil iaannounce naman iyon , Hindi naman na bago sa akin iyon madalas ko iyong ginagawa , Isa sa responsibilidad ko rito sa eskwelahan kaya hindi puwede na tumanggi. Sana lang ay hindi siya mahirap pakisamahan at kausapin.
—
THANK YOU FOR READING 💙
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...