CHAPTER 17

21 41 2
                                    

                  

                 Chapter 17


MIKAELLA?!


Halos sabay - sabay namin bulong.

Nakangiting nagkukwentuhan si tita at si Mikaella ng makalapit sila sa amin. Hindi naman maipinta ang mukha naming tatlo pareho. Agad rin kaming nakabawi.

" Girls , this is Mikaella siya iyong sinasabi kong special guests natin " sabi ni tita habang pinapakilala niya si Mikaella.


" Anong special diyan? Special Child? " dinig kong bulong ni Zoey.


" Tita I love you talaga , Hi girls " bati niya naman sa amin. Naririnig ko pa ang pang gagaya ni Astrid kay Mikaella buang talaga.


" Oh , Amara? " Si Mikaella ng makilala ako.

" Do you know each other? " Tanong ni tita , ngumiti naman ako at tumango.


" Yeah , we've met at their school, Amara is one of the contestants and She won " masayang sabi pa ni mikaella.


Huh? Bakit ganon? Mali na naman ba ako ng impression kay Mikaella? She look so nice. At ang bubbly rin niya.


" Oh really? So isa ka sa mga judges doon. Well Amara is one of the most beautiful students in their university , I never doubt her skills , charm and appeal " pagmamalaki pa sa akin ni tita. Kita ko naman ang mga pag irap ng mata ni Zoey si Astrid naman ay ginagaya ang bawa't pananalita ni Mikaella.

" By the way , Eat First before we proceed to the photoshoot, Astrid , Zoey and Mara kain na " sabi ni tita sa amin.


" No need tita I'm full na pala " masungit na sabi ni Astrid , napakunot naman ang noo ni tita.


" Oh? But you said earlier na kulang pa sainyo ang ipinadalang pagkain ng boyfriend ni Mara " sabi pa ni tita.


" Really? Mara you have a boyfriend? Who's that lucky man? " Pang uusisa pa niya.


" Hmp wag mo nang alamin Mikaella baka mawindang ka " sabat ni Astrid.


Pinanlakihan ko ng mata si Astrid para huwag sabihin ang tungkol sa amin ni Eron..


" What do you mean? " nagtatakang tanong ni Mikaella.


" Wala , Isa lang naman kasi sa pinaka guwapo sa buong university ang boyfriend ni Amara , at sakanya lang yun mabait sa iba masungit na " sabi pa ni Zoey. Etong dalawang toh kurutin ko na sana.


" We'll that's great , Mara is a gorgeous lady and She deserves an amazing Man " sabi pa ni Mikaella habang kumakain.



Mali ba na hinusgahan namin siya kaagad , What if mabait naman pala siya what if Naka move on na rin pala siya. Kung ano ano lang talaga ang iniisip ko.

Matapos ang photoshoot naging professional namin kami pero pagtapos ay ayan na naman si Astrid and Zoey na mga Bulungan nila.

" Zoey , Astrid wag niyo nang anuhin " saway ko sa dalawa. Tumahimik naman ang mga ito pero yung mukha nila hindi. Ewan ko kung matatawa ba ako o ano iyong kilay kasi ng dalawa nakataas habang nagsasalita si mikaella.


" Goodbye girls , I enjoy here maybe we do bonding some other time " sabi pa ni Mikaella.

" Kami din nag enjoy Mikaella " sabi ko kasi alam ko na kapag ang dalawa ang magsalita hindi maganda ang lalabas sa mga bunganga nila.

UNREQUITED AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon