CHAPTER 11

43 53 1
                                    

               

                    Chapter 11

It feels like I'm in a cloud 9. Super saya ko , ngayon nalang ulit ako nakaranas ng ganito kasaya.


" Huy Mara , you're like a crazy girl who's got out in a mental hospital, parang ngayon ka lang nakatanggap ng bulaklak ah" si Zoey na palaging panira ng trip.


" Kaya nga , kanino ba galing yan? " Tanong naman ni Astrid kaya lalo ako ngumiti.


" Sa manliligaw ko " sabi ko.


" Woah , that suitor of yours is so special huh , na Flex e " sabi pa ni Zoey kaya inirapan ko diyan.


" Alam mo Zoey sabi ko sayo wag ka kakain ng ampalaya e " sabi ko kaya natawa si Astrid.


" So who's that unlucky guy? " Tanong ni Astrid.


" Wow ha , kaibigan ko ba talaga kayo? "  Kung maka unlucky naman kasi tong si Astrid akala mo ay hindi kami magkaibigan.


" Si Eron " nakangiti kong sabi saka inamoy amoy ang bulaklak.

"Ano?! Si eron?! " Sabay nilang sabi at nagtinginan pa nga.


" Paulit ulit naman kayo , kailangan pa sabay kayo? Oo nga kay Eron, umamin siya sakin kahapon and sabi niya liligawan daw niya ko " pagkukuwento ko pa Sakanila.


" Nako sagutin mo na yan , baka mauntog pa yan magbago pa isip " sabi ni Zoey.


" Gayuma reveal haha , ay ritwal reveal din pala " si Astrid.


"Pinagsasasabi niyo? Di ko na kailangan gumamit ng gayuma ganda ko kaya , you know nasakin na lahat aayaw ka pa? " Ewan ko talaga san ko nakukuha kakapalan ng mukha ko.

Natahimik na ang dalawa ng dumating si prof. Wala masyadong itinuro dahil nga malapit na ang foundation day kaya early dismissal kasi nga kailangan na mag meeting meeting ng mga org para sa mga gaganapin na event sa school ako naman ay ipinatawag ni dean.


" How are you Amara? " Panimula ni dean nakangiti ito palagi sa akin.


" Okay na okay naman po dean , ah May kailangan po ba kayo? " Tanong ko kasi hindi naman ako ipapatawag ni dean kung wala lang e.


" Oh right , it's all about to our upcoming foundation day, do you have a plan to join Ms. university again? " Tanong ni dean. I smiled at her.

" Yes po , Zoey want me to join nahihirapan po kasi siya maghanap ng sasali kaya I volunteered na po " sabi ko.

" You're a great friend Mara , maaasahan ka palagi ni Zoey " sabi ni dean.


" Siya rin naman po , she's always there when I need her " sabi ko.

" And one thing pala anak , marami na ang nakakapansin about sa closeness ninyo ni Mr. Dela Vega , and I'm happy that he change into a bubbly guy , tuwing pinapatawag ko siya rito ay nakangiti na siya , nanibago ako dahil kadalasan ay nakasimangot siya , you did a good job Ms. Serrano , that's all have a nice day " sabi ni dean sa akin na mas lalo kong ikinatuwa.


" Thank you po " sabi ko bago lumabas office ni dean. Masaya akong bumalik sa block kung saan kami.


" Zoey , yung bag ko? " Tanong ko kay Zoey na palabas na ng room at mukhang nagmamadali.


" I don't know sissy , kakadating ko lang din pinatawag ako and May meeting pa kami goodbye mwua , see you tomorrow " sabi ni Zoey saka nakipag beso sa akin at nagmamadaling umalis papunta sa org niya.

UNREQUITED AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon