Chapter 13: News

165 23 1
                                    

News

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa kanang bahagi ng kwarto. Dinilat ko ang aking mga mata at napansing nandito ako sa kwarto ko.

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nag hilamos ako at ginawa ang parati kong ginagawa tuwing umaga. Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ay agad akong lumabas ng banyo. 

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa ibabaw ng kama. 

Friend request: Vince Minh Tan

Nanlaki ang mga mata ko. Siya 'yong Vince na pinakilala sa'kin nina Sheena ah?

Lumabas ako ng kwarto habang hawak-hawak ang cellphone. Bago ko i-accept ang friend request niya, nagpunta muna ako sa profile page niya at puno ng kuryusidad kong iniscroll ang screen. 

Wow... ang dami naman niyang followers sa ig. Daig pa iyong akin. Pero syempre expected na iyon dahil lowkey lang ako sa paaralang pinasukan ko dati. 

 Dumiretso ako sa kusina nang maramdaman ang gutom. Kukuha na sana ako ng gatas at tinapay ngunit nagtaka ako ng makitang walang pagkain sa kusina. Hinanap ko ang mga pagkain at puro delata na lang ang natira.

Napabuntong hininga ako. Baka kinain na ng mga tita't tito ko kahapon. Takaw naman! Hindi na nagtira.

Binitbit ko ang gatas at pumunta sa hapag kainan ngunit laking gulat ko ng makita ang mga pinsan kong naghahanda ng mga pagkain sa mesa.

Huh? Akala ko umalis na sila ng maaga kanina? Tsaka ngayon pa lang sila kakain ng breakfast? 

Pinatay ko muna ang cellphone ko at inilagay sa bulsa ng pajama ko.

"Oh, gising ka na pala" nakangiting bungad sa akin ni Roxhtin.

"Halika na. Join us for breakfast." yaya sa akin ni Luz. Tumango ako at tipid na ngumiti.

Hihilain ko na sana 'yong upuan kaso may nauna nang manghila nito. Napatingin ako sa taong nanghila ng upuan ko. Si Rylee...

Kinuha naman ni Kuya Louis 'yong tasang hawak ko at inilagay ito sa lamesa.

"S-salamat" nauutal kong pagpapasalamat sa kanila. Nginitian naman nila ako pabalik.

Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pag-aalaga galing sa pamilya lalo na't lalaki sila. Nakakapanibago. Ibang-iba sa paraan ng pagtrato sa'kin ng dati kong kinikilalang pamilya.

Siguro nga dahil hindi nila ako kadugo kaya nila nagawa sa'kin iyon. Siguro mala-prinsesa talaga ang turing ng mga lalaki sa mga babae kung kadugo o kapamilya nila o kaya naman importante sa kanila.

Kukunin ko na sana 'yong toasted bread na nakahanda sa mesa ngunit kinuha na ito ni kuya Leyhz at laking gulat ko ng ilagay niya ang dalawang toast sa plato ko. Kumuha rin si kuya Leyhz ng apat na nahiwang apple at inilagay ito sa plato ko.

Bigla namang tumayo sa kinauupuan si Kuya Rainier at binigyan ako ng ham sa plato.

"S-s-salamat" sabi ko. Hindi talaga ako sanay na napag sisilbihan ako ng ganito kasi ako ang kusang gumagalaw noon eh.

"Kumain ka ng marami para mas maging malusog ka" sabi ni Kuya Raphael. Dahan-dahan akong tumango.

Napangiti ako pero agad ding naglaho ang ngiti ko simula ng mag umpisang magsalita si Kieth.

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now