Fencing
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kasama ko. Lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil sa bilis niyang maglakad.
Nakapamulsa siya habang walang emosyong nakatingin sa dinaraanan namin.
Kainis naman ito. Para akong nakikipag-usap sa multo. Ni-hindi man lang ako sagutin.
Kahit na gano'n, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi na niya ako hinila kagaya ng ginawa niya sa'kin kanina.
Pumasok kami sa hindi pamilyar na gusali. Pagkapasok namin sa loob, bumungad agad sa'kin ang pambabaeng amoy.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob, nangunot ang noo ko nang makitang puro kababaihan ang mga narito.
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa malalakas nilang tili nang makita si Zyko sa tabi ko. Ni-hindi man lang nagulat ang presidente ng section VI sa malalakas nilang tili.
Sanay na sanay ah... tsk.
Sabagay. May hitsura nga naman itong katabi ko. Hindi na ako magugulat kung kahit sa labas ng unibersidad ay pagtilian siya. Hindi na nakakabigla ang katotohanang iyon.
Unang araw ko pa nga lang dito sa unibersidad, inaabangan na nila ang isang ito sa bukana ng gusali.
"Emrys!" Tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Yana.
"Yana!" Masiglang tawag ko sa kanya.
Patakbo kaming nagtungo sa isa't isa. Sinalubong namin ang isa't isa ng isang mahigpit na yakap.
"Kamusta ka? Ayos ka lang ba sa section na iyon? Balita ko mga Capoeirista ang mga naroroon." Pabulong na sambit ni Yana habang pasimpleng nakatingin sa taong nasa likuran ko.
Napalingon din ako sa tinitignan ni Yana. Tumigil pala sa paglalakad si Zyko at nakaharap na siya sa'min sa hindi kalayuan.
Nakapamulsa ang pareho niyang kamay sa bulsa ng pants at walang emosyon ang mga mata habang nakatingin sa'kin.
Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil nararamdaman ko ang mga mapanuring tingin ng mga estudyanteng nakapalibot sa'min.
Sinusuri nila ako mula ulo hanggang paa. Marahil ay ngayon lang nila ako nakita. Nanlilisik pa ang mga mata ng iba habang nakatingin sa'kin na animo'y inagawan ng pag-aari.
Hinarap ko si Yana. Nagpilit ako ng ngiti at lumapit sa kanya upang bumulong habang pasimpleng nakatingin sa mga kababaihang nakapalibot sa'min. "Bakit pala ganyan sila makatingin sa'kin?" Takang tanong ko.
Lumapit si Yana sa'kin upang bumulong. "Kilalang-kilala kasi si Mr. Ilarial dito. Maraming nagkakagusto sa kanya. Siguro kaya ganyan sila makatingin sa'yo kasi nagseselos sila na sa'yo nakatingin si Mr. Ilarial."
Umismid ako matapos marinig ang sinabi niya.
"What a surprise to see you here, Zyko." Sambit ng isang mala-anghel ang boses.
Namilog ang mata ng mga estudyante habang nakatingin sa babaeng nagsalita. Ang mapanuring mata nila sa'kin kanina ay mabilis na nalipat sa babaeng nagsalita ngunit agad naman silang nag-iwas ng tingin nang makilala ang babae. Napuno pa ng bulungan ang hallway dahil doon.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mistério / SuspenseUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...