Chapter 1"Sarap talaga magluto ni tita tanya , alam mo astrid bumili kaya tayo ng pang adobo at sinigang tapos paluto natin kay tita tanya para naman sakop tayo sa baon ni mara " si zoey na Hindi man lang nag overheat ang bunganga. Kumakain kami ngayon sa canteen bumili lang ako ng juice dahil may baon naman ako.
" Agree ako diyan , maybe later gusto ko talaga ang luto ni tita tanya kaysa sa cook namin sa bahay" si Astrid. Yes po , opo mayayaman po sila ewan ko kung paano ko sila naging kaibigan palagi kasi akong napag titripan dati kaya ko naman ipagtanggol Sarili ko pero noong dumating ang dalawang toh mas Lalo akong kinutya na kesyo social climber daw ako, sa totoo lang Hindi ko naman sila kinaibigan dahil sa yaman nila , kinaibigan ko sila dahil mahal nila ako at naiintindihan nila ako. Hinayaan ko lang sila sa mga gusto nila sila naman yan e.
" Amara! " Rinig kong tawag sa akin. Nakita ko si Tiffany na naglakad papalapit sa puwesto namin.
"Ano na namang kailangan ng pugita na yan?" Malditang tanong ni zoey na mukang sinang-ayunan naman ni astrid. Nang makalapit siya ay tinaasan niya ako ng kilay.
" Bakit Tiffany may problema ba?" Tanong ko habang nakatingin sakanya , ganoon parin ang kilay niya ,Ewan ko pero muka siyang timang kapag nakataas ang kilay niya.
"Ewan ko kung bakit Ikaw pa yung napili ni dean para ipakilala yung university at I tour ang anak ng mga DelaVega " panimula niya. Okay naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang kilay niya.Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni zoey.
"Ano na namang pinuputok ng butchi mo diyan tiffaks , oh eto salamin tingnan mo pinagkaiba niyo ni mara para di ka na nahihibang diyan" sabi ni zoey habang diretso ang tingin niya kay tiffany gusto ko nang matawa kaso baka magwala si tiffany , hindi niya tinanggap iyong salamin ni zoey , pulam-pula na ang kaniyang muka dahil sa pangiinis ni zoey.
"How dare you call me names , hindi ikaw kausap ko kaya wag kang makisali rito" galit na ang boses ni tiffany ako naman ay kagat kagat ko na ang ibabang labi ko para pigilan ang paglabas tawa sa bibig ko , si Tiffany talaga minsan parang bata.
"Oh we? Akala ko ako , bakit kasi ganiyan? Duling ka ba? O banlag? I thought sa akin ka nakatingin , and honey I'm not calling you names , pinaikli ko lang pangalan mo , ayaw mo non ginawan na kitang nickname" Hindi na napigilan ni astrid ang tawa niya humagalpak na siya ng tawa ganoon din ang mga estudyante na nakapaligid sa amin. Halos maiyak sa inis si Tiffany. Matalim niya kaming tiningnan.
"Chill tiffaks , it looks like kakainin mo kami ng buhay " si Astrid na tumatawa pa rin.
"Tama na yan , ano ba talaga yung sadya mo Tiffany? Bukod sa insultuhin ako?" Sabi ko saka ngumiti dahil natatawa pa rin ako.
Tumalikod na siya habang nakakuyom Ang kamao niya.
"Pinapatawag ka ni dean!" Naiinis niyang sigaw saka padabog na nagmartsa paalis ng tiningnan ko ang dalawa ay nag aapiran na ito. Tumingin ako sakanila ng seryoso.
"What? Sinabi ko lang ang totoo Amara " nakangiting sabi ni zoey na parang wala lang sakanya ang nangyari.
" Zoey is right mara , she deserve it sayang umalis kaagad " sabi pa ni astrid , hay ewan ko ba sa dalawang toh ang titigas ng ulo.
Napabuntong hininga nalang ako, napahiya kasi si tiffany at sa tingin ko ngayon ay mas galit iyon , hindi naman sa hindi ko kayang lumaban , ayaw ko lang , maybe may problema siya kaya ganoon ang ugali niya.
"Ms. Serrano please sit down " sabi ni dean ng makarating ako sa kaniyang office. Hinihintay ako nila zoey and astrid sa field. Agad naman akong naupo na siyang inutos ni dean.
