CHAPTER 3

67 67 2
                                    


                       Chapter 3




" Nako anak pumasok ka na sa loob ako na ang bahala rito sige na " pagtutulak pa sa akin ni mama na pumasok sa loob pero matigas ang ulo ko kaya hindi ko sinunod tinutulungan ko siyang tapusin ang mga labada niya dahil tumanggap pa rin si mama ng mga labada , Ewan ko ba palagi ko namang sinasabi kay mama na huwag na siyang kumuha ng ganito katambak na labada o mas maigi kung wag na talaga siyang tumanggap ng labada.

"Hindi na ma , tutulungan kita patapos na rin naman sabay na tayo magpahinga pag tapos nito" sabi ko kay mama. Napangiti na lamang siya ginantihan ko nalang ng maliit na ngiti.

" Salamat anak ha , pasensya na kung matigas ang ulo ng mama ayaw ko lang kasi na nakatunganga lang ako " sabi ni mama. Agad akong tumingin sakanya habang nagpupuno ng tubig sa planggana.

"Ma naman , tingnan niyo nga Sarili ninyo muka na kayong napapabayaan ang putla putla na ninyo at ang payat payat para na kayong patpat, Hindi naman tayo kinakapos ma Diba?" Sabi ko kay mama dahil muka si mama na may sakit. Sobrang putla malalaki ang eyebags.

"Gusto ko lang rin gawin ang responsibilidad ko bilang Ina ninyo ni Timothy " sabi ni mama. Habang nagsasampay.

"Nagagawa mo naman ma , sapat na sa amin yung naaasikaso mo kami at minahal kaysa naman magkasakit ka yun ang di namin kakayanin, asan na yung nanay na maganda na pinagmanahan ko?" Sabi ko kay mama napanguso naman ito na siguro ay naintindihan na ang pinupunto ko.

" Hayaan mo anak huli na ito , Hindi na muna ako kukuha ng labada ng Isang  linggo, sa susunod ay konti nalang iyong kukunin ko wag ka nang mag-alala at kung ano ano pa ang naiisip mo diyan" mama assured me. Yun lang ang kailangan ko. Gusto pa akong patigilin ni mama sa pagtulong dahil nakikita niya na nagsusugat na ang kamay ko pero wala akong pakealam , gusto kong tulungan si mama nagawa ko naman na iyong sa pag-aaral ko kaya yung obligasyon ko muna bilang anak ang gagawin ko ngayon .

" Siya nga pala ma next month pala , may pageant doon sa kabilang baranggay kasi fiesta don baka po sumali ako , dagdag din yun pang budget diba " sabi ko kay mama. Pinakatitigan naman ako ni mama.

"Alam mo anak gusto mo ba talaga iyang ginagawa mo o ginugusto mo lang dahil sa amin ng kapatid mo?" Alanganin na Tanong ni mama.

" Ma naman , siyempre pareho , gusto ko ang pagpageant dahil tumataas confidence level ko saka dati pa naman ma gusto ko na maging model, kaya ngayon may opportunity madami pang benefit Diba , nagagawa ko yung gusto ko at nakakatulong pa ako sainyo" sabi ko na ikinangiti ni mama. "Oh wag kayong iiyak na naman ma ha , bawal umiyak papanget" sabi ko kaya bahagyang natawa si mama kaya umurong ang luha.

Minsan sa buhay kailangan mong maging matatag at positibo dahil may mga taong nakakapit sa iyo , may mga taong umaasa sa iyo  minsan kung maramdaman mo man yung pagod , piliin mong magpahinga sakanila palagi. Dahil sila ang tahanan mo, in life there's always a choice, kung lalaban ka ba o susuko ka nalang , ako kasi ngayon buo Ang loob ko na lumaban para sa pamilya ko , para kay mama kay Timothy at sa future naming tatlo, there's a lot of challenges and hindrances, kung magpapatalo ka sa pagsubok walang mangyayari.

