Chapter 18
Walang salita ang makakapagdescribe ng saya na nararamdaman ko ngayon. Para akong nasa ulap , ngayon ko masasabi na I am genuinely happy. Alam ninyo kung bakit?
Dahil nakikita kong masaya ang pamilya ko.
Nakatitig ako ngayon kay Timothy habang masaya siyang nakikipaglaro. Tumatakbo ito sa buhanginan. Di mama naman ay masayang nagluluto ng pagkain , kasama si tita Camila. Nagtatawanan pa ang dalawa.
“ Hey my love , are you okay? ” Si Eron na nasa likod ko na pala , niyakap niya ako patalikod. I'm so lucky to have this kind of man in my life.
“ Oo naman , masayang masaya lang ako , thank pala kasi isinama ninyo kami sa bonding ng pamilya ninyo ” sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya na nakayakap sa beywang ko.
“ Our family , my family is yours and Your family is mine” sabi niya pa saka hinalikan ako sa pisngi. Napaka pilyo.
“ ikaw talaga kotang kota ka na ha " sabi ko sakanya kaya tumawa naman siya. Maya maya ay lumapit sa amin si tito Philip.
“ Hi hija , can I borrow my son? I need to talk to him just a minute ” paalam ni tito. Hala naman si tito.
" Naku tito naman , hiramin niyo lang po all you want kahit wag niyo na oo ibalik " natatawa kong sabi , na sinamaan naman ng tingin ni eron kaya mas lalong natawa si tito Philip.
“ Ganiyan na Ganiyan rin kami ng mommy ni Eron noong kabataan namin , your tita Camila court me ” pabulong na sabi pa ni tito Philip.
“ Come again Philip? " Si tita Camila na nasa likod na pala ni tito Philip hindi ko rin napansin.
“ Wala honey , Excuse us ” palusot pa ni tito Philip saka hinila si Eron paalis . Ang kulit, they're a cute couple. Sana balang araw ganoon rin kami ni eron. Alam ko na masyado pa kaming bata. Pero kasama na si eron sa plano ko sa future. Hindi man siya ang una kong minahal , gusto ko siya ang huli.
Inaya na ako ni tita Camila kung nasaan si mama para makipag kuwentuhan.
“ Thank you so much mara , alam ko na ikaw ang dahilan kung bakit lumambot na ulit ang puso ni Cyden ” sabi ni tita Camila. At saka ako niyakap. Sobrang bait at down to earth talaga nila . Si mama naman na nag iihaw ng barbecue and nakangiti habang nakatingin sa amin.
“ Naku tita , isa lang po ako sa rason and it's his choice naman po ” sabi ko pa , totoo naman e.
We can't change a person. But we can be a reason for them to change. Kasi ang pagbabago ay choice nila. Pero puwede tayong maging rason kung bakit sila magbabago , in a positive or negative way. Nagpaalam muna kami ni tita Camila kay mama dahil babanlawan na muna ni mama si Timothy at punong puno na ng buhangin at dahil mamaya ay kakain na kami.
Hinila ako ni tita Camila sa tabi ng dalampasigan. Nakatayo kami habang hinahampas ang alon sa aming mga Paa. Sobrang peaceful dito. Mamaya ay susunod rin dito si Zoey at Astrid , sinabihan kasi ako ni eron na imbitahan ang dalawa dahil todo parinig ang mga loka-loka na yung sa Facebook akala mo ay hindi mga palaging nasa dagat kahit na anytime kayang kaya nilang mag dagat.
“ Mara , seriously I just want to thank you personally, for loving and caring my son noong mga panahon na wala kami. And also we're so very grateful na ikaw ang naging girlfriend ni Cyden dahil alam namin kung gaano kabuti ang puso mo at kung gaano mo kamahal ang pamilya niya , iyon ang gusto namin para kay Cyden and luckily mukang iyon din ang gusto ni Cyden , I know that now you know his past. Sobrang sakit sa akin bilang ina na makita ang anak ko na durog na durog , he even didn't want to eat nor go outside since he and Mikaella broke up ”, malungkot na kuwento ni tita. Masakit talaga iyon para sa isang magulang lalo na kung nakita mo kung gaano magmahal ang anak mo na halos lahat lahat ay ibigay niya kahit pa walang matira sakanya.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...