The Call
─────⊱🥀⊰─────
Kianna's Point Of View
"Kin sabi pala ng lola mo, bili ka daw ng pulang bestida na kakasya sa'yo" sabi ni Sheena na ipinagtaka ko.
"Ha? Bakit daw?" takang tanong ko kay Sheena.
"I have no idea. Basta ang sabi ng lola mo, pagkatapos mo raw magpa enroll, bumili ka raw ng pulang bestida." Sabi ni Sheena habang may nginunguya pang pagkain.
"Tara na" yaya ko sa kanya papunta sa girls wear.
Kahit na tinatamad akong bumili dahil hindi ko naman hilig ito, pinilit ko parin ang sarili ko kasi bilin ito ni lola. Ayaw ko siyang suwayin.
Pero kung bistida ang gustong ipapili sa'kin? Hindi ko hilig iyon.
"Ito kaya Sheena?" tanong ko sabay hugot sa pulang dress na hindi ko medyo type pero okay na rin ang haba.
Nakita ko si Sheena na tumatakbo papalapit sa'kin. Ang dami na niyang hawak na mga bestida.
Narinig kong natawa si Sheena sa pinili ko. "Magmumukha kang manang diyan, Emrys Kianna. Masyadong malaki oh, tignan mo. XXL size?" natatawang tanong niya.
Sinilip ko naman ang itinuturo niya at napapout. "Oo nga."
Napatingin ako sa mga hawak niya. "Ano 'yan? Bibilhin mo lahat ng iyan?" tanong ko.
"Nuh-uh!" sabi niya at umiling sa sinabi ko. "Girl, nag-iipon ako ng pera ngayon kaya hindi ako makakabili kahit na gustuhin ko man."
"Eh para saan iyan?" takang tanong ko sa kanya.
"I picked this myself for you. Alam ko naman, hindi mo hilig ang mga ganito, so I'm here to help you." Sabi ni Sheena at kumindat pa sa'kin.
Eh? Ini-abot niya sa'kin ang sandamakmak na bestidang pinulot niya kung saan-saan.
"Try them all. I'll judge it" sabi niya. Tinignan ko 'yong pinili niya. Naupo na siya sa upuan at sinenyasan niya akong magpunta na sa fitting room.
Pagkapasok ko sa fitting room, tinignan ko ang mga pinili niya.
"Sheena what the hell?! Bakit ganito ang mga pinili mo?!" sigaw ko. Rinig ko ang halakhak niya sa labas.
"Just try it, Kina. I know all of them suits your body well." rinig kong sabi ni Sheena sa labas.
Sa lahat ng mga sinukat ko, isa lang ang napili ko. Pwede na...
Lumabas ako at nakita ko kung paano mamilog ang mga mata ni Sheena sa pagkamangha. Unti-unti siyang pumalakpak habang papalapit sa'kin.
"I'm definitely gonna choose BSc in Fashion Design." Sabi ni Sheena.
Hinila niya ako sa harap ng salamin at nakangisi siyang nakapamaywang sa gilid.
"See? I told you. It suits you well." mayabang na saad ni Sheena habang nakangisi sa'kin.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagulat.
"Anong klaseng bestida ito?" tanong ko kay Sheena.
"It's a red one-shoulder drape midi dress, Emrys, and it fits you so well." Sabi niya.
"Magkano ito?" tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/367490845-288-k590798.jpg)
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Misteri / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...