Chapter 21Tinotoo nga ni Primo ang sinabi niya sa akin na hindi na siya aalis. Dito na rin siya mag- aaral since last year na rin niya sa College , He took business course siyempre wala naman ibang namamalakad ng kompanya niya kundi siya. Pero sabi nila May kapatid raw na babae si Primo pero hindi ko pa iyon nakikilala sa sa states iyon ipinanganak at kahit kailan hindi pa nagawi rito.
Naglalakad ako papunta sa room namin ng biglang tumunog ang phone ko hudyat na mag nag text.
From: My Lovey💙
Hi love , Goodmorning. Breakfast ka na ha . I love you , I miss you.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Ang pait ng nararamdaman ko. Hindi ba niya alam na alam ko na ang dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Bakit ayaw niya nalang makipag hiwalay? Bakit pinapatagal niya pa? Para ano? Para pag iniwan siya ni Mikaella mayroon pa siyang ako? Ano ako panakip butas? Na kapag bumalik yung nauna tanggal na ako? Hindi ko na siya maintindihan kasi ayaw niyang magpaintindi. Hindi ko kailangan ng pagmamahal kung hindi naman totoo.
“ Hi , to our beloved bestfriend ” Bungad sa akin ni Zoey. Tuwang tuwa ito hindi kasi kami nagkita kahapon dahil may inasikaso siya. Nagkatinginan kami ni Astrid at tipid akong ngumiti , Alam ko na alam niya ang rason kung bakit ako ganito.
“ Anong mukha yan Mara? May hindi ba ako alam? Is there something that you want to tell me huh? Isang araw lang akong wala pero bakit parang ang daming ganap? ” Naguguluhan na tanong ni Zoey. Magsasalita pa lamang ako ng magsalita si Astrid.
“ Cyden , ghost her . I mean yeah he text her and update her , but only once in a whole damn day ” bakas sa boses ni Astrid ang pagkainis.
“ What the hell?! Is he freaking insane? Where did he get the audacity to do that? Nakikita ko naman siya dito sa school ah ” galit na sabi ni Zoey.
“ Oo Zo, Tayo nakikita natin siya pero hindi siya nagpapakita kay Mara ” si Astrid na ang sumasagot para sa akin. Hindi ko alam kung sasabihin ko Sakanila kung ano yung nakita ko kagabi.
“ The hell! Ang kapal ng mukha niya , Ano Mara nagusap na ba kayo? ” tanong ni Zoey.
Malapit na mag 30minutes , And kapag hindi dumating ang prof namin dismiss na kami , siguro doon ko nalang sasabihin sa kanila lahat sa garden , ayaw ko rin ng naglilihim ako Sakanila.
“ Wala raw si Prof , let's go alam ko na may dapat lang i-kuwento Mara ” sabi pa ni Zoey saka ako hinila papunta ng garden , Palagi naman kami nandito sa tuwing may pinag-uusapan kami na masinsinan.
“ Zoey , Astrid. May sasabihin ako pero wag kayong magalit kaagad kasi hinahanap ko pa rin yung explanation ” sabi ko.
“ Sure bae , Just Tell us ” Lumambot ang expression ni Zoey.
Tumingin ako kay Astrid pero nag-iwas ito nang tingin dahil naluluha ito , Maybe nasasaktan siya para sa akin. Alam ko na mag alam si Astrid dahil alam ko kung ano ang mayroon sakanila ni Calister.
“ Cali talked to me yesterday ” Panimula ko.
“ Cali? You mean , Calister? ” Tanong ni Zoey. Tumango-tango naman ako at sinenyasan niya ako na ipagpatuloy ang ikinu-kuwento.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Novela JuvenilWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...