It's already 8:00 pm ng matapos kami ni mama sa lahat lahat at ngayon ay oras na ng tulog, may sarili Akong kuwarto Hindi ganoon kalaki pero Hindi rin ganoon kaliit  sakto lang sa akin , magkasama si Timothy at mama sa Isang kuwarto mas malawak iyon. Ito'ng Bahay na tinitirhan namin ay sa aking Lolo at Lola ang mga magulang ni mama , pinaghatian na kasi ang mga lupa at ito'ng maliit na lupa lang ang ibinigay ng mga kapatid ni mama sakanya. Tita Sandra iyong masungit na Kapatid ni mama palaging mainit ang ulo na akala mo ay araw araw may dalaw palagi pang magkasalubong ang maninipis na kilay. Pangalawa si mama sa magkakapatid ang bunso at si tito Randy , mabait naman si tito pero ang mga anak na babae ay ubod ng sama ng ugali mana sa nanay, ayaw nila sa amin , at wala naman kaming balak ipilit ang sarili namin sakanila para sa peace of mind nila at lalo ng peace of mind namin.

TATLONG PLASTIC

> Zoey Olivia Trinidad :

Sissy guess what!

Nakita kong nagchat si zoey sa gc naming tatlo ,siya din ang may gawa ng group chat na yan.

Jaeya Astrid Rivera :

Grabe na balita ngayon ha nakarating na sa bahay niyo haha.

Natawa ako sa reply ni astrid, totoo naman nasa bahay na yan siya nila may nasasagap pa rin iba talaga pag living butterfly .

Me:

Ano na naman nasagap mo?

Reply ko agad siyang nag type , grabe kating kati na talaga siyang Ichika sa amin.

Zoey:

Yung anak ng delavega iyong si cyden , he took business management.

Yun na yon? Expected ko na iyon kaya hindi na ako nagulat. Medicine kasi ang kinuha ko , delavega has a hospital , kaya rin nila ako kinuha bilang scholar, dahil kailangan nila ng doctor sa hospital nila. Bata palang ako ay iyon na ang gusto ko.

Jaeya Astrid:
Ano pang ieexpect mo , they have a lot of businesses nagiisang anak na lalaki edi siya ang mag mamanage ng kompanya nila his sister is a model.

Sabi pa ni astrid , tama siya wala sa plano ni ate Cynthia ang magpatakbo ng kompanya kaya sino pa nga ba ang aasahan na magpatakbo ng negosyo kung hindi siya.

Zoey:

By the way mara , diba next month na yung pageant mo? E diba next month na rin yung Intrams/ foundation day?

Oo nga noh , pagsasabayin na pala yung Intrams saka foundation day sunod sunod na Kasi yung event sa university since katatapos lang ng exam kaya wala masyadong ginagawa, tourism kasi kinuha ni zoey , si Astrid naman course about arts, nagkaroon kami noon ng project dahil kailangan namin ng partner in different courses madali lang naman dahil may kaibigan ako at iba iba ang courses namin. Minsan magkakaklase kami sa Isang subject.

Jaeya Astrid:

Btw mara , you know Jake? One of my mates , he asked your socials ibibigay ko ba?

Nagulat ako sa chat ni astrid. Jake? As in Jake Ian Lastimosa? Famous sa school yon sino ba naman Hindi nakakakilala don.

Me:

Wag mo ibigay busy ako baka Hindi ko rin siya mareplyan kung sakaling mag message siya :)

Sabi ko. Nag react silang dalawa ng 'haha' sa reply ko.

Zoey:

Kaya wala kang love life e , you know what , you need to try , kahit fling lang or M.u ganon para naman magkakukay yang Buhay mo.

Natawa ako sa reply ni zoey.

Me:

No need zoey , ayaw kong maging kagaya mo paiba-iba ng lalaki pass , family first and study first.

Zoey:

Sus lagi ko naririnig yan , huling nagsabi niyan kakapanganak lang haha.

Sira ulo talaga ,  walang katuturan na ang reply ni zoey sa gc nag out narin ako at tumingin sa Instagram ko , Marami akong followers and likers siguro dahil na rin sa pag Sali Sali ko sa mga contest pero siyempre kung may humahanga may mga naninira rin , Marami sila pero Hindi na para pagtuonan ko pa ng pansin masstress lang ako nakakabawas lang iyon ng ganda. At para hindi mabawasan ang Ganda kailangan ko nang matulog. Kayo rin matulog na kayo wag na kayong magpuyat sa taong Hindi kayo gusto, Wala kayong label kaya wag kang mag demand dahil wala kang karapatan.


Daily reminder: Wala kang karapatan.







THANK YOU FOR READING 💙

UNREQUITED AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon