CHAPTER 22

21 20 0
                                        

  
                    Chapter 22




Tatlong araw ang nakakalipas at nakapag desisyon na ako.



To: Cyden Dela Vega

Let's talk.



I texted him. Gusto ko rin muna malaman ang side niya. Tama si Primo. Naaalala ko ang sinabi niya sa akin noong gabing iyon. He made me realize everything. Na walang mangyayari kung pride ang paiiralin. Na wala kaming mapapatunguhan kung walang pagkakaintindihan.



" Anak , Alam kong may problema ka. Tungkol ba sainyo ni Eron? " Biglaang tanong ni mama , nandito kasi ako sa duyan sa labas ng bahay, lumalanghap ng masarap na hangin. Mamayang gabi ko pa kikitain si Eron.



" Ma , Bakit tayo iniwan ni papa? Bakit nagloloko pa sila kung minamahal naman sila ng tama? " tanong ko kay mama. Isinandal naman ni mama ang ulo ko sa balikat niya pareho na kaming nakaupo sa duyan.



" Alam mo ba anak , mahal na mahal namin ng papa mo ang isa't-isa na halos hindi ko na maisip na magloloko siya , kasi halos perpekto na . Pero ang relasyon namin ng papa mo it's too good to be true ika nga nila , Minsan kasi Anak Kahit ibigay mo pa lahat , hindi yan sasapat sa taong wala saiyo ang hanap. Kahit ibigay mo lahat Sakanila kung wala saiyo ang hinahanap nila , wala rin. Mahalin mo ng Mahalin pero wag sobra , Dahil masama ang sobra".  Her word of wisdom is like a music to my ears. Hindi ko alam kung bakit sila naghiwalay ni papa. Pero based sa kuwento ni mama , mahal na mahal siya ni papa.



Dumating na ang oras ng pagkikita namin ni Eron. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.



From: Cyden Dela Vega

I'm here love , waiting for you.



Text niya.



Hindi siya pumalya sa pagchachat sa akin , I love him so much to the point na paniniwalaan ko pa rin lahat ng kaya niyang sabihin. May tiwala ako kay Eron. Naglakad na ako hanggang sa sakayan ng tricycle para makarating sa lugar kung saan kami magkikita.



" Manong bayad po salamat po. " Sambit ko kay kuyang driver. Pagkababa sa tricycle ay naaninag ko kaagad ang bulto ni Eron , Nakatalikod siya sa gawi ko kaya siguro ay hindi napansin ang pagdating ko.



lumapit  ako at tumabi sakanya habang nakatayo.



" Love? " bungad niya. Mukhang miserable ang mukha ni Eron, May eyebags na rin siya pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan na mayroon siya. Bakit ganoon? Parang bumagay pa sakanya ang eyebags. Grabe ha , eyebag nalng talaga mahihiya.



" Kamusta? " iyon lang ang salitang namutawi sa akin.



" Damn , I really Missed you so  fucking much bella " sabi niya habang direktang nakatingin sa akin ang mapupungay niyang mga mata.



Ako rin Eron. Miss na Miss na rin kita.



" Care to explain? I'm all ears " Malamig kong sabi. Kahit ang totoo ay gustong gusto ko na siyang yakapin at pugpugin ng halik.



" I want to say sorry first for not telling you the truth and for hurting you. Mikaella's Grandma is dying " sabi niya na ikinagulat ko.



" When I was in states , when my parents is not around Lola Lucy is always taking care of me. She always played with me , she love me like her own grandchild, that's Why When Mikaella told me about lola Lucy's condition, pinuntahan ko kaagad. And Lola Lucy have only one request from me " sabi niya. 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNREQUITED AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon