CHAPTER 01

227 40 167
                                    

"Wala talagang something sa inyo ni Winston?"

Nabuga ko ang iniinom kong juice sa tanong ni Mae. Huminto ako sa paglalakad habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang likod ng aking palad. Tinawanan lang ako ni Mae at Johanna habang ako naman ay nakatingin sa kanila nang masama.

"B-bakit mo ba 'yan natanong?!"

Pinulupot ni Mae ang braso niya kay Johanna. "Eh kasi para kayong mag-jowa kung kumilos. Kulang na nga lang ay bitbitin ni Winston ang bag mo, e," sagot naman niya.

Tumawa si Johanna. "Malalaman mo talagang magjowa kapag bitbit ng lalaki 'yong bag ng babae, e, 'no!"

"Issue-minded lang talaga kayo," pahayag ko saka inubos ang juice na isang patak nalang ang natira. Sayang pera, e! Ang mahal-mahal ng juice dito sa school tapos matatapon lang?!

"Kahit buong section natin, iyon ang iniisip," sabi ni Johanna sabay hagikgik.

"Hindi lang talaga kayo sanay na makakita ng magkaibigang opposite sex." Tinapon ko ang bote ng juice sa basurahan saka nagpatuloy sa paglalakad habang nakahalukipkip.

"Sige, sabi mo, e," napipilitang sabi ni Johanna at nagtinginan pa sila ni Mae saka nagtawanan.

Pagbalik namin sa room, umupo kaagad ako sa upuan ko. Naka-alphabetical order kami kaya sa pinakalikod ako nakaupo at katabi ko rin sina Johanna at Mae. Salvador ang aking apelyido, habang si Johanna naman ay Rosales, at si Mae ay Suarez. Kaya rin naging malapit kaming tatlo sa isa't isa dahil magkakatabi kami.

Si Winston ay nasa harapan nakaupo gawa ng nagsisimula sa letter A ang kaniyang apelyido. Pero kahit tila magkabilang dulo ng mundo ang layo namin, hindi naman iyon naging dahilan para mawala ang closeness namin. At ganoon din kina Greg at Alasi. Nagkakasama parin kaming apat minsan kapag lunch or recess. Kapag weekdays din at wala kaming ginagawa ay lumalabas kaming apat. Pero masasabi kong hindi na iyon tulad ng dati dahil hindi na kami magkakaklase ngayon. Mas marami kaming time noon.

Habang inaalala ko ang junior high days naming apat, hindi ko namalayang nakatingin pala ako sa likod ni Winston. Kaya noong bigla siyang lumingon sa gawi namin ay napaiwas kaagad ako ng tingin.

"Yiee. Nakita namin 'yon," sabay na sabi nilang dalawa sa gilid ko.

Para silang anghel at demonyo sa magkabila kong tainga. Ang pinagkaiba lang ay pareho silang demonyo!

Magmula nang nalaman nilang sabay kaming pumapasok at umuuwi ni Winston at sobrang close namin ay palagi na nila akong inaasar sa kaniya. Sinasabi pa nila na sana raw ay ninominate nila akong muse at si Winston naman ang escort. Pero elected na kasi ako sa posisyong secretary, dahil maganda ang sulat-kamay ko. Habang si Winston naman ay hindi kasali sa officers. Na-nominate siya bilang presidente pero inayawan niya rin iyon tulad ng lagi niyang ginagawa noon pa man.

Uupakan ko na sana ang dalawang demonyong katabi ko, pero hindi iyon natuloy dahil pumasok ang adviser namin. Kumunot ang noo naming lahat nang may sumunod sa kaniyang isang estudyante.

"Transferee?" tanong ni Johanna. Hindi namin siya nasagot dahil iyon din ang tanong sa isip namin ni Mae.

"Ang pogi! Sana rito siya sa section natin!" maharot na sabi ni Mae.

Hindi kami nakatanggi ni Johanna dahil totoong guwapo nga ang lalaki. Matangkad ito na may kapayatan at kayumanggi ang kaniyang kulay. Kahit na medyo magulo ang uniform nito ay hindi mo masasabing dugyutin siya. Mukha siyang bad boy. Lalo pa't nakabukas ang ilang butones ng kaniyang polo, at nakikita ang suot niyang puting sando sa loob. Isang strap lang ng bag ang nakasabit sa balikat niya. Halatang walang laman ang bag nito. Prente rin siyang nakatayo habang nakapamulsa. Mukha siyang supladong walang pakialam sa mundo.

ONLY THE BRAVEST HEARTS (THE HEARTS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon