Chapter 4
Narito ako ngayon sa mansiyon ng mga Dela Vega , Pinatawag kasi nila ko kahapon at gusto nilang makipag kita ngayon , kinabahan naman ako bigla , what if hindi na satisfied yung anak nila sa pag tour ko kahapon? At paano kung nagsumbong yun na late ako ? Hindi ko kayang mawala ang scholarship ko.
" Ma'am Mara , nasa sala po si madam at sir" Si ate Maria.
" Naku ate Maria , Mara nalang po masyado naman kayong pormal di niyo naman po ako amo " natatawa kong sabi.
" Ikaw talagang bata ka , sige na mara hinihintay ka na nila sir " sabi ni ate Maria at nagpaalam na dahil tutungo na siya sa kusina.
Ako naman ay naglakad na papunta sa sala kung saan naroon ang sadiya ko. Kinakabahan pero di dapat magpahalata.
" Good morning po ma'am, sir " pagbati ko at saka yumuko Sakanila bilang pag galang.
" Please have a sit anak ," sabi ni ma'am Camila.
" May gusto lang sana kaming sabihin sayo " sabi naman ni sir Philip.
Shit , ito na ba yun? Matatanggalan na ba ako ng scholarship?
" Ah ma'am, sir , sorry po kung hindi ko po nagampanan ng maayos yung trabaho ko po kahapon , nagka emergency lang po kasi talaga pasensya na po , wag niyo po sana ako tanggalan ng scholarship, importante po iyon sa akin at sa pamilya ko po " pagpapaliwanag ko.
" Oh yeah , Cyden told us " sabi pa ni sir. Sabi ko na nga ba nagsumbong yun e.
Nagulat ako ng hawakan ni ma'am Camila ang malamig kong kamay , bahagya pa siyang natawa dahil napangiwi ako dahil alam kong dama niya kung gaano kalamig ang kamay ko.
"Pero walang kinalaman dito yun hija , and we wont take away your scholarship" sabi ma'am, whoo nakahinga ako maluwag, OA ko kanina nahawa na ko kay Zoey.
" Can I have a favor hija? " Tanong ni ma'am Camila saka tumingin kay sir Philip.
" Sure po ma'am, ano po ba yun? Uutang po ba kayo? Naku wala rin Ho akong pera " shucks tanga mo talaga Mara , e mayaman sila paano sila mangungutang sainyo.
" Your so bubbly , but our favor is.. can you please accompany my son? And take care of him? " Sabi ni ma'am Camila. Ano daw take care of him? E ang laki laki na nun ah.
" Sure po ,pero bakit parang binibigay niyo po sakin ang anak niyo , hehe joke lang po " kasi naman ano ko baby sitter? E damulag na yun e.
" Hindi pa hija " sagot naman ni sir Philip. Pa? Hindi pa? Ano yun? Hindi ako interesado sa anak nila noh.
" Aalis po ba kayo? " Tanong ko with a serious tone.
" Yes , May sakit kasi ang lolo ni Cyden , Which is daddy ni Philip . Sasamahan muna namin doon hanggang sa gumaling and si Philip naman siya muna ang mag manage ng company ni papa doon " paliwanag ni ma'am Camila. Teka masyado na kong chismosa dami kong tanong.
" Ah ganun po pala , sige po no problem po maaasahan niyo po ako " pagsisiguro ko Sakanila.
" But , we will pay you " sabi pa ni sir Philip. Pay daw?
" You dont have to po , malaki po ang utang na loob ko sainyo kasi pinag aaral niyo po ako and ito nalang po yung kaya kong gawin para suklian yung kabaitan niyo po sa akin " sabi ko pa Sakanila. Totoo iyon ha , sobrang laki ng utang na loob ko Sakanila as in.
BINABASA MO ANG
UNREQUITED AFFECTION
Teen FictionWould you ever do everything for love? ~ Amara Gayle Isabella Serrano, the breadwinner of her small family. The best daughter at ang maaasahang ate. She's a real life definition of beauty and brain. Minsan maangas madalas mahinhin. She's a scholar...