Chapter 12
Today is our foundation day , hindi na ako nag prepare for tonight's competition. Just a simple gown and prepared naman na since mayroon naman ako.
" Mara , ready ka na ba mamaya? " Tanong ni Zoey, na mukha nang stress dahil sa kaka organize ngayong foundation day.
"Calm down Zoey , you did great ang ayos ayos lahat dito magpahinga ka na para mamaya fresh ka " sabi ko sakanya , dahil halos hindi na mapakali si Zoey. Wala si Astrid dahil nag asikaso na rin ito para sa mga anggulo mamaya. Sumunod naman si Zoey sa sinabi ko nagpaalam na ito at pumunta na org nila para magpaalam na uuwi muna siya.
Nagulat naman ako nang may nagtakip ng mata ko. Hindi na dapat hulaan dahil amoy palang niya alam ko na , his manly perfume and his natural smell , alam ko na kaagad kung sino siya.
" Eron" sambit ko , narinig ko pa siyang napatawa , ang babaw talaga ng kaligayahan nito.
" You know me well huh " panunuya pa niya kaya tumawa naman ako.
" Napaka kapal talaga ng mukha mo " sabi ko saka tinampal siya.
Napapansin ko rin na palagi kong hinahanap si Eron kapag wala siya , I feel safe and secure when I'm with him. He can make me happy by only being here for me.
" Eron? " Sambit ko.
" Hmm? " Sabi niya.
" Meet me after the contest tonight, I just want to tell you something " nakangiti kong sabi.
" Sure, ihahatid rin naman kita sainyo " sabi niya pa at ginulo ang buhok ko.
He's a man that any woman could wish for. Bakit kaya nagawa siyang iwan at lokohin ng ex niya. Hindi ba siya nanghinayang kay eron? Eron is a sweet man. At siguro noong una kaya masungit siya kasi ayun yung ginamit niyang defense mechanism para hindi siya kaagad mahulog. He's a cold but he's so soft.
" Amara , ikaw na " sabi ni abby yung isa sa mga nag organize for pageant.
" Eron una na muna ako , kitakits" sabi ko kay Eron. Nagpaalam na rin siya at pumunta na sa mga kaibigan niya , yeah he has friends here. Sila Calister and Kaizer. Nagulat rin ako dahil kaka transfer lang ni eron dito pero May kaibigan na siya at kay Zoey ko lang rin nalaman dahil sa pagiging chismosa niya , I mean social butterfly niya. Calister , Kaizer and Eron they're friends since pre-school yata. Magkakaibigan ang mga magulang nila. Sa ibang bansa lang talaga nag aral si eron.
" Mara wag mo masyado galingan ha " sabi ni Clarisse isa sa mga pinaka maganda rito sa University.
" Kaya nga Mara , Consistent Ms. University ka , wala talagang makakatalo tayo literal na beauty and brain " papuri pa ni Aliyah.
" Magaganda at matatalino rin naman kayo " sabi ko sakanya saka ngumiti. I mean it. They're beautiful and smart.
" You're the unbothered queen talaga " sabi pa ni Clarisse.
" Huy bothered pa rin , pero siguro nasanay nalang rin ako kasi diba isa din sa mga racket ko ang pagpapageant " sabi ko pa habang nilalagyan ako ng make up ng make up artist.
" You're unbelievable Mara, kaya mong pagsamahin ang studies , work and being a good daughter and ate " si Aliyah.
" Hindi ko rin alam , pero siguro ganon talaga kapag motivated ka and May goal ka " sagot ko nalang.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...