Chapter 9
" Anak nandiyan na si Eron sa labas , bilisan mo na " sabi ni mama sa akin.
" Opo ma eto na po " sigaw ko.
It's been two weeks at masasabi ko mas lalo kaming naging close ni Eron. Mas lalo ko siyang nakilala , mayroon na nga kaming favorite spot sa school e doon sa kung saan din kami huling nagkita ni Primo. At para sa akin? Feeling ko ibang Eron na ang kasama ko , Oo minsan malamig siya makitungo pero makikita mo na May care siya , kahit na cold hearted siya , madalas na siyang tumawa , na ikinatuwa ko rin. Although malala talaga mood swings niya , nakakatakot kasi siya magalit. Tingin palang niya talaga naman.
" Let's go? " Tanong niya at ngumiti ito kay Timothy.
" Tara , Ma alis na po kami ni Timothy ha , ingat ka diyan " paalam ko kay mama.
" Kuya Eron! " Excited na sigaw ni Tim habang tumatakbo siya papalapit kay Eron.
" What's up buddy " sabi ni eron saka nakipag fist bump sa kapatid ko. Nakangiti ko silang pinagmamasdan at ganoon din pala si mama sakanila.
" Kuya , thank you po sa laruan na binigay niyo at sa book po " sabi ni Tim at humagikgik pa ng kiniliti siya ni eron saka ibinaba sa backseat ng kotse niya. Oo 2weeks na ang nakakalipas at hatid sundo na ako ni Eron. Nung tinanong ko siya kung bakit sabi niya to make sure daw na safe ako at we're on the same school naman daw , dahil mabagal daw ako maglakad , grabeng ugali diba . At oo nga pala wala na si Jake sa school. Iyon siguro ang sinasabi ni Eron non na siya na ang bahala , we'll hindi na ako nagtataka dahil isa ang mga Dela Vega sa May ari ng school na toh kaya madali nalang para sakanya iyon. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Eron.
" Bye ate , bye kuya salamat sa paghatid " pagpapaalam ni Timothy. Nagpaalam na rin kami sakanya.
" Here " sabi ko. Saka iniabot ang isang lunch box sakanya. Pinadala kasi iyon ni mama.
" What's that? " Tanong niya habang sa kalsada pa rin nakatingin.
" Pagkain , niluto ni mama " sabi ko. Napangiti naman siya.
" Say thanks to tita Tanya for me " sabi niya. " Oh by the way ate Cynthia said the she will come home before your pageant " sabi pa niya. Hala na miss ko si ate Cynthia. Inaasar asar pa ko ni eron na naiirita daw siyang makita ang pagmumukha ko sa gate ng school malaki raw kasi yung tarpaulin ko doon.
"Bye see you later " sabi ni Eron saka ibinigay na sa akin ang bag ko.
Nakita ko naman sila Zoey na inaabangan ako at nakangisi ang dalawa at ayun nga noong makalapit ako ay....
" Ano yon ha? Alam mo may napapansin na ko sainyo " sabi ni Astrid.
" Ano naman? " Tanong ko at inayos ang bag ko.
" Sus maang- maangan , ano nang meron sainyo nung Dela Vega na yon huh? " Tanong pa ni Zoey.
" Wala nga, friends lang kami noh , kayong dalawa ang iissue niyo talaga " sabi ko pa Sakanila at nauna na maglakad.
" Nako Mara , siguraduhin mo lang bestfriend mo kami at walang sikretong hindi nabubunyag " sabi pa nila sa akin.
" Oh talaga ba Astrid? Sige nga e sino yung lalaking kasama mo nung nakaraan huh? Sa concert " pagtatanong ko pa , agad namang nag iwas ng tingin si Astrid saka kunwari ay naging busy.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...