CHAPTER 5

56 62 6
                                    


                      
                       Chapter 5


" Nako kayo talagang tatlo , sana hindi niyo na ginastos ang mga pera ninyo para lang dito , pero maraming salamat ha , zoey, astrid at anak " umiiyak na sabi ni mama.


" You know tita , advance birthday gift na po namin yan sainyo , and besides you're not only a tita for us , parang mama na rin po ang turing namin saiyo kasi anak po yung turing mo samin " litanya ni Zoey na kahit ako ay napapaiyak.

" Zoey is right po tita , hindi ka po nagsasawa na isama kami ni Zoey sa budget niyo ng ulam , kaya here po bumili na kami ni zoey ng mga puwede ninyong lutuin , kasi you know tita mas masarap ka pa magluto sa mga professional na chef " sabi pa ni Astrid ma iiyak na sana ako kasi yung hirit niya sa huli.

" Sana hindi na kayo nag abala na bumili niyan , welcome na welcome kayo rito at hinding hindi ako magsasawa na lutuin kayo kahit na ano'ng i-request ninyo , kapatid ang turing ninyo kay Mara at kahit na magkaiba ang estado ng mga buhay ninyo , hindi kayo nanghusga ,nang maliit maayos ang pagpapalaki sainyo ng mga magulang ninyo " sabi ni mama Sakanila , naiyak naman ang dalawa. Tama si mama , yung magulang ni Zoey na si tita Zandra and tito Oliver , sobrang bait nila sa akin , sila pa nga ang bumili ng laptop sa akin e , regalo nila sa akin nung recognition day dahil nangunguna ako sa klase namin , sabi nila deserve ko daw yun at talagang anak ang turing nila sa akin , nag iisang anak lang kasi si Zoey at malaki ang pasasalamat ng magulang niya sa amin dahil daw anak na ang turing ni mama kay zoey at hindi daw namin pinababayaan , paminsan kasi nasa ibang bansa ang magulang ni Zoey dahil May inaasikasong negosyo roon , kaya nakikiusap ang mga ito sa amin ni mama na kung puwede doon muna ako Sakanila matulog para May kasama si Zoey , pumapayag naman si mama dahil alam niyang safe kela Zoey. Paminsan din nag bo-bonding si mama at si tita Zandra rito sa bahay minsan naman kela Zoey.

At ang parents naman ni Astrid na si tita Jessica and tito Arthur ay ganoon rin kagaya ng parents ni Zoey , madalas yun sila magbigay ng mga pasalubong rito dahil mahilig rin magbakasyon ang magulang ni Astrid , ayos lang naman Sakanila iyon , in fact yun nga yung gusto ni Astrid makapag enjoy ang parent niya kaysa naman maboring at pagurin ang sarili sa trabaho, but that's the difference my mama need to work hard, kahit na dapat nag eenjoy din siya , kasi nga hindi kami mayaman.

" Wow ate Zoey , ate Astrid super astig po nito , mama tingnan mo po oh diba po ito po yung kagaya nung laruan nila Jacob , tingnan mo po mama meron na rin po ako , tenchu po ate Zoey , ate Astrid at ate Mara , May toys na rin ako kagaya sa kanila Jacob " si Timothy, saka niya kami isa isang nilapitan. Naiiyak ako pero pinalis ko , na gui-guilty ako dahil simpleng laruan lang iyon pero grabe yung saya ng kapatid ko.  Wala kasing kapatid si Zoey kaya iniispoiled niya rin si Timothy. And si Astrid naman bunso siya , si kuya Jixzon kasi ay nasa ibang bansa doon nag aaral siya lang ang nandito. They love my family and love ko rin ang family nila.

" You're welcome, Timmy you know what ate Zoey will buy anything you want "sabi pa ni Zoey.


" Tenchu po ate , pero di na po kailangan ayos na po ito sobrang ganda po saka mukha po mahal e " sagot pa ni Tim. Mabait na bata si Tim , hindi siya naghahangad ng sobra dahil iyon ang turo ni mama. Be thankful at huwag maghangad ng iba matutong matuwa sa simpleng bagay lang.


" Hay nako , Timmy kaya ang sarap mo iniispoiled e , all of the things and toys na binibigay namin sayo ni ate Zoey mo , super grateful mo " sabi pa ni Astrid saka pinisil pisil ang pisngi ni Tim.

" Zoey , Astrid  huwag niyong bilhan ng bilhan ng laruan si Timothy , kasi punong puno na kuwarto nila ni mama jusko " puna ko pa.

" Hayaan mo na Mara , Sila mom and dad naman nagsabi. In fact pag uwi daw nila dadaan sila rito sainyo May gift daw si mommy kay tita Tanya and kay Timothy" sabi pa ni Zoey.

UNREQUITED AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon