1st Warning
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
"T-teka, Rae, teka lang..." hinihingal akong napasandal sa railings ng hagdan.
"Masanay ka na dapat na parati tayong tumatakbo. Part 'yan ng conditioning ng isang Capoeira athlete" sambit ni Rae habang tumataas-baba ang mga kilay.
"Conditioning niyo lang. Huwag mo akong ida---woy!" Nagulat ako ng walang pasabi-sabi niya akong hinila patungo sa isang gusali na napalilibutan ng glass wall.
Napa-awang ang labi ko nang makapasok na kami ng tuluyan sa loob. Hindi alintana sa labas kanina na ganito kalawak ang loob ng gusali. Marami ring mga estudyante rito.
"Canteen ito ng Xaston University?" pangungumpirma ko sa katabi ko.
"Oo. Laki 'no?" mayabang niyang sabi na siyang ikinatango ko. "Tara sa Cafeteria" sambit niya.
Bago pa ako maka-angal ay hinila nanaman niya ako patakbo sa mga pabilihan ng pagkain.
"Ito ate. Ito rin. Tsaka ito." turo ni Rae sa mga pagkaing natipuhan niya.
Inabala ko rin ang sarili ko sa pagtingin din ng pagkaing gusto ko.
"Ate ito po, tsaka ito." sabi ko sabay turo sa chuckie at tinapay sa harap ko.
"Iyan lang ang kakain mo?" takang tanong ni Rae na ikinatango ko. "Ang hina mo naman" puna niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Takaw mo naman" balik kong puna sa kanya pagkakita sa mga bitbit niyang pagkain.
Halos sakupin na ng dalawang braso niya ang bitbit niyang mga pagkain.
"Syempre. Kailangan marami ang mga pagkaing kinakain mo dahil atleta ka. Hindi pwedeng lulutoy-lutoy at mahina ka 'no" sabi niya. Napangiwi ako dahil hindi ko maintindihan ang ibang mga sinabi niya dahil sa pagkaing nginunguya niya.
Pumasok kami sa dining hall ng gusali at naupo sa bakanteng upuan. Nilapag namin sa lamesa ang mga pagkaing dala namin at may naglapag din ng pagkain sa tabi ko.
Inangat ko ang tingin ko at nakita si Jaden na naghila ng upuan sa tabi ko at doon naupo.
"Hindi kayo nag-aaya ah" kunwaring nagtatampong sambit ni Jaden.
Itinuro ko si Rae. "Hinila niya lang ako dito" bintang ko.
Napahawak naman si Rae sa dibdib niya at umaktong nasaktan.
"Bakit parang kasalanan ko?" umaarteng sambit niya.
Sabay kaming napailing ni Jaden.
Hinarap ko si Rae.
"Loko ka. Anong pinagsasabi mong mauubusan tayo ng pagkain kanina? Tignan mo oh, ang daming pagkain diyan. Mukhang unlimited pa 'yong iba. Patakbo mo pa akong hinila papunta rito." naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Rae.
"Iyong paborito kong pagkain ang mahilig puntiryain ng mga estudyante dito eh. Kailangan ko silang maunahan kun'di ako 'yong kawawa" nakasimangot na sabi ni Rae at tinuro pa ang mga estudyanteng kumakain.
"Bilisan mo na kayang kumain. May binilin pa sa'tin si class pres." Ngumunguyang puna ni Jaden kay Rae.
"Class pres?" takang tanong ko.
"Class President" pagtatama ni Jaden.
"Sino? Si Zyko?" pangungumpirma ko.
Sumulyap si Rae sa'kin at bigla na lang siyang ngumiti ng nakaka-asar.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Misteri / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...