Performance
─────⊱🥀⊰─────
Kianna's Point Of View
"Let's start with Emrys Kianna Garcia!" masiglang banggit ni Tita Loira sa pangalan ko dahilan para manlaki ng sobra ang mga mata ko.
Mabilis akong napatingin kay lola na ngayon ay nakangiti na sa akin habang pumapalakpak.
"Lolita, anong gagawin ko? Wala akong pinaghandaang performance. Hindi ko alam ang tungkol dito." bulong ko kay lola.
"Kaya mo 'yan apo" cheer sa akin ni lola "Fighting!" sabi ni lola at itinaas ang kanyang kamao.
Nagulat ako ng lumipat ang ilaw sa akin. Nagpapawis na rin ang mga palad ko dahil sa kaba.
"Emrys Kianna..." tawag sa akin ni tita Loira sa harapan gamit ang mikropono "..the stage is all yours" nakangiti nitong sambit na ikinalunok ko.
Dahan-dahan akong napatayo at pumunta sa harapan. Nanginginig pa ang mga binti ko at kulang na lang ay matumba ako sa harapan ng lahat.
Nakangiting inilahad sa akin ni tita Loira ang mikropono na dahan-dahan ko namang kinuha mula sa kamay niya.
Unti-unti akong humarap sa pamilyang Garcia. Nakakakaba ang ganitong sitwasyon. Lahat sila seryoso ang mga matang nakatingin sa'kin at ang tahimik ng paligid. Lalo akong nahiya ng maramdamang nakatingin din ang mga staff ng restaurant na ito.
"Kianna?" tawag ni tita Loira sa pangalan ko. Napatingin ako kay tita sa gilid ni Lorenzo. "Simulan mo na. Kaya mo 'yan" sambit ni tita habang nakangiti.
Feeling ko naiinip na rin siya.
Napatingin ako sa mikropono bago huminga ng malalim.
Kaya mo ito Kianna...
Nanginginig ang kamay kong itinaas ang mikropono at itinapat ito sa bibig ko.
Huwag kang manginig. Mamaya pumiyok ka, mas lalong nakakahiya.
"T-t-t-this song is f-for you, Lorenzo." nauutal kong sabi.
Mukhang mag aacapella ako dahil wala akong background music na kasama.
[A/n: SONG - Birthday by Katy Perry]
"I-I-I heard you're feeling nothing's going right. Why don't you let me stop by? The clock is ticking, running out of time. So we should party, all night---" pagsisimula ko.
Nagulat ako ng magkaroon ng background music. Alam ba nila 'yong kinakanta ko?
"S-s-so cover your eyes, I have a surprise. I hope you got a healthy appetite. If you wanna dance, if you want it all. You know that I'm the girl that you should call---"
Nagulat ako ng may dumagdag na ilaw at pumunta ito sa kabilang side ko kung saan may lalaking nag umpisang magdrum. Siya ata 'yong Rainier ang pangalan na narinig ko kanina. Inikot niya ang drum stick sa mga daliri niya bago niya ito ihampas sa drums.
Habang nagdadrum siya ay may nakasabit na headphone sa leeg niya at wala ka man lang mababakas na emosyon sa kanya kun'di ang pagsabay ng ulo niya sa beat ng pagdrum niya.
"Boy, when you're with me. I'll give you a taste. Make it like your birthday everyday. I know you like it sweet. So you can have your cake. Give you something good to celebrate"
Mas lalo akong naging confident sa pagkanta sa harap ng makitang nagch-cheer si lola sa akin at nakiki vibe sa akin ang ibang mga lalaki sa likod lalong lalo na ang ibang mga tito at tita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/367490845-288-k590798.jpg)
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mystery / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...