CHAPTER 13

120 14 118
                                    

"Ang aga mo yata?"

Nginitian ko si Kuya Rohan nang abutan ko siyang nag-aalmusal sa kusina. Umiinom ito ng kape. May itlog, hotdog, at saka fried rice sa mesa. Naroon rin ang lunch box na naglalaman ng kakainin ko mamayang lunch.

"Si mama?" tanong ko habang hinihila ang upuan sa tapat niya.

"Nagwawalis sa labas."

Sumenyas si kuya sa plato ko kaya mabilis ko itong kinuha upang ilapit sa kaniya. Pagkatapos niyang lagyan ng fried rice ang plato ko, kumuha naman siya ng hotdog at saka itlog upang ilagay rin doon. Napansin niyang wala pang natitimplang gatas para sa akin si mama kaya tumayo siya upang pagtimplahan ako.

"Ikaw, bakit ang aga mo? Wala ka namang pasok ngayon," daldal ko sa kaniya habang puno ng pagkain ang bibig ko.

"Maaga lang akong nagising," sagot naman nito. Ipinatong niya na ang gatas sa tabi ko at bumalik sa kaniyang upuan. "Hatid kita ngayon," saad niya, dahilan para masamid ako.

"Aray! Ang init!" pinaypayan ko ang dila ko sapagkat napaso iyon ng mainit na gatas. Akala ko kasi tubig 'yong nakuha ko!

Pinagtawanan muna ako ni kuya. "Bakit ka kasi nataranta? Para namang kinamumuhian mo 'yong ideyang hinahatid kita sa school. May boyfriend ka na siguro, 'no? O crush?"

"Hindi naman masamang magka-crush!" hirap kong sabi dahil nakalabas ang aking napasong dila.

"Oh, kaya nga kita ihahatid para makilala ko rin 'yong crush mo. Malay mo, hindi pala pasado sa akin," wika nito sabay sandal at halukipkip.

Inirapan ko siya saka tumayo. "Huwag mo na ako ihatid! Magpahinga ka nalang dito o kaya tulungan mo si mama!"

Kinuha ko na ang bag ko at tumakbo palabas pagkatapos ng almusal, kung saan mas nabusog pa ako sa asar ni Kuya Rohan kaysa sa pagkain. Balak kong puntahan si Winston sa bahay nila upang doon ibigay ang regalo ko. Bilang lang sa daliri ang mga pagkakataong nakapupunta kami sa bahay niya. Mas madalas lang talaga kami sa bahay ko at ni Greg.

Huminga ako nang malalim habang nakatayo sa tapat ng maliit nilang gate. Kinakalawang na ito. Isang palapag lang din ang bahay nila at hindi kalakihan. Dalawa lang din naman sila ni Tita Grace ang naninirahan dito.

Kakatok na sana ako nang makita ko si Yanie. Lumapit ito sa akin at idinikit ang ulo saka ang katawan sa aking binti. Hindi ako mahilig sa pusa o sa kahit anong hayop. Ang totoo nga'y takot ako sa kanila. Nakagat na kasi ako noong bata pa ako ng pusang gala. Kaya heto, naninigas ako sa kinatatayuan ko.

"Ay pusang gala!" Napatalon ako sa gulat nang bumukas ang gate, dahilan para tumakbo paalis si Yanie. At nang napagtanto ko kung sino ang nasigawan ko ay agad akong napayuko. "S-sorry po, Tita Grace. Nagulat lang po. Good morning po pala."

"Bakit ka nandito?" masungit nitong tanong, hindi parin lumalabas nang tuluyan. Nakahawak lang ito sa pintuan ng gate.

"H-hinihintay po si Winston," kinakabahang sagot ko.

"Ano na namang kailangan mo sa anak ko, ha?"

Pakiramdam ko'y hindi na ako nakakahinga sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. Hindi na bago ang matarayan niya, pero parang mas naging masungit pa ito ngayon. Magmula noong tumuntong kami ng SHS, tumuntong din ang pagtataray niya ng ibang level.

Lumunok ako nang mariin. "M-may ibibigay lang po-"

"Ma, aalis na po ako!"

Agad akong napatagilid ng ulo para sumilip sa maliit na espasyo sa pagitan ni Tita Grace at ng gate nila upang makita si Winston na tumatakbo. Humalik ito sa pisngi ng kaniyang mama. Saka niya lang napansin na nakatayo ako roon. Nginisihan ko siya at kinawayan.

ONLY THE BRAVEST HEARTS (THE HEARTS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon