CHAPTER 20

33 22 0
                                        

                       

Chapter 20




MIKAELLA KISSED ERON...




Yung boyfriend ko , hinalikan ng ex girlfriend niya....



Hindi ko alam paano ako mag rereact, tumakbo ako wala na akong pakealam ngayon kung saan man ako mapunta basta gusto ko nalang makalayo.




Biglang bumuhos ang ulan , malapit na dumilim pero wala na akong pakealam.




I hate you Eron.





Pinagkatiwalaan kita , naniwala ako sa lahat ng mga sinasabi mo kasi mahal kita. Bakit naman ganito yung ginawa mo? Ang sakit sakit. Nanginginig na ako sa pagod at sakit. I never expect na darating ang araw na ito. Expect the unexpected talaga.



" haha , ang galing Mara... Ngayon ka na nga lang sumugal , talo pa. " Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad sa hindi ko alam na daan. Hindi ko alam ito at hindi ko alam paano ako uuwi.


.
Akala ko okay kami , Akala ko ako pa , Hindi na pala. Bakit ganito? Sana sinabi niya nalang sa akin na hindi na pala ako. Bakit kailangan ilihim pa.

My best boy turns become the man I hate.



May huminto sasakyan mula sa likuran ko humarap ako. Nakatakip ako ng mukha dahil sa dilaw ng ilaw ng sasakyan nito. Nang makita ko siya ay mas lalo akong nanghina at gusto siyang yakapin ng mahigpit.




" Gayle.... " Bakas ang pagod sa mukha niya. Pumayat siya halos hindi ko na siya makilala.



" Primo..." Banggit ko sa pangalan niya na mas lalo kong ikinaiyak.



Primo I miss you.....




" Bakit sinasaktan ka nila Gayle? ." Tanong ni Primo. Mahigpit ang yakap ko kay Primo at ganoon din siya sa akin.




" Hush now my Gayle , I'm here. " Pagpatahan niya sa akin , dalawa na kaming basa ng ulan ngayon.




Nandito ka ngayon , pero bukas nasaan ka na? Aalis ka na naman Primo. Iiwan mo na naman ako.



" Primo , ang sakit sakit " pagsusumbong ko sakanya. Habang magkayakap kami sa ulan. " Bakit ganoon nalang palagi? Bakit kailangan limitado lang ang pagiging masaya? Bakit kung kailan nagiging masaya na ako saka naman ganito? " sabi ko pa kay Primo.




" You don't deserve all this shit Gayle , I miss you and I will protect you , nandito na ako , I will never leave you again. " Sabi niya pa . Gumaan ang loob ko kahit papaano sa sinabi ni Primo. Nagpaakay na ako sakanya papasok sa sasakyan niya. Nagmaneho siya hanggang sa makarating kami sa kompanya nila. May iniabot siya sakin na paper bag. Binuklat ko iyon at nakita ko na tshirt at pajama  iyon May mga underwears din napangiti naman ako. Primo is Primo.




Matapos kong magpalit ay nakita ko si primo na nakasandal sa labas ng restroom ng girls hinihintay ako.



" Let's go? ." Tanong niya pero hindi na niya ako hinintay na makasagot dahil hinatak na niya ako paakyat sa rooftop. Tumila na rin ang ulan pero May silong pa rin dito.



Namangha ako ng makarating kami sa rooftop dahil para itong bahay sa disenyo nito.




" Do you like it Gayle?. " Tanong sa akin ni Primo habang hawak hawak ang kamay ko.



UNREQUITED AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon