CHAPTER 7

59 58 17
                                    


Chapter 7


" NO , SHE'S NOT "


" Who the hell are you? " Tanong ni Jake pero ako tulala pa rin. Kahit sila Zoey and Astrid.


" Primo? " Kahit ako ay nanginginig akong sabihin ang pangalan niya. It's been a years since I last saw him , and I can say na nag matured siya , mas pumogi , he's not a boy anymore, he's indeed a man. I miss him. I really miss him.



" Oh God I thought you forgot my name babe " sabi ni primo.



" Excuse us , marami pa kaming dapat pag usapan ni Gayle , if you don't mind. Zoey , Astrid hiramin ko muna ah " paalam ni Primo sa dalawa.


" Sure sure primo ,kahit wag mo na ibalik " sabi pa ni Zoey na sinamaan ko ng tingin.


Hinila na ni Primo ang kamay ko hindi na ako nagreklamo , sumabay nalang ako sa bawat takbo na ginagawa namin. Para tuloy kaming nagtanan, napangiti nalang ako sa sariling naisip.


Naalala ko tuloy dati.


-


" Gayle naman ang liit ng biyas mo bilisan mo naman " reklamo sa akin ni Primo.


" Wow , sorry ha eto nalang kasi ako e " pagdadrama ko pa na tinawanan lang niya kaya natawa na rin ako.


" Gayle bilis ayan na yung ulan oh , gusto mo ba magkasakit ka? Sakitin mo pa naman payat payat mo kasi di ka kumakain ng gulay " panenermon pa niya.

" Edi sorry kuya! " Sigaw ko sakanya.

" Kuya ka diyan! " Huminto siya sa pagtakbo at hinawakan ang kamay ko sabay kaming tumakbo hanggang sa abutan na kaming dalawa ng ulan pero nagulat ako ng huminto siya sa pagtakbo dahilan para mauntog ako sa likod niya. Naabutan na kami ng ulan , hindi kami sumilong , naligo lang kami ng ulan , tawa kami ng tawa. Naghahabulan pa kami.

" Mamimiss kita Gayle , hinatayin mo ko ha , gusto kita Gayle " hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng ulan.


" Ano?! Hindi kita marinig Primo! " Sigaw ko sakanya. Pero ngumiti lang siya at umiling. Kaya ngumiti nalang din ako saka nagpatuloy kami sa paghahabulan.

Habang tinitignan ko si primo habang nagtatawanan kami , naiisip ko na hindi ba puwedeng dito nalang siya? Parang hindi ko yata kaya pag nawala siya , mangungulila ako. Pero hindi ganoon ang buhay. People come and go and you need to used to it. Kaya ang puwede mo nalang gawin pahalagahan at icherish ang memories mo with the person you love. Puwede mo nalang gawin , mahalin siya sa malayo habang parehong nagpapatuloy ang buhay niyo. Hindi hihinto ang pag ikot ng mundo para sa pagmamahalan ninyo.

I love you primo. Bakit kung kailan na mahal na mahal kita saka ka mawawala..

-


" How's life gayle? " Tanong niya nang makaupo kami sa isang bench at iniabot niya sa akin ang icecream. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang favorite flavor ko sa icecream , strawberry.


" Ayos naman , ikaw kailan ka pa dito? Dito ka na ulit? " Tanong ko sakanya. Nabakasan ko sa sarili kong boses ang excitement sa pag iisip na baka dito na ulit si Primo.


" Hindi , umuwi lang Kami ni dad kasi May inasikaso siya at ikaw kaagad ang una kong pinuntahan dahil ikaw lang naman ang pupuntahan ko " sabi niya pa sa akin. Bakit parang may iba akong naramdaman? Bakit parang umaasa na naman ako? Hindi dapat diba? Kasi walang kasiguraduhan ang sa amin ni Primo. Hindi kami bagay diba?


UNREQUITED AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon