Chapter 16
" Feeling ko may sakit na yan "
" Nabaliw na , ano nangyari diyan?"
"Huy Mara anong mukha yan? " Si Zoey. Nabalik naman ako sa reyalidad ng marinig ang boses niya.
"H-huh A-Anong mukha? Bakit ano ba meron sa mukha ko? " Bakit nauutal ako.
" Ewan ko sayo , minsan ang hirap mo ipagtanggol " sabi pa ni Zoey.
" So nag-usap na ba kayo ni Eron? " Tanong ni Astrid. Nandito kami ngayon sa mall , inimbitahan kasi kami ng tita ni Astrid sa boutique nito May mga bago kasi itong labas na gowns dresses and other clothing, mag pho-photoshoot kami.
" Oh bakit namumula mukha mo Mara? What happened? " Usisa pa ni Zoey. Nahihiya ako , tela bakit ako mahihiya e si Zoey nga kinukuwento sa amin hindi lang kiss e.
" Kasi...ano e.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
" Nag kiss kayo? " Diretsahang tanong ni Zoey.
Hala! Halata ba?
" Omg! So Nag kiss nga kayo?!!" Gulantang naman na tanong ni Astrid.
Marahan akong tumango tango.
" Mara sabi namin kausapin , magusap kayo hindi maghalikan" pangaral ni Zoey.
" Oo nga nag usap naman kami , nag sorry naman na siya and inamin niya mali siya alam ko na rin naman yung kuwento nila ni Mikaella , hindi ko lang talaga alam na si Mikaella pala yung ex niya " sabi ko pa , pero hindi napalis ang ngiti ko sa mga labi ko , kinakagat ko pa ang labi ko.
" So ano Mara , malambot ba ang labi ni Eron? Anong feeling ng mahalikan ng isang Eron? " Pagtatanong pa ni Astrid. Ito talagang mga toh chismosa.
" Ano Ahm .....okay lang.... Masarap huyy " sabay kami nagtawanang tatlo.
" Ayun lumabas rin pagiging maharot mo " sabi pa ni Zoey kaya tumawa ulit kami.
" Lambot ng lips , sasabihin ko pa sana isa pa " nanlaki naman ang mata ng dalawa saka tatlo kaming tawa ng tawa si Astrid and tumatalon talon pa na akala mo siya ang nahalikan.
" Omg! Hindi na virgin si Mara! " Sigaw ni Zoey habang tumatawa.
Gago talaga! Anong hindi na virgin?!
" Hoy Zoey nahalikan lang ako , ano? Nakakabuntis ba yung halik? Kung nakakabuntis yun edi sana dami mo nang anak ngayon " sabi ko kaya hinampas ako ni Zoey.
" Anong maraming anak , virgin pa lips ko noh" apila pa ni Zoey.
" Talaga ba? E sino yung kahalikan mo nung nakaraan sa rookies? " Tanong ni Astrid. Pinanliitan ko naman ng mata si Zoey , pero umiwas ito ng tingin.
" Oh kita mo? Lakas mo mang asar ikaw pala tong May ka french kiss ha " pang aasar ko pa , namula naman ang mukha ni Zoey.
" Teka Astrid ano naman ginagawa mo sa rookies? E diba hindi ka pumupunta sa bar? " Tanong naman ni Zoey ng makabawi siya sa pang-aasar ni Astrid.
Si Astrid naman ngayon itong umiwas ng tingin at namumula.
" Hala ang ganda pala ng mga bagong damit na gawa ni tita noh" pag iiba ni Astrid ng usapan.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...