Chapter 26: Fight

213 18 1
                                    

Fight

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

"Zyko! Emrys!"

Kahit nasa malayo kami, rinig na rinig ko na ang boses ni Rae at Jaden na nagtatawag sa'min dito sa loob ng dining hall. Kumaway pa silang dalawa. Prenteng naka-upo si Jaden sa kanyang kinauupuan, may suot pa siyang shades, samantalang napatayo naman si Rae sa kanyang kinauupuan habang kumakaway sa gawi namin.

Dahil sa lakas ng sigaw nina Rae at Jaden, kuryosong napatingin ang mga estudyanteng nakarinig sa kanila sa direksyon namin. 

Nag-iba ang ekspresyon ng mga estudyante nang makita kaming magkasama ni Zyko. Agad na napuno ng bulungan ang dining hall na nagmumula sa mga estudyanteng kumakain sa loob.

Napatingin ako sa katabi ko na hindi man lang pinansin kung ano ang ganap sa mga taong nasa loob ng dining hall. Kalmado lamang siyang naglalakad habang diretso ang tingin sa gawi ng mga kaklase namin. Nakapamulsa siya habang poker face na nakatingin kina Rae. 

Iniwas ko ang tingin sa katabi ko sapagkat ramdam ko pa ang matutulis na mga tingin sa'kin, mapababae man o lalaki. 

Bumalik ang hindi mapakaling nararamdaman ko nang mapansin ang pagsilay ng ngisi mula sa grupo ng mga estudyanteng naka-upo sa pinakadulong parte ng dining hall, kung saan hindi natatapatan ng ilaw, kaya'y madilim sa kinaroroonan nila. 

Isinantabi ko na lang muna ang takot na nararamdaman dahil alam kong hindi ako nag-iisa ngayon.

Nang makalapit na kami ni Zyko ng tuluyan sa kinaroroonan ng mga kaklase namin, agad naman akong naki-upo sa gitna nina Rae at Jaden dahil sila pa lang naman ang kaclose ko rito. Sabay kaming naupo ni Rae. Agad naman niyang nilantakan ang pagkaing nasa harapan niya.

Napatingin ako sa Presidente namin nang makitang nakatayo pa rin siya habang nililibot ang paningin sa mga nakaupong kaklase namin na tila may hinahanap. 

"N-na c-cr ako." Nalipat ang tingin ko kay Rae na nahihirapang magsalita. 

"Ha?" Takang tanong ko.  

"L-lalabas na." Dagdag niya, puno ng pagpipigil siyang tumayo, hindi na maipinta ang mukha. Nagtataka ko siyang tinignan habang si Jaden naman ay tinignan siya, puno ng pandidiri.

*Poooooootttt

Ay...

"Ew, kadiri ka naman!" Komento ni Jaden nang marinig ang utot ni Rae. Kahit ako ay napatakip na rin sa ilong ko dahil mabilis kumalat ang mabahong amoy na inilabas niya. 

"Parang 'di mo rin naranasang magpigil ng utot ah?!" Bulalas ni Rae kay Jaden. Inilibot niya ang tingin sa lamesa matapos niyang samaan ng tingin si Jaden na ngayon ay nakasuot na ng kanyang black leather jacket. Ginamit niyang pantakip sa ilong at bibig niya ang kanyang kaliwang braso, hindi pa rin tinatanggal ang shades na suot. 

Anong trip nito? Wala namang araw sa loob ng dining hall.

Nang mapagtantong naghahanap siya ng pamunas ay agad akong kumuha ng pamunas sa bulsa ng palda ko bago kinalabit ang natatarantang si Rae. Napatingin naman siya sa'kin. Pinipigilan kong matawa sa hitsura niya. Salubong na salubong ang kilay at tikom na tikom ang bibig habang ang mga mata niya ay pasingkit na. 

"Oh, wipes." Inabot ko sa kanya ang hawak ko. Agad na nagliwanag ang hitsura niya nang makita ang ini-aabot ko. 

"Ayan, ayan! Salamat idol!" Sigaw niya bago patakbong nagtungo palabas sa dining hall, ngunit bago pa siya tuluyang makalabas, may pahabol siyang sinabi sa'kin. "Kapag nagtanong sila kung kanino galing 'yon, huwag mo sabihin na sa'kin galing, ha?" Paalala niya bago tuluyang mawala sa paningin ko. 

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now