" May problema po ba dean? " Tanong ko kahit na may ideya na ako sa rason kung bakit ako pinatawag.
"Oh , wala naman Ms. Serrano actually you did great , Hindi talaga kami nagkamali na piliin ka bilang mukha ng university, you ace all your majors and minors, you also win all the contest mapa beauty man o brain , you're really the best " punong puno ng papuri , Hindi ako sanay, pero nakakataba ng puso at least they appreciate lahat ng efforts ko . Sobrang daming compliments.
" Thank you po, dahil naniniwala kayo sa akin " sabi ko.
"Malayo ang mararating mo, by the way Ms. Serrano I just want to tell you , Kilala mo naman siguro si Mr. Philip and Mrs. Camila Delavega of course you're their scholar , " tumango tango naman ako sa sinasabi ni dean. " Their son Cyden Cameron Delavega , galing siyang states at napagdesisyonan ng mag asawa na rito pag-aralin ang kanilang anak. Tomorrow siya pupunta rito and ikaw ang napili para I tour siya dito sa university , excuse ka sa mga subjects mo nagkausap na kami ng mga prof mo and they agreed since wala rin masyadong klase bukas early dismissal rin , maaasahan ka ba namin Ms. Serrano? Pinagkatiwala sayo ng mga Dela Vega ang kanilang anak" sabi ni dean.
" Sure po no problem, Hindi naman Po ito Yung unang beses , pero dean may attitude ba iyon?" Ngiwi kong Tanong.
"Ikaw talagang bata ka , but I heard na malamig daw makitungo iyon at tahimik lang rin may pagka masungit , but I know that your charm will tame him " sabi ni dean. Ewan ko kung anong magiging reaksiyon ko. Masungit daw diba? Baka Mamaya sigaw sigawan ako non , edi kailangan ko magtimpi baka mawalan pa ko ng scholarship. Matapos namin mag-usap ni dean ay may mga bibilin pa siya sa akin bago ako nagpaalam na umalis na dahil baka naiinip na ang dalawa kahihintay sa akin.
Mabilis akong nagtungo sa field nilibot ko pa ang paningin ko bago ko nakita ang dalawa , si zoey na may tinitilian na namang lalaki si astrid naman sa tabi niya ay tawa lang ng tawa dahil sa tinis ng boses ni zoey na panay ang tili , natawa naman ako habang tanaw ang dalawa dahan dahan akong lumapit sa dalawa .
" Oh ano kamusta meeting niyo ni dean?" Si Astrid ng makalapit ako Sakanila.
" Ayun nga , gusto nila na ako mag tour doon sa anak ng mga Dela Vega " sabi ko Sakanila.
" Oh bakit parang hindi ka masaya? Don't worry sissy , guwapo naman iyon e " so zoey na mukhang guwapo.
" Pero hindi ba kayo nagtataka? Nasa states na siya , e bakit hindi nalang siya doon nag-aral diba? " Nagtataka ko pang tanong.
" Hello Mara , pamilya kaya nila ang major share holder ng school natin so it's their right na pag aralin dito anak nila , and ayaw mo ba non? Magkakaroon na ng guwapo dito? Nakakasawa na kasi mukha ng mga tao dito " pagrereklamo pa ni Zoey, Zoey is being Zoey na naman.
" Kaya nga Mara ,matalino ka pero minsan bobo ka , ikaw nalang kaya pumalit sa magulang niya, pala desisyon ka e " nag apir pa ang dalawa at humagalpak ng tawa , pareho ko silang binatukan.
Itong dalawa talaga na ito , minsan walang kuwenta kausap.
Suwerte yung mayayaman , nakakapag aral sila sa school na gusto nila , wala silang problema financially, hindi katulad naming mahihirap na we need to strive hard to survive, na kailangan magkandakuba sa trabaho para May makain , pero thankful pa rin ako kasi nakakakain kami ng sobra pa sa tatlong beses sa isang araw , at siyempre busog na busog kami sa pagmamahal ng isa't isa.
Pero sana talaga maayos kausap yung anak nila ma'am and sir , sana magmana Sakanila yung anak nila.
Clyden Cameron Dela Vega , I hope na madali lang pakisamahan......
—
THANK YOU FOR READING 💙
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...