Text
─────⊱🥀⊰─────
Kianna's Point Of View
"Vio," tawag ni tita Keya kay Kuya "...ikaw na ang magdrive ha? Isama mo na sina Rainier, Roxhtin at Raiver sa sasakyan. Tutal malaki naman ang sasakyan natin. Kakasya naman kayo doon, 'di ba?" Tumango si kuya sa bilin ni tita Keya bago dumiretso sa parking area.
Nakasunod naman sa kanya si Kiethong, 'yong kambal, at mga anak ni tita Eya.
"Leyhz ikaw naman, kasama mo dapat ang mga kapatid mo. Isama mo na rin daw si Kin" bilin ni tita Leya kay Kuya Leyhz. Tumingin sa'kin si tita Leya at mataray akong nginitian.
Dahil sa kaba ko, ngumiti rin ako pabalik na mukha namang ngiwi.
Kita ko ang pagtalikod ni tita sa'kin at ang masungit niyang pag ikot ng mga mata.
"Mom..." suway ni Kuya Leyhz sa kanyang ina nang makita niya ang ginawang pag-irap ni tita Leya sa'kin.
Mataray na bumuntong hininga si tita "whatever" maarte niyang sambit bago kami layasan at pumunta sa kinaroroonan ni lola.
Tumingin sa'kin si Kuya Leyhz at ngumiti ng may halong hiya. "Uhm, I'm sorry about what mom did. G-gano'n lang talaga siya"
"Okay lang 'yon" sabi ko pagkatapos ay ngumiti sa kanila na okay lang talaga sa'kin dahil sanay na ako sa mga gano'ng bagay. Iyon bang hindi ka gusto kaya magsusungit at magtataray sila sa'yo.
Ngumiti naman sa'kin sina Kuya Leyhz, Kuya Louis at Luz ng sabihin ko 'yon.
"Ey bro!" Tawag ni Kuya Raphael kay Kuya Leyhz. "...kita-kita na lang mamaya sa bahay ni Abuela" paalam ni Kuya Raphael sa'min at tuluyan nang umiba ng lugar na pupuntahan. Nakasunod sa kanya sina Rylee at Ronnie.
Si Lorenzo naman ay sumama kina tita Loira at lola.
Sa ibang parking area daw kasi sila nag park. Full na daw kasi iyong parking area pagkapunta nila dito.
Pumunta na rin kami sa parking area at paliko-liko lang kami ng daan hanggang sa tumambad kami sa itim na sasakyan nila.
"Kuya Leyhz may tanong po ako. Saan po pala sumakay sina tito at tita? Si Lolita po pala?" Tanong ko.
"Lolita?" Takang tanong ni kuya Leyhz.
"Ah... k-kasi po iyon daw ang itawag ko kay lola." Sabi ko habang nagkakamot ng ulo.
"Ahh... gano'n ba? Tinawagan ni Abuela 'yong driver niya na dalhin 'yong van dito kaya doon na sila sumakay lahat" sagot ni kuya. Tumango ako bilang pagtanggap sa sagot niya.
Pumasok na si Kuya Leyhz sa driver's seat kaya binuksan ko na rin ang pintuan sa backseat at pumasok na sa loob. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit wala pang sumasakay sa tabi ko.
Tumingin ako sa labas ng nakabukas na pintuan ng kotse at nakitang nag uunahan ang magkapatid kung sino ang uupo sa tabi ko.
Natawa ako sa kakulitan nilang dalawa samantalang napa iling naman si Kuya Leyhz sa ginagawa ng dalawang kapatid niya.
"Ako ang mas nakakatanda sayo! Sundin mo 'ko! Doon ka sa front seat" Utos ni Kuya Louis sa kanya.
"Ako ang sasakay sa backseat! Ako ang bunso. Bawal ang bata sa front seat!" Kontra ni Luz sa utos ng kuya niya.
"Hind---" hindi na natuloy ni Kuya Louis ang sasabihin niya nang magsalita si Kuya Leyhz sa harapan.
"Kina" tawag sa'kin ni kuya Leyhz.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mystery / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...