CHAPTER 10
" Anong mukha yan Mara? " Si Zoey nang makalapit siya sa akin. Galing siya kay dean kinausap kasi siya for the upcoming foundation day , she's one of the coordinator kasi , magaling kasi si Zoey sa mga events and arrangements ng mga gagawin even yung booths and other contest. Si Astrid naman nasa club nila , magaling naman kumuha si Astrid ng litrato magaling din siyang mag paint, she loves to paint so much.
" Nakakainis kasi " reklamo ko pa.
" Why what happened? " Tanong niya sa sumipsip sa dala niyang coffee. She's a coffee lover. Mapa tanghali gabi , umaga everytime coffee is life.
" Si Eron kasi , two days na niya akong hindi pinapansin " pagmamaktol ko.
" Oh ano naman? Bakit bothered na bothered ka? " Nakakunot noong tanong ni zoey.
" Ewan hindi ko alam , basta naiinis ako wala naman akong ginagawa sakanya , mabait na nga rin ako sakanya e " sabi ko saka padabog na sumandal sa upuan.
Last day after namin magkita ni Primo , dumiretso ako sa bahay nila to cook dinner for him. Pero sabi ni ate Maria wala daw don si Eron, Hindi pa raw umuuwi. Nagtaka ako kasi nagsasabi na siya sa akin kung saan siya pumupunta, mahaba na rin ang chat namin dahil sa loob ng 2weeks kami ang palaging magkasama bukod kela Zoey and Astrid. And nung weekend magkasama rin kami rito sa bahay nila at tinuruan ko siya sa mga house chores. Naghintay ako ng message niya pero wala siyang message even calls. Nag-chat ako sakanya non pero no reply. Until now. hindi na rin niya ko hinahatid sundo this past two days.
" Mara kumalma ka nga diyan, OA mo sissy , by the way may nasagap akong chika sa kabilang block " ayan na si Zoey akala ko nagbago na siya.
" Alam mo ba na may mag tatransfer na naman dito isang model sa ibang bansa and guess what ex siya ni — " hindi ko na pinakinggan ang susunod na sasabihin ni Zoey dahil nakita ko si eron.
" Eron! Saglit lang! " Sigaw ko pero hindi siya huminto , alam ko na narinig niya ko.
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo at sa wakas ay naabutan ko siya humarang ako sa daanan ng hingal na hingal.
" Eron ano ba! Iniiwasan mo ba ako? Akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba friends na tayo? " Tanong ko sakanya.
" Friends? " Tanong niya saka siya ngumisi.
" Yes , oo friends diba? Okay naman tayo ah bakit bigla mo akong iniwasan? May ginawa ba kong mali? " Tanong ko. Mabuti nalang wala masyadong tao rito sa kinatatayuan namin ni eron. Papunta kasi itong garden ng school.
" Nothing " malamig niyang sabi at hindi sa akin nakatingin, nakapamulsa siya at nasa malayo ang tingin.
" Then tell me why! Bakit mo ako iniiwasan? Tuwing pumupunta ako sainyo palaging sinasabi wala ka doon? Saan ka pumupunta? " Tanong ko. Alam ko na nagmumukha na akong girlfriend dito sa pagiging matanong, pero iyon yung lumalabas sa bibig ko.
" The hell you care amara! Diba May Primo ka na so why are you searching for me? Can you— can you please stop being kind and sweet to me?! Can you please treat me like nothing? Can you please don't give me mixed signal?! Can you?" Tuloy tuloy at mahaba niyang sabi. Iyon na yata ang pinaka mahaba niyang sinabi. Pero ano daw?
Mixed signals? What does he mean by that?
" W-what do you mean Eron? I-I don't understand? " Nautal pa ako dahil iba ang pakiramdam ko. Teka bakit na eexcite ako? Ano toh? Bakit ganito nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...