Chapter 20: Photo Album

177 22 0
                                    

Photo Album

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

Pagkatapos kumain ng mga pinsan ko ay nagsipag-uwinan na rin sila dahil hinahanap na sila ng kanilang mga magulang.

Iyan kasi. Kung kailan nandito na sila, tsaka pa lang sila magpapaalam.

Hinintay ko munang maka-alis ng tuluyan ang mga pinsan ko bago pinuntahan si Lolita sa kanyang opisina.

Kumatok muna ako ng tatlong beses. 

"Lolita?" tawag ko mula sa pintuan.

"Pasok, Kina" rinig kong tawag ni Lolita sa loob. 

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pinto at ng tuluyan ko nang nabuksan ang pinto ay tsaka palang ako humakbang papasok sa loob. Sinara ko rin kaagad ang pinto ng makapasok na ako sa loob. 

Nakaupo si Lolita sa upuan habang suot-suot nito ang salamin niyang manipis. Matamis siyang ngumiti sa'kin at itinigil ang ginagawa upang harapin ako.

Ngumiti rin ako sa kanya at naupo sa upuang nasa harapan niya.

"Hindi ka ba makatulog?" tanong ni Lolita. Tumango ako.

"May itatanong lang po ako. Kung okay lang po sa inyo?" pagpapaalam ko.

Tumango naman si Lolita. "Ano 'yon?" tanong niya.

Tumikhim ako at umayos ng upo. 

"May kilala po ba kayong Rezin Garcia ang pangalan?" tanong ko. 

Tila natigilan si Lolita sa naging tanong ko. 

"Oo." Nag-aalangan na sagot ni Lolita. 

Mas lumapit pa ako kay Lolita. "Kaano-ano natin siya, Lolita?" kuryosong tanong ko.

"Siya ang ama ng asawa ko. He is your great great grandfather." Seryosong sagot ni Lolita sa tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatakip pa ako sa bibig ko dahil sa narinig.

"Totoo po ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. 

Tumango naman si Lolita.

"Ibig sabihin no'n, great great grandfather ko ang isa sa mga founder ng Tapherim-Lazcia-Ferinata Academia." Sambit ko, hindi parin makapaniwala sa nalaman. 

Tila natigilan si Lolita sa narinig. Nangunot pa ang noo niya. "How did you find out about that academy?" takang tanong ni Lolita.

"Kinuwento po sa'kin ng kaklase ko. Nakalagay din po sa Memoir Building ng Xaston University ang tungkol sa Tapherim-Lazcia-Ferinata Academia at kung sino ang mga nagtatag ng paaralang iyon." sambit ko. 

Tumango si Lolita bilang pagtanggap sa sinabi ko.

"Lolita" tawag ko sa atensyon niya. 

"Hmm?" 

"Alam niyo rin po ba ang tungkol sa Tapherim-Lazcia-Ferinata Academia?" tanong ko. 

"Oo naman. Laging kinukuwento sa'kin ng Lolito mo ang tungkol kay señor Rezin Garcia" nakangiting sambit ni Lolita.

"Kagaya po ng?" kuryosong tanong ko.

"Kinukuwento sa'kin ng Lolito mo na isa si señor Rezin Garcia sa kinakatakutan dati sa panahong iyon. Dahil siguro sa mga malalamig na tinging ibinibigay niya. Isama mo pang hindi siya mahilig ngumiti. Namana iyon ng Lolito mo, Kina. Hindi rin palangiti ang Lolito mo" kuwento ni Lolita sa'kin habang natatawa.

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now