CHAPTER 2

80 71 9
                                    

                       Chapter 2



"Ma alis na po kami ah , isasabay ko na tong si Timothy " sabi ko kay mama at ibinigay na niya sa amin ang baon namin , hinalikan niya na kami ni Timothy at ganoon din kami sakanya. 7:30 am kailangan ay nandoon na ako maglalakad pa kami ni Timothy kaya kailangan na namin bilisan bawal ako malate.

" Ate id ko wala, wala Id ko ate " sabi ni Timothy nang makarating kami sa school nila , Hindi Kasi allowed kapag walang id. Malayo Layo pa ang amin , 7:00 na 30 minutes nalang meron ako.


Binilinan ko siya na wag aalis doon at kukuhain ko ang id niya. Tinakbo ko ang Layo mula sa school hanggang sa bahay , hingal na hingal ako. Nilapag ko ang lunchbox ko saka hinanap ang I'd ni Timothy .


"Oh anak bakit ka bumalik may nangyari ba? " Si mama na sa tingin ko ay katatapos lang magbanlaw.


" Ma nasan po ba yung I'd ni timothy" natataranta ko nang sabi , Hindi na nagsalita si mama at agad na pumasok sa kuwarto nila ni Timothy. Mabilis  niyang inabot sa akin yung I'd bago ako nagmadaling umalis sinigaw pa ni mama ang 'ingat ka anak' pero hindi na ako nakasagot. Nang makarating ako sa school nila timothy ay nakita ko ang kapatid ko na nasa tabi ng kaniyang teacher hingal na hingal akong lumapit sakanya at iniabot sakanya ang id niya , nagpasalamat naman siya sa akin at iginaya na siya ng teacher niya sa loob ako naman ay nagmamadaling tumawid, kamuntik pa akong mabundol sa pagmamadali pero dumiretso na ako , patakbo kong tinungo ang field kung saan kami magkikita mabilis ang bawat kilos na ginawa ko. Nang makarating sa field ay inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang Isang matangkad na lalaki na nakatayo sa may gilid na nakapamulsa at nakatingin sa akin. Naglakad ako papalapit nahihiya ako , Ngayon lang ako ginapangan ng hiya. Nang makalapit ako ay tinaasan niya ako ng kilay. Gosh nakakaintimidate.


"Ah hello , I'm Amara Serrano you can call me Mara nalang , Ikaw ba yung ito-tour ko?" Bahagya kong tanong sa kaldamong boses kahit na muntik na akong mautal dahil sa seryosong tingin na binibigay niya sa akin.


"Isn't it obvious? And your late in case you didn't know" bakas ang sarkasmo sa kaniyang boses. Grabe totoo nga na masungit ito'ng lalaki na toh ibang iba ang ugali niya sa magulang at kay ate Cynth , Isa lang kasi ang kilala kong anak ng mga Dela vega , si ate Cynthia Elisse , mabait model iyon , siya ang nagtuturo sa akin madalas kapag may sinasalihan ako ngayon kaso nasa ibang bansa ito, doon siya nag model , international model kasi siya.


"Sorry hinatid ko pa kasi yung kapatid ko nakalimutan niya yung Id niya kaya bumalik pa ako sa amin" paliwanag ko pero mukang wala siyang balak makinig.

" I don't need your explanation, are there no other students here who are punctual?" Tanong niya , natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na ako makapag timpi.

" Look Mr. DelaVega , 5 minute lang po akong late " sabi ko sa mahinahon pa rin na boses kahit na gustong gusto ko na siyang sapakin.

"even so, every minute still counts, " seryoso at malamig niyang sabi. Bakit ba ginagawa niyang big deal , every minute is still counts daw pero heto kami at nagsasayang Oras kasesermon niya sa akin. Napipikon na ako pero dapat kong pigilan ang sarili ko , ayaw kong mawalan ng scholarship.


"Okay , I'm sorry na po , ngayon lang po talaga ako na late , I'm sorry okay? " Ako na Yung humingi nang tawad para hindi na humaba pa yung usapan. Kita Kong napaawang ang mga mapupula niyang labi sa sinabi ko pero hindi rin nagtagal ay sumeryoso na kaagad siya. Ano yon tumitiklop ba siya sa sorry? What a soft boy.


"So Mr. DelaVega—" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil pinutol niya ng magsalita siya.


"Eron , just call me Eron don't be too formal " sabi niya habang Hindi sa akin nakatingin. Napangiti naman ako.


UNREQUITED AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon