Chapter 21: Head Office

167 22 1
                                    

Head Office

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa posibleng dahilan kung bakit magka-away ang mga Garcia at Ilarial. Hindi ko rin maiwasang hindi isipin kung ano ang tunay na nangyari sa mga tagapagtatag ng academia, lalong-lalo na kay señor Rezin Garcia. 

Hindi rin ako mapakali sa nakita ko kagabi. Logo talaga iyon ng Macabre University. Bibisita ulit ako mamaya sa Memoir Building upang kumpirmahin ang nakita kong simbolo. 

Lutang akong pumasok sa loob ng elevator ng paradahan ng unibersidad. Pinindot ko ang ground floor button bago pumwesto sa likurang bahagi ng elevator. Humalukipkip ako at sumandal. 

Si Kuya Den ulit ang naghatid sa'kin dito sa paaralan. Sinabihan ko rin ang mga pinsan ko na hindi na nila ako kailangang sunduin pa sa tapat ng bahay ni Lolita at dumiretso na lamang dito. 

Binilin ko naman kay Kuya Den na kahit dito sa paradahan ng unibersidad na lang niya ako parating ibaba. Ayokong maka-agaw ng pansin sa ibang mga estudyante lalo na't baguhan pa lang ako rito at marami pa ang hindi nakakakita sa'kin.

Hindi pa tuluyang nakakasara ang pintuan ng elevator ng pumasok sa loob ang hindi ko inaasahang tao na makakasalubong ko umagang umaga. Si Zyko Ilarial...

Napatingin siya sa'kin saglit bago dire-diretsong pumasok sa loob. 

Pinindot niya ang 2nd floor button bago pindutin ang closed door button ng elevator. Pagkasara ng pinto ng elevator ay tumayo siya hindi kalayuan sa'kin. Sinakop ng mabango niyang amoy ang loob ng elevator. 

Nakapamulsa ang isa niyang kamay sa bulsa ng pants niya habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa backpack niyang nakasuot lamang sa iisang balikat nito.

Nakasuot sa ulo niya ang hood ng kulay itim niyang hoodie. Kahit pa man nakasuot siya ng hood, nakikita parin sa repleksyon ng pintuan ng elevator ang seryoso niyang mukha.

Kahit siya hindi marunong ngumiti... 

Nakita ko lang siyang ngumisi sa'kin kahapon noong padaan sila sa entrance ng gusaling kinaroroonan namin nina Yana rito sa Xaston University. Pero hindi ko sigurado kung sa akin talaga siya nakatingin noong mga sandaling iyon dahil marami kaming nakatingin sa kanila no'n. 

Napabuntong hininga ako sa kawalan at inalis na lang ang tingin ko sa kanya. Sa gumagalaw na arrow na lang ako nakatingin, hinihintay huminto ang elevator sa ground floor. 

Nang tumunog ang elevator ay siyang pagbukas ng pinto nito. Dumaan ako sa gilid ni Zyko pero napahinto rin ako. 

Hindi ko gawaing hindi mamansin sa mga taong kilala ko lalo na kung hindi naman ako galit sa taong iyon at kung walang ginawang masama sa'kin ang tao. Ayoko maging bastos. Isa ito sa mga naituro ni Lolita sa'kin. 

Huwag maging bastos. Kapag nakakita ka ng taong kilala mo, batiin mo sila kahit pa hindi kayo magkasundo.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pinihit ko ang mga paa ko at dahan-dahan siyang hinarap. Nakatingin lang siya diretso sa labas ng nakabukas na elevator, hindi pinapansin ang presensya ko. 

"Class president" tawag ko sa kanya. 

Hindi ko pa siya kayang tawagin sa unang pangalan niya. Tumataas ang buhok ko sa braso kung binabanggit ko ng malakas ang pangalan niya.

Pagkasabi ko ng class president ay tsaka pa lang niya ako nilingon. Walang emosyon ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin, hinihintay ang susunod kong sasabihin. 

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now