Chapter 15
SI MS. ALVAREZ?!!
" Ano?! " Sigaw ni Astrid nasa canteen kami ngayon . Si Zoey naman nakikinig lang at hindi nag-react , nanibago ako dahil dapat sa mga ganitong sitwasyon lumalabas pagka OA niya.
" Oh tapos? " Tanong ni Zoey. Kalmado lang siya.
" Anong tanong yan Zoey? Ayan na reaction mo? " Tanong ni Astrid.
" Yeah , sinabi ko na yan una palang kay Mara , pero hindi niya naman ako pinakinggan " sabi ni Zoey saka sumimsim sa mango juice niya.
" Huh? Kailan? " Tanong ko , dahil wala akong maalala.
" That day na hindi ka kinakausap ni Eron " sabi pa Zoey.
Oo nga pala May sinasabi noon si Zoey pero hindi na natapos dahil nakita ko si eron. Gosh tapos noong tinanong ko si Eron kung sino mas maganda sa amin ng ex niya sabi ni ako daw , I mean yeah I know that I'm gorgeous pero hello? International model kaya yun , sa murang edad non pinag aagawan na siya ng ibat ibang brands sa ibang bansa.
" Don't worry sissy , you're more gorgeous than her " sabi pa ni Zoey. Sana nga Zoey e.
" Yeah , and besides Eron is yours now so Eron has nothing to do with her ex " sabi pa ni Astrid.
Tama sila , they're over and sabi naman ni Eron tapos na sila at hindi na niya babalikan ang ex girlfriend niya. And bakit ba Ms. Alvarez ang tawag ko sakanya we're on the same age and soon we'll be schoolmates. So no need to be formal right?
" Tama ka Astrid , tama kayo . Kami na ni eron ngayon , pero kasi noong nakaraang noong magkausap si—", hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Zoey.
" What the?! They're talking?! " Oa na sabi ni Zoey.
" Yeah , after the pageant, sabi pa nga ni mikaella na magusap daw sila sa ibang araw " sabi ko pa.
"Ano?! Oh tapos? Anong sabi ni Eron sayo? Hindi ka ba nagtanong? " Usisa pa ni Astrid.
" Nagtanong , tinanong ko siya kung ano niya si Mikaella at sabi niya sa akin magkaibigan lang daw " pagkukuwento ko.
Napa Facepalm naman si Zoey.
" Kakasimula niyo pa lang , ganiyan na kaagad ang nangyari? " Sabi pa Zoey na mukhang stress na naman.
" E ang tanong bakit hindi sinabi ni eron sayo na mag ex sila? " Tanong ni Astrid, ayan rin ang tanong sa isip ko ngayon.
" Ewan , siguro baka humahanap siya ng tiyempo? Or siguro baka kasi pag awayan namin? " Sabi ko pa , bakit parang tinotolerate ko si eron.
" That's the problem Mara , and don't tolerate that kind of behavior. Ano naman kung magalit ka if he says the truth? At least May alam ka hindi yung silang lahat alam ikaw wala kang alam " sabi ni Zoey. Pinapangaralan niya ko. Zoey sometimes can be soft but often harsh.
" Tama si Zoey, Mara but listen to him first don't make your anger lead you , kasi walang mangyayari . Talk to him and let him answer all your questions" paalala ni astrid. Ito naman si astrid minsan akala mo May experience na pero wala pang nagiging boyfriend si Astrid dahil sa pagka gusto niya kay Axzel.
" Yeah , tama kayong dalawa . Hindi ko dapat siya kinukunsinti pero hindi ko rin dapat pairalin ang galit ko. Kailangan lang namin mag-usap ng maayos at mahinahon dahil walang patutunguhan kung patataasin ko ang pride ko " sabi ko Sakanila at sa sarili ko.
Hindi ko alam ang rason si Eron bakit hindi niya inamin sa akin una palang kung ano ang nakaraan nila ni Mikaella. It has two reasons, una siguro dahil nasasaktan pa rin siya kaya ayaw niyang pinag uusapan. Pangalawa naman wala na siyang pakealam o hindi na mahalaga kaya hindi na niya sinabi sa akin. Pero at least dapat sinabi pa rin niya.
Because sometimes the truth hurts but in the end it make us free and happy. And the lies can make us happy but in the end it will kill us slowly.
Kaya ako mas pipiliin ko nalang masaktan sa katotohanan kaysa naman , maging masaya sa kasinungalingan. Dahil walang sikreto ang hindi nabubunyag at iyon ang pinaka masakit sa lahat. Na lahat ng akala mo , ay hindi pala totoo.
Matapos ang buong klase weekend na bukas , wala naman na masyadong gagawin next month pa naman ang finals namin. Pag labas ko ng classroom ay nakita ko kaagad ang mukha ni Eron, he's smiling at me. Pero kung normal na araw ito ay tumakbo na ako papalapit sakaniya at niyakap siya. Pero hindi. Maraming katanungan sa isip ko na kailangan ng sagot.
" What's with that face love? " Malambing na tanong niya s akin.
Shit , nagiging marupok ako. Pero hindi puwede I need to focus.
" Puwede ba tayo mag-usap? " Seryoso kong sabi.
" Wait? I'm nervous. I think that You're gonna fight me. Shit " frustrated niyang sabi , siguro ay curious na rin siya dahil ang cold ko.
Magtiis ka Eron, ikaw naman May kagagawan neto e. I looked at him habang nagmamaneho siya. Kung normal na araw ito ay kanina ko pa siya nilambing at pinanggigilan. Hindi rin ako sanay na ganito kami pero tama ang mga kaibigan ko , kailangan naming mag usap kaysa naman hindi ko siya pansinin na lalong magpapalala ng sitwasyon.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa usual spot kung saan kami palagi nagpapalipas ng oras at nagkukuwentuhan tungkol sa nangyari sa araw namin.
" Hey , why are you mad at me? Why are my baby is so cold to me? Did I do something that makes you mad love?Hmm? " Paulit ulit niyang tanong. Kaunti nalang bibigay na ako dahil sa lambing ng boses niya. Parang bata si eron. He looks like a cute little kid who's clinging to his mother.
" Eron I want you to tell me the truth" seryoso kong sabi , dahil baka kung patatagalin ko pa makipagbati nalang ako at kalimutan ang mga nangyari pero hindi dapat dahil alam ko na hindi ako patatahimikin ng mga tanong ko.
" What is it love? " Agap niya.
" Anong mayroon sainyo ni Mikaella Alvarez? " Seryoso kong tanong.
Naging seryoso naman ang mukha niya ng marinig ang pangalan ng babae. What's with that reaction?
" Mikaella is my ex girlfriend" maikli niyang sagot habang nakatingin sa akin.
" E bakit ang sabi mo sa akin noong una magkaibigan kayo? " Tanong ko pa na parang nahaluan ng pagkairita.
" Because she is , I moved on and she's nothing to me now. I considered her as my friend just a friend not even a close friend. And I don't want you to think something that will ruin us , I love you, My love. Ikaw lang " sabi niya pa. Napangiti naman ako.
" Chee! Kahit na noh dapat sinabi mo pa rin sa akin parang mas lalong lumabas lang na may gusto ka pa sakanya kasi hindi mo kayang sabihin sa akin" parang batang pagmamaktol ko pa.
" I'm sorry love , I know I'm wrong I'm so sorry. Asked me and I will answer truthfully" he said. Naniniwala naman ako sakanya .
" Mahal mo pa? Okay lang naman puwede naman na ipagpatuloy niyo ang naudlot niyong pagmama—" hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil......
Shit!
What the hell!
He kissed me.
My first kiss......
Nakatulala lang ako. I heard his chuckles.
" Ang daldal mo kasi " sabi niya pa. Ako naman ay tigagal pa rin.
Grabe ano yon?
His lips on my lips?
Puwedeng isa pa? Take two? Ehe
—
THANK YOU FOR READING 💙
( Nasaksihan niyo tuloy kaharutan ni Mara)
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWill you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar a...
